Chapter 42.a -- Born of the Kyung twins and the END of FM book 1. ^^

Start from the beginning
                                    

Message from: Babe...

From: Babe 

Zy, need more water. pls? ^^

"Teka lang, mga repa ah... Kailangan daw ng tubig ni Babe eh. Dadalhan ko lang tas kapag tapos na kayo, paki lagay nalang dun sa lababo. Huhugasan ko nalang mamaya o para mas maganda, kayo na maghugas ng pinagkainan niyo. Sige na... Kaya niyo yan. Malaki na kayo. haha." sabi ko habang kumukuha ng tubig sabay takbo paakyat papunta kay Babe.

"Babe? Ito na yung water mo oh... May gus-- BAbe!!!"

"Z-zy-re-ren... (sniff)(sniff)(sob)"

"A-Anong nangyari sayo?! Bakit ka umiiyak? Ha?"

Nakita ko na puno ng takot at luha ang mga mata niya sabay tinakpan niya ito at tinuro niya yung phone niya. Nakalagay ito malayo sa kanya, siguro ay nahagis niya ito ng ganun kalayo pero bakit? Kinuha ko yun tas pinindot ko yung rectangle sa gitna at tumambad sakin at pagkahaba habang txt na sinend sa kanya ng isang unregistered number.

"Hello nga pala, ako si Kathy at asawa ako ni Zyren. Ikaw ba yung sinasabi sa akin na asawa niya daw? Hah. Peke ka! Ako ang tunay! Nagmamahalan kami ni Zyren at hindi ka pwedeng humadlang dun! Papatayin kita once na mabalitaan pa kita ulet! Tandaan mo, wag ka nang magpakita kay Zyren ulet! Hindi lang ikaw ang masasaktan kundi pati yung best friend mo na si Chieni! Haha! Akala mo wala akong kilalang malapit sayo? Kilala ko ang best friend mo! ahaha! At kung hindi ka aayos at magpapatuloy ka sa paglandi kay Zyren, sabay kayong mawawala sa mundo! Maniwala ka sakin, Christine! HIndi kita titigilan hangga't hindi mo nilalayuan ang Zyren ko! Akin lang siya! At ako lang ang pwede niyang maging asawa, wala ng iba! Para sabihin ko sayo, lahat ng naging girlfriend niyang si Zyren ay pinalayo ko sa kanya pero mas matindi ang gagawin ko sayo kapag hindi mo sinunod ang inuutos ko! Layuan mo si Zyren o papatayin kita! It's your choice dear!"

Yan yung laman ng txt na iniiyakan ni Babe ngayon. Kahit ako, nung binabasa ko to kinikilabutan ako at natatakot pero hindi dapat ako magpadaig sa takot na nararamdaman ko dahil kung natatakot na ako ngayon, mas natatakot naman si Babe. After kong basahin yung txt, tinignan ko si Babe. Iyak parin siya ng iyak tas nanginginig na siya nung yakapin ko. Walang tigil siya sa pag iyak. HIndi ko na alam kung pano siya patatahanin. "Shhhhh.... Babe, it's just a troll. Don't be fooled by it. And don't be scared cause i'm here. I'm here to protect you tsaka wag ka ng umiyak kasi makakasama sa twins natin yan. Nandito lang ako Babe. Babantayan kita." then i kissed her hair. Ilang minutes after nun, tumahan na siya.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 03, 2012 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

"Forcedly" MarriedWhere stories live. Discover now