Pero, hindi ko alam... kasi parang unti-unti ko na ring nakakalimutan si Alex. Nalilipat iyung atensyon ko kay Xzayvian, siguro nga, malapit na talaga akong makamove on kay Alex dahil kay Xzayvian, ang saya lang. At kung dumating man ang tamang panahon, baka magustuhan ko si Xzayvian... mahalin ko rin siya at magkaroon na talaga ng tunay na kami. Iyong walang due date, kami na talaga. Forever na iyon.

'Tsaka, sure naman ako na kaya kong mahalin si Xzayvian, sino ba naman kasing hindi mafo-fall sa kanya? Ang bait, maginoo, hindi ka sasaktan, almost perfect na kumbaga. Kaya time will come, magkakagusto rin ako sa kanya at mamahalin ko rin siya. Sana lang ay magkasama pa rin kami ng time na iyon at close pa rin kami. Kasi 'yung closeness, ang hirap niyang ibalik kapag nawala na... parang trust lang.

"Nervous?" I shook my head. "Ba't parang ang lalim ng iniisip mo?"

"Iniisip lang kita, kung anong mangyayari sa atin in the near future," I said, smiling. Natawa naman ako nang mamula siya. Grabe talaga, ang bilis tablan ng mga sweet words. Paano na kapag naging sweet na talaga ako? Baka sumabog na siya. Hay, nako.

"Mangyayari? Iyong magkakababy na tayo?" Ako naman iyung namula sa tanong niya. Pinalo ko siya sa braso niya, kaya pala namumula siya!

"Kung anu-ano iyong iniisip mo! Ang ibig kong sabihin kasi ay kung tayo pa rin ba o... alam mo iyon?" Natahimik kaming dalawa. Mukhang hindi na rin niya alam 'yung tamang sasabihin kaya nagdrive na lang siya at hindi na nagsalita. Parang naging awkward tuloy iyung atmosphere. Ano ba naman kasing klaseng thoughts iyan, Luan?

Nang makarating na kami sa sinasabing isa pang bahay nila, halos manlaki na lang iyung mata ko sa nakikita ko. Ito ba talaga iyung bahay nila? For real? Ang yaman pala talaga nila... yeah, alam ko na mayaman sila pero hindi ko akalaing ganito kayaman. Iyong totoo, presidente ba ng Pilipinas iyung tatay o nanay ni Xzayvian?

Pagkapark niya sa garahe nila, lumabas na kami ng kotse niya. Para akong batang naliligaw dito na tingin nang tingin sa gilid-gilid. Ang ganda kasi talaga. Muntik pa nga akong matalisod, buti na lang nahawakan ako sa bewang ni Xzayvian.

"Hey, ingat ka, baka madapa ka diyan." I just nodded. Pagpasok namin sa bahay nila, sumalubong agad sa amin ang sangkatutak ng maids. Binati kami ng good morning at pinapasok sa bahay. Okay, okay. Hindi ko akalaing ganito kayaman si Xzayvian, sobrang mangha na talaga ako. Hindi na ako makaget over.

May sumalubong sa amin na babae na tingin ko ay nasa 45 ang edad. Nanay yata 'to ni Xzayvian. Lumapit si Xzayvian dito at hinalikan sa pisngi. Tumingin sa akin 'yung babae. Napakagat ako sa labi ko. Ano bang dapat kong gawin? I smiled awkwardly.

"A... hello po. Good morning din po..." Nanatiling poker face iyung babae at tumingin lang sa akin, napalunok na lang ako nang tumalikod ito at sinabing sundan daw siya.

Lumapit sa akin si Xzayvian at hinintay ako sa paglalakad.

"Are you okay?" I nodded. "You look pale. Masama ba ang pakiramdam mo?" I shook my head.

"I'm good. Walang masakit o masama ang pakiramdam, okay lang talaga ako." Tumango siya at naglakad na kami.

Nasa dining room kami, nagse-serve ng pagkain iyung mga maids ngayon. Naagaw iyung atensyon ko sa mga maids nang umubo iyong nanay ni Xzayvian.

"Xzayvian," parang tumaas lahat ng balahibo ko sa katawan. "Who's that girl?"

Xzayvian cleared his throat. "Mom, I want you to meet Luan... My girlfriend," tumingin sa akin iyong Mom ni Xzayvian. Parang hindi niya yata ako gusto para kay Xzayvian.

"Seryoso ka na ba rito?" Bahagyang kumunot iyong noo ko. Anong seryoso?

"Yes, Mom. Siya na iyon... I'm sure of that," hindi ko maintindihan ang pinag-uusapan nila kaya palipat-lipat lang ang tingin ko.

"She's not pregnant, right?" Ha? Ba't naman ako mabubuntis? 'Tsaka... wala naman kaming ginagawa ni Xzayvian. Sobrang galang kaya ni Xzayvian sa mga babae.

"Of course, I love her. Promise. I am serious with her." Nagulat ako nang may sumilay na ngiti sa labi ng mom ni Xzayvian.

"Finally... nahanap mo rin ang babaeng para sa'yo," nahanap? Ako? Hindi ko alam iyung tamang gagawin ko, kung ngingiti ba ako o hindi.

Kasi... ako ba talaga?

Pangatlong araw na ngayon. Mayroon pa kaming 11 days. Parang ang tagal pa naming magkakasama ni Xzayvian pero sa totoo lang, sandali lang iyan. Ang bilis lang kaya ng araw.

Masaya ako na kilala na ako ng parents ni Xzayvian, gusto nila ako para sa anak nila. I'm happy because of that. Kung buhay lang din siguro ang parents ko, ipapakilala ko si Xzayvian sa kanila at sure ako na magugustuhan din nila si Xzayvian.

"Anong gusto mong gawin natin ngayon?" He asked. Nandito lang kami ngayon sa bahay nila, sa apartment. Tita Daisy told us na roon na lang tumira sa bahay nila, sinabi ko kasi na sa apartment lang ako nakatira at wala na rin akong magulang but I refuse. Ganoon din naman si Xzayvian.

"Ewan. Ikaw ba, anong gusto mo?"

"Ikaw. Ay, hindi pala, mahal nga pala kita." He said then pinched my nose. Napangiti na lang ako.

"Ikaw, ha... bumabanat ka na, kapag ako bumanat baka sumabog ka na diyan," pang-aasar ko sa kanya.

"Sumabog dahil sa sobrang pagmamahal sa'yo," he winked at me.

"Boom!" Nagulat pa kami sa pagsulpot ni Xsen. Tumingin siya sa amin. "Ginagawa niyo," we just shrugged. Si Xsen talaga.

Nanood na lang ulit kami sa Movie Central, may TV plus kasi sila Xzayvian, e. Maganda iyong movie ngayon kaya pinanood na lang namin. Nang matapos na iyung movie ay nilipat namin sa MYX kaso hindi namin type 'yung music kaya nilipat namin sa ABS-CBN pati sa GMA hanggang sa nauwi kami sa YEY.

Seriously, tv plus is life. Kapag bumibisita kasi ako kila Tita Jel ay doon lang ako nakakanood sa tv plus.

"Gusto mo magbike?" Tanong niya habang nanonood kami ng Garfield.

"Bike? Hindi ako sanay, e..." Narinig ko siyang tumawa kaya inismiran ko lang siya. Hindi nga kasi ako sanay, hindi naman kasi ako nagkaroon ng bike nung bata ako.

"Gusto mo, turuan kita?" Napatingin agad ako sa kanya. Matagal ko ng gustong magbike, so why not?

"Talaga?" He nodded. Napangiti na lang ako at inaya na agad siya.

The Two Weeks Relationship Where stories live. Discover now