Fresh Start

2.5K 38 2
                                    

"Mommy? Daddy?"

Napaharap ako kay Toffe. Nakamulat na siya. May malay na siya.

"Baby?"lumapit kami ni Thom at magkasabay siyang niyakap sa right ako sa left naman siya. Bigla namang nag-iyak ang baby ko.

"Oh why are you crying?" tanong ni Thomas..

"Bad guyt..takit dito Mommy,takit dito"tinuro niya yung chest niya.

"Dad tawag ka ng doctor" Sumunod naman si Thomas at pagkalabas niya nagsipasok naman ang family namin at ang barkada.

"Apo,kamusta na ikaw?" sabi ni Mommy ko.

"May masakit ba sayo?" tanong ng Mommy ni Thom.

"Dito takit"tinuro niya ulit chest niya.

"Wag ka ng umiyak lalo pa yang sasakit. Tahan na ikaw" sabi ni Mamita.

"Mommy takit na"sabi niya at umiyak pa rin.

"Gagaling na yan Baby tumawag lang ng doctor si Daddy. Iche-check ka nila then magiging okay na ikaw" kinalong ko siya at niyakap.

Bigla namang pumasok si Thomas kasama ang doctor. Chineck nila si Toffe na patuloy pa rin sa pag-iyak. Masakit daw kasi.

Okay naman daw siya according sa doctor.

"Stop crying na Baby. Lalo lang yan sasakit. Tahan na ikaw" pagpapakalma ni Thomas.

"Kuha ako bad guyt..ayaw ko dun takot ako Mommy.."sabi niya at humihikbi pa.

"Wala ng kukuha sa favorite Baby ko. Lagot sila sakin pati kay Daddy mo. Akong bahala sayo Baby. Tahan na ikaw"sabat naman ni Kim.

"Ta-tta-talaga?" Toffe.

"Talagang talaga"Denden.

Naging kalmado naman si Toffe matapos nila itong sabihan. Masakit pa rin daw sabi niya. Pinakain muna namin siya at pinagrest ulit kaso ayaw niya.

"Rest na ikaw ulit. Magagalit si Daddy kapag bumalik siya tapos ang kulit kulit mo pa."sabi ko sa kanya,umalis kasi si Thomas kanina para mag-asikaso ng kaso para kay Drake.

"Ayaw ret Bibi,guto Bibi play" katwiran niya.

"Bawal ka pang magplay kasi mapapagod ka. Magpalakas ka muna then pwede na ulit tayong magplay." sagot ko sa kanya.

"Ehhhhhh Mommy guto ko play tayo."pamimilit niya sakin. Bigla namang dumating si Kim.

"Makulit yata ang favorite Baby ni Tita Kim ahh"sabi niya.

"Yan lagot ka kay Tita Kim"pananakot ko kay Toffe.

"Gummy Bert"sabi niya at nagningning ang mga mata. Napatingin ako sa hawak ni Kim at puro toys at ang favorite ni Toffe....GUMMY BEARS.

"Makulit ka yata ehh diba good boys lang ang dapat may surprise"Kim

"Di kulit Bibi"sabi niya.

"Ayaw mo magrest eh. Walang rest,walang gummy bears." Kim.

"Okay"malungkot na sabi ni Toffe at nahiga sa kama at tinalikuran kami.

Parang si Thomas lang kung magtampo. Hangkyut.

"Baby?" lambing voice.

"Tulog na Bibi"sabi niya.

"Asus nagtatampo ang baby ni Mommy Ara"sabi ko. Bigla namang pumasok si Thomas..

"Anong nagtatampo?" sabi nito. Nabuhayan naman ng loob si Toffe at biglang tumingin kay Thomas.

"Daddy" umiyak ulit.

"Oh bakit?" lumapit si Thomas at niyakap si Toffe then kinalong.

"Away nila ako. Away ako *sniff* bigay Gummy Bert" nagpaawa pa ang anak ko.

"Mommy Ara diba sabi ko wag awayin ang Baby ni Daddy. Say sorry Mommy"utos ni Thom sakin.

"Sorry"tipid kong sabi.

"Yung sincere"demand ni Thomas. Napakademanding palibhasa Daddy's Boy si Toffe.

"Sorry na Baby ko. Di na po mauulit"niyakap ko silang dalawa ni Thomas.

"Gummy Bert?" nakapout na sabi ni Toffe.

"Oh here,pero kiss Tita Kim"sabi ni Kim. Niyakap at hinalikan naman niya ng paulit-ulit si Kim.

"Lablab Tita Kim"sabi ni Toffe at kinain yung gummy bears.

Nakahinga na rin kami ng maluwag. At last safe na talaga ang anak ko.

Crazy Couple: Married Life(ThomAra Fanfiction)Where stories live. Discover now