Tsaka ang sad lang kasi hindi na yata ako naaalala ni Yohan mylabs. Inumpog yata ni Bea Bianca yun este Kyla. Kahit pangalan common. Ginayuma niya lang yata si mylabs eh.

Ito na nga. Ang sad kasi di niya ko naalala....

Nung freshmen palang kasi kami, naging ka-block section ko yang si Kyla. And guess what? Wala siyang naging friends sa mga kaklase namin. Bakit ko alam? Kasi siya lagi ang topic ng mga babae kong kaklase. Kesyo maldita raw, mataray, may sariling mundo. Pero sa totoo lang, mukang ang reason talaga kung bakit wala siyang friend eh dahil maraming na-iinsecure sa kanya. Kasi naman first year palang kami, siya mukha ng 4th year. Ang matured kasi niya tignan. Kaya marami din na nagkaka-crush sa kanya pero dedma lang ang peg. At hindi ko sasabihin na maganda siya. Never.

At ako naman si mabait, I tried talking to her as many time as I can remember. Pero never niya kong kinausap! Madalas tinataasan niya lang ako ng kilay. Minsan pa nga iniirapan pa ko eh! Kapal ng mukha di ba? Kung ayaw niya ng kaibigan di wag! Allergic yata sa tao yun eh.

Pero one time absent siya. One week pala hindi one time. Pero mukha namang walang pakialam mga kaklase ko. Di ko narin pinansin yun. Nagdidiscuss yung prof namin nung nag-excuse ako para mag-cr. Pagkalabas ko, may nakita akong gwapo! As in gwapo talaga! Mukhang may hinihintay siya pero halata ring nagmamadali. Ako rin nagmadali na pumuntang c.r kasi sasabog na pantog ko! Pagbalik ko nandun parin siya sa labas ng classroom namin. Tapos silip siya ng silip sa loob. At dahil gwapo siya, tinanong ko kung may kailangan ba siya.

"Si sir Matias ba yung prof niyo ngayon?" tanong niya. Tumango naman ako bilang sagot. Mukhang nag-aalinlangan pa siya nung una kung magtatanong pa pero nagtanong padin siya.

"Pinapagalitan niya ba kayo ngayon?" This time ako naman  yung nahiya.

"Oo eh. Kakausapin mo ba siya?" Ang gwapo niya talaga swear. Ang kinis ng mukha. Anak mayaman siguro 'to.

"Sana. Kaso nakakatakot siya istorbohin. Friend ka ba ni Kyla?" nag-alinlangan pa ko kung sasagot ba ko ng hindi o ano bago siya nagsalita ulit, "nagmamadali kasi talaga ako ngayon. Baka pwede nalang maki-suyo. Pakibigay naman nitong letter sa mga pof niyo. Reason niya yan kung bakit siya absent this past few weeks. Sorry talaga sa abala ah pero kasi kailangan ko na umalis." Dali-dali naman siyang umalis pagka-abot niya nung letter tsaka mag-thank you. Habang ako na-starstruck talaga sa kagwapuhan niya. 

Hindi ko manlang natanong sa kanya mismo yung pangalan niya. Nalaman ko lang kay Yasmine dahil knwento ko sa kaya. Tapos nalaman ko na boyfriend pala siya ni Kyla. Sayang, nagayuma ni Kyla. Pero okay lang, ultimate crush ko parin siya. Walang makakapigil sakin. Lol


"By the way Mayu. Samahan mo kong mag-shopping bukas ha. Aalis kasi sila mama at papa bukas, tapos si ate Monique naman ay may gimik daw ng mga barkada niya kaya ako lang maiiwan sa bahay. Ayoko naman maburo dun kaya magpapasama nalang ako sayo mag-shopping tutal matagal narin nating di nagagawa yun."

"Oh sure! Pabor sakin yan. Lilibre mo kasi ako."

"Kapal talaga ng mukha mo. Ang panget mo na nga, ang hirap mo pa."

"Ouch ha! Bestfriend ba talaga kita? Hindi talaga nabubuo araw mo pag di mo ko nasasabihang panget ano? Di naman ako panget. Cute ko kaya!" 

"Joke lang. Mahal kita wag kang mag-alala. Tsaka ililibre kita."

"May kulang pa."

"Ano?"

"Na panget ako."

"Hindi joke yun. Wag kang assuming."

"Napaka mo talaga!"

"Labyutu."


Ang sweet talaga ng bestfriend ko. Sarap ihampas sa pader! Pero kahit nilalait ako niyan, alam kong mahal na mahal ako niyan. We're childhood bestfriends kaya alam na namin ang baho ng isa't isa. Pero mas mabaho siya kaysa sakin! Haha!

Facts about her: Mataray siya at sobrang taray niya at maarte siya manamit. Lagi nga niya akong sinasabihan dati na mukha daw akong manang dahil sa pananamit ko. Buti nga ngayon panget nalang eh. Dati talaga sisigaw siya ng manang pag nasa malayo ako. Nakakahiya talaga!

Pero anong magagawa ko? Hindi yata talaga ako pinanganak na may fashion sense. Long skirt (since bawal maiksi sa school) at t-shirt at doll shoes okay na ko. Lagi niya kong binibilhan pag sinasamahan ko siyang magshopping (sinasamahan talaga kasi hindi kaya ng allowance ko ang word na shopping) pero hindi ko naman sinusuot kasi feeling ko talaga hindi bagay sakin. Ayoko namang magmukhang trying hard kaya nakatambak lang lahat sa cabinet ko.

Wala namang pake si Yasmine kahit ibili niya ko ng ibili tapos itatambak ko lang. Masusuot ko din daw yun sa tamang panahon. Palibhasa mayaman. Hustisya naman para sa mga tulad kong mahirap diba? Kaiyak.


"Una na ko panget. May class na ko. Tawagan nalang kita mamaya. Babush!" She rushed out of the cafeteria as fast as she can. I bet she's late. Huh! Digital talaga ang karma. Kaya wag na wag niyo kong masasabihan na panget ako. Cute ako! Cute!


Boring naman. Napatingin ako sa pwesto nila Yohan and guess what? They seem like fighting! Wahaha!


"Please Yohan, wag ka na makulit."

"I just want to be with you. Ayaw mo ba?"

"It's not that I don't like but for pete's sake, give me a break! Gusto ko namang magka-time para sa sarili ko. Lagi nalang tayong magkasama this past few weeks!" Echusera. Pasalamat nga siya gusto pa siyang makasama ni mylabs! Arte!

"Bakit? Nagsasawa ka na bang kasama mo ko?" Hindi nakasagot si Kyla. "Nagsasawa ka na ba sakin?" Hindi parin sumasagot si Kyla. Nakatitig parin siya kay Yohan. Ano? Na-guilty ka teh? Ang sama mo kasi kay mylabs!

"I have to go. May class na ko. Mag-usap nalang tayo mamaya." Then she left while Yohan doesn't move an inch. Nabigla siguro sa nangyari. Nagsawa na nga kaya si Kyla sa kanya?

I can't help but to feel sorry for him. Hindi pa ko nagkakaroon ng lovelife kaya hindi ko masabi kung ano yung exact na nararamdaman ni Yohan. But for sure he's hurt. 

Gusto ko siyang lapitan para i-comfort siya, kaso ano namang sasabihan ko? Na nakikinig ako sa kanila at pinapanood ko silang mag-away? Edi sumama ang tingin sakin ni Yohan. Okay na ko dito, okay na ko na pinapanood ko lang siya.

15 minutes na siguro siyang nakatunganga at 15 minutes narin akong nakatingin sa kanya. Then he murmured something na hindi ko masyadong narinig.


Nakakabagot.


Nakakapagod.



Ano raw?!






Hired GirlfriendWhere stories live. Discover now