"Ayaw mo bang magkaanak tayo?" mahina kong tanong.

"Siyempre gusto," saad ni Xavier, "I want you to mother my child pero gusto kong nandoon ako. Ayokong iwan kang mag-isang pinapalaki ang anak natin."

"Hindi ako mag-isa, Xavier. I am sure hindi ako pababayaan ng lolo mo," sagot ko.

"Hindi ang lolo ko ang problema," saad ni Xavier, "people in the company, people in our house, lahat ng pakialamero sa buhay ko, siguradong pakikialaman ka."

"Kaya ko naman sigurong harapin sila," sambit ko.

"Yumi, alam kong matapang ka at alam ko ding kaya mong harapin silang lahat. But I am worried about our child. Kung papayag ka sa gusto ni Lolo, you will bear an illigetimate child dahil hindi tayo kasal. Ayokong pagdaanan ng anak ko ang napagdaanan ko noon. I don't want him to be like me, isang taong hindi alam kung paano ilugar ang sarili sa pamilya," saad ni Xavier, "matanda na ang lolo ko. It would take years for our child to be ready enough to lead the company. Ayokong madehado kayo pagdating ng panahon at mahirap para sa akin dahil kapag mangyari 'yun, possibleng wala na rin ako para tulongan ka."

Natahimik ako sa sinabi ni Xavier. Tama siya, magiging illigetimate ang anak namin kung itutuloy ko ang kasunduan. Tahimik akong umupo saka binuksan ang folder na naglalaman ng kontrata namin ng lolo ni Xavier.

Nakasaad sa kontrata na oras na maisagawa na ang artificial insemination, kailangan muna akong pansamantalang tumigil sa pag-aaral hanggang sapat na ang edad ng bata. Nakasaad din doon na sa mansion ng mga Vanhallen ako titira at bilang ina ng magiging anak namin ni Xavier, magkakaroon ako ng sariling quarters, mga katulong at sustento Nakasaad din sa kontrata na hindi ako pwedeng magkaroon ng ibang karelasyon at kung sakaling suwayin ko ito, kailangan kong lisanin ang mansion pero hindi ko pwedeng isama ang anak namin ni Xavier.

"See? My lolo can sometimes be manipulative. Ayokong mapilitan ka sa sitwasyong ito," saad ni Xavier.

"Mahal kita, Xavier. At kung sakali mang mawala ka, sa tingin ko hindi na rin ako magmamahal muli," saad ko, "kaya kung magkaroon tayo ng anak, siguro sa kanya ko ibubuhos ang lahat ng atensyon ko."

"Okay," bagsak balikat na saad ni Xavier, "but you have to make a demand."

"Ano 'yun?" tanong ko.

"Sabihin mo kay Lolo na papayag ka lang sa kondisyong gawan niya ng paraan upang maging legitimate ang anak natin," suhestiyon ni Xavier.

"Paano niya gagawin 'yun?" tanong ko.

"My grandfather has ways," malimit na saad ni Xavier.

*Xavier's POV*

Nag-alala man ako sa desisyon ni Yumi, pinili ko na lang na ipaubaya sa kanya ang lahat. Sa ilang buwan kong nakasama si Yumi, batid ko na kapag buo na ang isip niya, hindi ko na mababago ang desisyon niya. Sana nga lang tama ang desisyong ito. Ngayon ko lalong gustong mabuhay muli dahil hindi lang si Yumi ang magiging dahilan ng pagkabuhay ko kundi pati ang magiging anak namin.

"Yumi?" kumatok ang tiyahin ni Yumi habang nasa kalagitnaan kami sa aming pag-uusap, "may naghahanap sa'yo sa baba."

Parehong nagtatanong na tingin ang iginawad namin sa isa't isa saka nagpasyang lumabas ng silid upang harapin ang sinasabing bagong panauhin ni Yumi.

Pababa pa lang si Yumi ay agad ko nang nakita si Sarhento Vyn Valderama sa salas kaya tuwang-tuwa akong nagsalita kay Yumi.

"Si sarhento ang bisita!" saad ko, "sa wakas! Magagawan na rin natin ng paraan upang malinis ang pangalan ni kuya."

Sinabi ni Vyn ang pakay niya kay Yumi at 'yun ay ang tungkol sa password na kailangan niya upang mabuksan ang mga files na tungkol sa Yamano-Kai na nasa external harddrive na binigay ko sa kanya bago ako namatay.

"Bilin ni Xavier na hindi ko pwedeng ibigay sa'yo ang password," saad ni Yumi, "pero sinabi niyang tutulongan kitang mabuksan ang mga files ng Yamano-Kai."

"Pero paano ko mabubuksan ang files kung hindi mo ibibigay sa akin ang password?" tanong ni Vyn.

Bahagyang tumingin si akin si Yumi saka muling kinausap si Vyn, "hindi ko ibibigay ang password dahil ako mismo ang magbubukas ng files para sa'yo."

Bahagyang tumawa si Vyn saka nagsalita, "mailap talaga 'tong si X. Masyadong advance mag-isip."

Natawa ako sa sinabi ni Vyn pero naisip ko na mas mabuti 'yung sigurado. Not that I do not trust Vyn, I just don't trust the people around him.

"So kailan mo balak buksan ang files?" tanong ni Yumi.

"Sa lalong madaling panahon," agad na sagot ni Vyn, "pwede bang ngayon na?"

Tumango si Yumi saka nagsalita, "magpapaalam lang ako sa tiyang ko."

Madaling napapayag ang tiyang ni Yumi na sumama kay Vyn dahil si Vyn mismo ang nagpaalam para sa kanya. Walang oras na inaksaya ang sarhento. Agad niyang pinaandar ang sasakyan niya nang makapasok na kami ni Yumi sa sasakyan. Mabuti na lang at nakagawa ng excuse si Yumi na pagbuksan ako ng pinto sa likod upang makasakay. Hindi niya talaga kinalimutan na hindi ko kayang makapasok ng sasakyan kung walang magbubukas nito para sa akin.

Sa apartment nina Vyn ang tungo namin. Sabi ng sarhento, sa bahay niya raw itinago ang external hard drive pero kinabahan ako nang makitang si Semira, ang prinsesa ng Yamano-Kai, ang lumabas ng bahay upang salubungin ang kaibigan kong pulis.

"Yumi, huwag kang lumabas!" babala ko kay Yumi.

"Bakit?" nagtatakang tanong ni Yumi, "gusto ko sanang makiinum ng tubig."

"Sa presinto ka na uminom ng tubig," utos ko, "hindi ka pwedeng makita ni Semira."

"Semira? Sino siya?" kunot noong tumingin sa akin si Yumi.

"She is one of the Yamano-Kai," saad ko, "you need to warn Vyn about her."

Status: In a Relationship with a GhostМесто, где живут истории. Откройте их для себя