"P-po?" tanong ko.
"Siguro naman naikwento ng apo ko ang estado ng pamilya namin," saad ng matanda na sinagot ko lang ng tango, "ayoko talagang ipamana ang kompanyang pinaghirapan ko sa taong hindi ko ka-anu-ano. Gusto kong ipamana ang mga negosyo ko sa magiging apo ko sa inyo ni Xavier."
"H-ho?" nagulat ako sa sinabi niya, "P-pero 'di ba patay na si Xavier?"
Tumingin ang matanda sa lalaking katabi niya na agad namang nagpaliwanag, "we were able to extract some semen from Xavier, which means, we can perform artificial insemination so you would be pregnant."
"H-huh?" hindi ko napaghandaan ang proposal nila.
"Y-yumi, huwag kang pumayag," narinig kong saad ni Xavier pero iba ang sinisigaw ng puso ko.
"Pumapayag ako," sagot ko.
"What? Are you crazy?" dismayadong saad ni Xavier.
Gusto ko sana siyang sagutin at para na rin ipaliwanag sa kanya ang naging desisyon ko pero hindi ko pwedeng gawin 'yun ngayon. Saka ko na lang ipapaliwanag sa kanya ang naging desisyon ko kapag makapag-isa ulit kami.
"That's great!" tuwang-tuwang saad ng matanda, "in that case, kailangan mong pirmahan ang magiging kasunduan natin."
Inabot a akin ang isang folder at agad ko namang tinanggap ito.
"Yumi! Huwag kang padalos-dalos. Basahin mo muna ang kontrata," giit ni Xavier, "sabihin mong babasahin mo muna ang kontrata saka mo pipirmahan! Pag-usapan muna natin ang tungkol dito."
Gusto ko sanang suwayin si Xavier pero tama siya, kailangan muna naming pag-usapan ang tungkol sa kasunduan. Magkakaroon kami ng anak, kahit papaano, may karapatan din siyang magdesisyon.
"Pwede ko bang basahin at pag-isipan muna ang mga nakasaad sa kontrata?" tanong ko.
"Take your time," matamis na ngumiti ang matanda, "tawagan mo na lang ang personal assistant ko kung handa ka nang ipagpatuloy ang napag-usapan natin."
Sinabayan ako ni tiyang na ihatid ang aming panauhin sa labas ng bahay. Hindi maipinta ang todo ngiti ni tiyang na para bang nakakita ng artista. Halata naman ang labis na pagkamangha ng mga tao sa paligid dahil halatang bilyonaryo ang bumisita sa amin.
"Kailan ka pa nagkaroon ng boyfriend na sobrang mayaman?" mataray na tanong ni tiyang nang makaalis na ang panauhin namin, "saka ano 'yung sinasabi nilang magpapabuntis ka para magkaroon siya ng apo? Aba! Ano ka? Asong pinapa-breed lang? Hindi ba pwedeng magpakasal muna kayo bago pag-usapan ang pagkakaroon ninyo ng anak? Saka paano na ang pag-aaral mo? Ibig sabihin, hihinto ka sa pag-aaral? Aba hindi pwede 'yan..." sunod-sunod na sambit ni tiyang. Marami pa siyang sinabi pero nasa kasunduan ang atensyon ko. Nais kong basahin ito upang matuloy ang napag-usapan namin ng lolo ni Xavier.
"Are you crazy? Bakit ka pumayag sa gusto ni Lolo?" tanong ni Xavier nang pumasok kami sa silid ko.
"Hindi ako baliw, Xavier," sagot ko, "gusto ko ring magkaaanak tayo. I want to have a piece of you and bearing your child will make it possible."
"Masisira lang ang kinabukasan mo. Ayokong maging dahilan ng hindi mo pagkamit sa mga pangarap mo," saad ni Xavier.
"Pwede naman akong bumalik sa pag-aaral pagkatapos kong manganak," saad ko.
"Yumi, listen to me!" humarang si Xavier sa dadaanan ko, "people in my family are manipulative. Baka hindi mo kakayanin ang buhay na makasama sila."
"Hindi ko naman kailangang makisama sa kanila. All I want is to have a baby with you," pamimilit ko.
Frustrated na napasabunot sa kanyang buhok si Xavier saka pabalik-balik na naglakad sa harap ko.
YOU ARE READING
Status: In a Relationship with a Ghost
FantasyMagugulantang ang buhay ni YUMI TANJUATCO nang magbalik ang kanyang online boyfriend at magpakita sa kanya. Isang taon matapos ang nangyaring pagkabaril ng kanyang online-never-been-seen boyfriend sa DUMMY WORLD ay nagbalik ito upang himingi sa kany...
Chapter 9
Start from the beginning
