"The Cyber World, ang mundo kung saan mararanasan ulit natin ang napakalinis at napaka masaganang kapaligiran.
Masisilayan ulit natin ang bughaw na kalangitan at buhay na buhay pa na karagatan.
Muli ay mahahawakan ulit natin ang mga living creatures kung saan sa history book lang natin nakikita at natutunghayan.
Kasabay nito ay ang pag usbong ulit ng bagong pag asa na balang araw ay magagawa din nating ibalik sa dati ang meron tayo ngayon sa kasalukuyan"
Pagkatapos ng speech ni Engr. Ferrex J. Solomon ay pumalakpak at napahanga niya ang lahat ng mga tao sa loob ng "Oasis" na isang Reasearch Facility kung saan pinag aaralan ang mga pamamaraan kung paano maka survive ang sangkatauhan.
Pinag hahandaan na nila ngayon na simulan ang Project F.A.N.T.A.S.Y o ang pagbuo ng Cyber World.
Pagkatapos ng meeting ay dumiretso na si Engr. Ferrex papunta sa kanyang sasakyan.
***
Makikita sa Capital ang napaka busy na mga tao at na naglalakad patungo sa "Auto Transporter".
Sa panahong ito ay napupuno na ng high tech na teknolohiya ang mundo at halos lahat nalang nagkokontrol sa mga bagay ay puro mga machines.
Lahat nalang ng makikita sa paligid ay puro Artificials katulad nalang ng artificial environment, ocean, climate, temperature, sky at views.
Sa likod ng mga artificial na bagay ay natatakpan ang tunay na mukha ng mundo kung saan napakadumi na ng karagatan, hindi na kulay bughaw ang kalangitan, abnormalities sa temperatura, mas lalong lumubha na climate change at mga sira sirang tanawin ng kalikasan.
Kaunti nalang ang mga Puno at Halaman na makikita sa kapaligiran at halos lahat ng mga ito ay nilalagyan ng chamber na na nagbibigay ng life support kasi bibihira nalang tumubo ang ganun dahil sa pangit na kalidad na lupa at temperatura.
At kapag pinatay at sinira mo ang mga ito ay mahahatulan din ng salang kamatayan.
Ang pag aalaga ng mga hayop, pagtatanim ng mga gulay, prutas at iba pang klasi ng Crops na nag po-provide ng pagkain ay isinasagawa lang dun sa mga facilities kasi kaya nitong mag provide ng mga artificial way para mabuhay ang mga ito.
Habang busy ang mga tao sa paglalakad ay may isang lalaki ang hinang hina na at hirap na makagalaw. Makikita din sa kanya ang mga itim na ugat na kumakalat sa kanyang katawan.
Nilapitan ito ng isang babae at sinubukang tulungan.
Humihingi ng sakloklo ang babae kasi naaawa na siya sa sinapit ng lalaki at maka ilang minuto lang ay sumuka ng dugo ang lalaki at tumalsik ito sa kanyang mukha.
***
Naglalakad na ngayon si Engr. Ferrex sa kanyang sasakyan at excited na excited na ito para ibalita sa kanyang pamilya ang pag approved sa Project F.A.N.T.A.S.Y
"Oh hello Hon, asan kana? Hinihintay kana namin dito sa bahay. Na mi miss kana ng mga anak mo"
"Katatapos lang ng meeting namin Hon. On the way ako diyan, don't worry tutuparin ko ang pangako ko. Present ako sa birthday ni Jerry"
"Cge hihintayin ka namin ng mga anak mo Hon. I love you mahal na mahal ka namin"
"Mahal ko din kayo"
Napangiti nalang si Ferrex sa sinabi ng asawa.
Papunta na ito ngayon sa kanyang sa sasakyan ng biglang...
Boooogsss....
May isang napakalakas na sumabog ang kanyang narinig at kasabay nito ang pagpanic at pagtakbo ng napakaraming tao.
Tumakbo na rin si Ferrex dahil alam niyang parang may hindi tamang nangyayari.
Maririnig sa paligid ang sigawan at takot ng mga tao at si Ferrex ay patuloy parin siya pagtakbo at nag aalala siya ngayon ng sobra para sa kanyang pamilya.
Sa wakas ay nakita na niya ang kayang kotse sa parking lot at natatarantang ini-start ang makina.
"Shit.. Fuck.. bakit ayaw mag start!!"
Ilang ulit na pagpihit ni Ferrex sa sasakyan pero ayaw parin nitong mag start.
Nang biglang may tumalon sa taas ng kanyang kotse.
Nagulat nalang siya ng may isang lalaking may dala ng baseball na hinahampas ang kanyang kotse.
Mas lalo pa siyang nabigla dahil sa itsura ng lalaki na puno ng dugo ang bibig at ang katawan nito ay nababalutan ng mga itim na ugar. Isang tuldok lang din ang meron sa mata nito.
"Papatayin kita.., papatayin kita.." pa ulit ulit na sambit ng lalaki
Pilit parin nitong sinisira ang salamin ng kanyang kotse hanggang sa..
Bang!!
Binaril ito ng isang estranghero na hingal na hingal. At kinakatok ang kanyang kotse.
"Tumakbo ka na!!"
Dali daling umalis si Ferrex sa kanyang kotse at tumakbo na rin kasama ang iba pa.
****
"E lock niyo lahat ng mga bintana at pinto bilis"
Nakapasok ang ilan kasama na si Engr. Ferrex sa isang maliit na mall.
" Fuck!! ano ba itong nangyayari"
"Bakit ganoon ang itsura nila? Ano ba sila"
"Mabuti nalang hindi tayo nakagat"
"Ang anak ko!! Tulungan natin siya huhu"
Sari saring mga boses ang maririnig sa loob ng mall.
Karamihan sa mga ito ay umiiyak at natatakot.
Nagsimula na ring umiyak si Engr. Ferrex kasi hindi niya ma contact ang kanyang asawa.
Nanginginig ito sa takot sa posibleng sinapit ng pamilya niya.
Sa isang sulok ay nakita niya ang isang familiar na tao na may kausap sa celpon at
Si Dr. Henry, isang sikat at kilalang Doktor.
"Jenny please!! mag ingat kayo diyan!! Wag mo hahayaang mapahamak ang mga bata... huhu.. Jenny anong nangyayari jan??!! Sumagot ka?? Jenny!!"
Lumapit si Ferrex kay Henry at tiningnan ito.
"Tulungan mo ako.. tulungan mo akong hanapin ang solusyon"
..
YOU ARE READING
Realm Of Fantasy
FantasyYear 4025: Ang Earth ay unti unti ng nasisira at halos lahat ng mga resources dito ay pa unti unti nang nauubos. Ang kalikasan ay wala na din sa dati nitong itsura at halos karamihan sa mga nabubuhay dito na mga hayop, isda, puno at halaman ay nagi...
