Sa Una Lang Ba?

25 2 0
                                        

Sa una lang ba masaya?
Ang dating mahahabang mga usapan,
Ngayo'y naglaho na.
Kakalimutan na lang ba?

Ang dating masasayang alaala,
Ang minsan na pagsulyap sa isa't isa,
Ang mga sinabi mong matatamis na salita,
na minsa'y binigyan ko ng ibig sabihin at halaga.

Kailan kaya darating ang oras na mawawala na,
Ang bukod-tanging nararamdaman ko para sa'yo.
Kada tingin sa'yong mga mata ay wala nang makitang sigla.
Parang dati lang ay ang pagdaan mo lamang ay ang rason ng minsanan kong pagsilakbo.

Sa una lang ba?
Ang mga matatamis mong mga salita,
Na akala ko'y kahit kailan hinding-hindi mo bibitawan.
Kay malas nga naman na ako'y iyong napaniwala.

Akala ko kasi ikaw na,
Ang makakakita ng tunay kong halaga.
Akala ko kasi paninindigan mo lahat ng mga sinabi mo,
Subalit akala lang at sa una lang pala.

MemoryaWhere stories live. Discover now