Dear Diary,
Alam mo ba diary habang naglalakad ako kanina sa hallway ay bigla akong natisod. Ang tanga ko no diary? Tumingin ako sa kaliwa, tumingin din ako sa kanan, tumingin din ako sa likod. Hay buti na lang diary walang nakakita. Nang malapit na ako sa room namin diary ay biglang may tumawag sakin
"Shona sandali lang" sigaw ni camille. My loving bestfriend
Nakita kong pawis na pawis na siya diary at maraming hawak na libro "Makasigaw ka naman diyan! Bakit ba?" Tanong ko
"Pasabay" sagot niya sakin habang hinihingal "At tsaka kanina pa kita tinatawag diyan eh" sabay hampas niya sa braso ko
Grabe diary alam mo yun? Ako na nga tong naghintay ako pa tong hinampas. Ibang klase!
"Aray naman! Pasalamat ka nilibre mo ako kahapon ah" sabay irap ko bago umupo
Umupo siya sa tabi ko diary bago sumagot "Anong libre ka dyan! May bayad kaya yun!" Sigaw niya
"Oo na alam ko na yun! Pasalamat ka close ko yung kapatid ko!" Sigaw ko din
Nakita kong agad na namula yung mukha niya. Tss pasalamat siya botong boto ako sa kanya para kay kuya. Pano ba naman kasi diary, crush niya yung kuya ko. Tas ilakad ko daw siya sa loving brother ko! Kaya pala nilibre niya ako kahapon dahil sa may kailangan siya sakin!
Marami din kaming na pag kwentuhan ni camille at nag plano din kami kung anong gagawin namin bago mag bakasyon. Matapos naming mag usap diary ay dumating na din yung teacher naming panot HAHAHA charot
Ay hindi pa pala ako nag papakilala sa inyo no? Hahaha.
Ako nga pala si Shona Claire Buenaventura 15 years old, first year high school na ako at nag aaral ako sa---- teka nga kailangan pa ba yun? Is wag na nga. O siya mamaya na lang ah diary ah? kasi may klase pa kami kay panot eh. Secret lang natin to diary ah? Wag mong sasabihin na panot yung tawag ko sa kanya, mahirap na baka ibagsak ako hihihi.
P.S
Mamaya na lang kita susulatan ulit diary dahil may klase na kami kay panot.Shona
![](https://img.wattpad.com/cover/179966534-288-k171394.jpg)
ESTÁS LEYENDO
Diary ng Shunga {ON-GOING}
HumorIto ang kwento ni Shona Claire Buenaventura. Ang babaeng shunga shunga at hayaan niyong ibahagi niya sa inyo ang kanyang buong kwento. #OnGoing #SLowUpdate