3rd person's pov
3 years ago
Argghh!! Ang kapal ng mukha nya! Talagang sa harap ko pa eh no! Tsk! Kapal buset! Makauwi na nga lng! Hindi naman sya enough para iyakan ko!
Nakabusangot ang mukha ni Shanizea na pumunta sa sasakyan nyang nakaparada ng mapansin nyang may nakasandal dito.
Mukha itong nanghihina at mawawalan na ng malay ano mang oras.
Pinuntahan nya ito at nagtanong.
"Excuse me? Okay ka lng ba? Mukha ka kasing nanghihina eh." Tanong nya dito at bakas sa mukha at boses nito ang pagaalala.
Sinubukan nitong iangat ang ulo at tumingin sa kanya ng maayos at sumagot. "O-o-okay l-lng a-ak-" naputol ang dapat na sasabihin nito ng biglang nagdilim ang paningin neto at bumagsak.
Mabuti na lamang at nasalo ni Shanizea ang lalaki at agad na humingi ng tulong sa iba na isakay ito sa kotse nya.
Nang maisakay na ito ay mabilis nyang pinaandar ang sasakyan at pumunta sa pinakamalapit na ospital. Which is ang Monteloyola Hospital Clinic.
Nang makarating sya sa ospital ay nagmamadaling tumawag sya ng mga nurse para tulungan syang buhatin ito. Inilagay ng mga nurse sa stretcher ang lalaki at kaagad na dinala sa emergency room.
Nagaalalang naghintay si Shanizea sa labas ng ER. Sa hindi malamang dahilan, para bang lubos syang nagaalala dito kahit hindi naman nya ito kaano-ano at para bang may something syang nararamdaman sa katawan nya.
Parang may kuryenteng dumadaloy mula sa puso nya pababa sa tiyan nya o para bang bumagsak ang puso nya papunta sa tiyan nya ngunit hindi matukoy kung dala lng ba ito ng kaba o kung ano man.
Maya maya pa, may lumabas na mga nurse at doktor sa ER. Mabilis syang tumayo at lumapit naman ang mga ito sakanya.
"Kapamilya ho ba kayo ng pasyente?" Tanong ng doktor. Umiling sya atsaka sumagot.
"Hindi ho. Pero ako ho ang nakakita sakanya bago sya mawalan ng malay." Sagot nya dito. Tumango naman ang doktor sa sinabi nya.
"That explains why. Hindi pa kasi kita nakikitang sumama kay Mr. Monteloyola nuon." Nagtataka naman itong tumingin sa doktor. "Mabuti at dito mo sya pinunta. Ako kasi ang doktor nya." Mukha naman syang nalinawan sa sinabi ng doktor at tumango tango.
"Ahhh doc, pwede na ho ba akong umalis? May mga aasikasuhin pa ho kasi ako eh. Mukha naman na ho syang maayos atsaka sabi nyo ho eh kayo ang doktor nya."
"Ahhh ofcourse ms...?"
"Shanizea Forlorre ho."
"Ahh. Ofcourse ms. Forlorre. Ako na ang bahala na magsabi nito sa mga magulang nya."
"Sige ho. Mauna na ho ako."
"Sige. Magiingat ka iha."
Ngumiti sya dito at bahagyang yumuko pagkatapos ay umalis na din.
Pagkasakay nya sa sasakyan nya ay pinaandar na nya ito at umuwi na sa bahay nya.
Nang makarating sya ay pumunta kagad sya sa kwarto nya at pabagsak na humilata sa kama.
Nastress sya ng sobra kaya kahit ayaw nya pang bumangon ay bumangon padin sya para uminom ng gamot nya. Pagkatapos nun ay naligo lng sya ng katawan nya saglit at humiga na uli sa kama nya.
Andaming nangyare sa kanya ngayong araw.
Una, yung boyfriend nyang manloloko. Pangalawa, yung lalaking nahimatay. Pangatlo, wala pa syang mahanap na trabaho. At pangapat, malapit ng maubos ang pera nya. Ayaw naman nyang kumuha ng pera sa bangko dahil ayaw nyang gastusin ang ipon dun.
Bahala na nga si batman. Maghahanap na lng ako ulit bukas ng kahit anong trabaho basta maganda ang sahod. Kahit ano pang posisyon o kung ano man wag lng pagbebenta ng katawan o kung ano mang masama.
Yan ang huli nyang sinabi sa isip nya bago sya tuluyang nilamon ng antok nya at makatulog.
-----
Ayan na! Next chapter na ung present time hehe!
Eto na lng ang itatanong ko sainyo. Yun kayang sinabi ni Shanizea na quote sa description, kakayanin kaya nyang panindigan yun? Baka naman iwanan na lng din nya si Xersan sooner or later? O baka naman sinabi nya lng yun para mapaniwala si Xersan na mahal talaga nya ito? Nako. Gold digger pala si ateng.
ESTÁS LEYENDO
I Love You Even If You Forget
Romanceshort term memory loss. apat na salita pero isang malalim at mahabang sugat ang iniiwan nito. sya si Xersan Monteloyola. may short term memory loss sya dahil sa trauma nya nuong bata pa sya. nuong una nakakaya pa syang tiisin ng mga magulang nya ka...
