Chapter 1

1.7K 48 9
                                    


- Mayu Forteza's POV -



"Hay....."

Napakagandang simula para sa chapter na ito. Hay... Ang drama ko! Simulang simula nagdadrama agad ako. Oh well, that's part of life.

Nandito kami ngayon sa cafeteria kasama ang pinakamamahal kong bestfriend na si Yasmine. Kasalukuyan kaming kumakain ng paborito kong cheesecake. Ang kaso, sira ang mood ko ngayon dahil napakapangit ng view ko.

Nasa tabi lang naman ng table namin ang table ng pinakamamahal kong si Yohan kasama ang impakta niyang girlfriend! Yeah, perfect term to describe Kyla is IMPAKTA! Kung makapagsuot ng damit kala mo eh laging bar ang pinipuntahan! Ewan ko ba kung paano yan nakakapasok dito sa school. Dapat hinaharang yan ng mga guard! At ewan ko din ba kung bakit sila nagtatagal ni Yohan. Siguro ginagayuma niya.

"Hay...."

"13"

"Huh? Anong 13?"

"Pang-13 mo ng buntong hininga yan. Ano ba problema mo ngayon?"

"Wag mo ng itanong. Pero ang taray ha, nabilang mo pa yun."

"Ouch. Masakit ha!" Batukan ba naman ako?! Sabi ko lang wag na siyang magtanong eh! Psh.

"Gusto mo dagdagan ko pa ha?!"

"Psh. Ang pangit kasi ng view dito."

"Taray. Ikaw kaya kumaladkad sa akin dito."

"Kanina yun kasi wala pang asungot na dumating. Pang heaven na sana kanina ngayon pang-impyerno na."

"Chura mo panget. Normal lang yang nakikita mo kasi 'sila' kaya wag ka ng maginarte diyan."

"Tsk! Mauuna na nga ako. Baka ma-late pa ko. Makaalis na dito." sabi ko sabay ayos ng bag ko at ready ng umalis.

"Anong class? Wag mo 'kong pinaglololoko. Mamaya pa ang next class mo. Tsaka umayos ka nga, para kang bata. Itigil mo na yang kadramahan mong yan dahil hindi bagay sayo. Arte mo." Nakakairita talaga 'to. Sakit magsalita bwisit.

"Epal."

"Panget." Psh. Yan ang bestfriend kong si Yasmine Samaniego. Kalahating normal kalahating halimaw. Si Yasmine ang childhood bestfriend ko. Ako lang ang kaibigan niyan kasi walang tumatagal sa ugali niyan. Sobrang sama eh. Joke. May friends yan. Pero ako ang bestfriend niya kaya ganyan yan sakin. Halimaw.

Lyceum of the Philippines University. Dito namin naisipang mag-aral. Cavite campus para maganda. Nung naghahahnap kasi kami ng university for college, may friend kami na inendorse na maganda dito. Pero ang main reason kung bakit dito kami napadpad, kasi marami daw gwapo dito. Di ba ang harot ko lang? At ito namang kaibigan kong 'to eh ayaw niya daw kasi akong mapariwa kaya sinamahan niya ko dito. Babantayan niya daw ako. If I know, kaya siya sumunod sakin kasi wala talaga siyang pakialam kung san siya mag-aaral. Typical of her. Kaya ginaya nalang ako. Idol talaga ako niyan.

I'm taking up BSBA in Human Resource Developement Management. Gusto ko talaga kasi na  sa office ako magwowork pagka-graduate ko. At bilang 3rd year, hindi naman ako masyadong nahihirapan. Di ko din masabing chill lang kasi may mga subject talaga ako minsan na nagpapahirap ng buhay ko. At may mga professor akong nagpapa-kumplikado ng buhay ko tragis!  

Yohan Esguerra. Siya ang inspiration ko dito sa school. Ang landi ko ba? Hindi naman. Masama bang magka-crush? Tao lang ako at sa tingin ko requirement sa buhay yun. 

Pero nakakainis lang kasi may sumabit sa story naming dalawa. Walangya kasi may jowa! Okay lang sana kung mala Yna macaspac yung datingan eh kaso hindi! Idol yata nun si Bea Bianca ng Pangako Sayo. Impakta! Akala mo naman sobrang ganda.

Hired GirlfriendWhere stories live. Discover now