Ligaw Tingin [ One Shot ]

501 16 11
                                    

“Hay, naku Joy! Kung naging yelo lang si Riley malamang kanina pa tunaw yung tao katititig mo!”

“Oo nga naman! Uso magpahinga friend, hello?”

Inirapan ko lang sina Sheena at Shanna - ang bestfriends kong kambal. Niloloko na naman kasi nila ako sa ginagawa kong pagtitig kay Riley. Hay, shet! Ang gwapo niya naman kasi eh. Oh so perfect face ang damuhong ito! Actually may kamukha nga siya eh. Feeling ko nagkita na kami dati pero impossible naman yun.

Yung makapal niyang kilay, singkit na mata, matangos na ilong, at ang mapula niyang labi. Nakakainis pa dinaig niya ako sa kakinisin ng balat. Tapos nakakalula yung height niya, nanliliit ako. At ang pinakagusto ko sa kanya? Grabe umaalingasaw ang bango kahit na ilang dipa ang pagitan namin sa tuwing dumadaan siya.

Awtsu! Ilang dipa ang layo namin. Wala man lang akong magawa para makalapit sa kanya. Patingin-tingin at pasulyap-sulyap lang ang peg. Araw-araw na ligaw-tingin lang. Sana one time masabi ko rin sa kanya yung linyang ‘Gaano ka-close?’.

“Sige lang, ateng. Ipagpatuloy mo yang pagpapantasya mo kay Riley. Malay mo naman di ba? May back to you. Sagutin ka rin niya sa tingin.”

“Hahaha. Impossible ata yun kambal. Kasi kung may crush rin si Riley kay Joy eh di sana kahit papaano may sign din naman na nakikita natin di ba? Eh ang kaso nga, waley!”

Grabe talaga ang kambal na to. Lagi na lang akong dina-down pagdating kay Riley. Sabagay, sino ba namang hindi? Helloooo! RILEY MONTENEGRO yan eh. Maswerte na talaga yung babaeng kakausapin niya o mangingitian niya. Eh ako? Isang Joy Gonzales na ang tanging natutunang past time sa buhay ay manligaw-tingin sa crush.

Dalawang taon na akong nanliligaw sa kanya sa tingin. At ni minsan hindi niya pa rin ako napapansin. Saklap! Dalawang taon na akong busted sa kanya. Pero sa dalawang taon na yun ni hindi ko pa siya nakikitang may nilalapit-lapitang babae.

Dahil kabaligtaran yung nangyayari, siya ang nilalapitan. Hindi ko lang kasi ugaling magpapansin sa crush ko eh kaya hindi ako gumagaya sa mga ka-batch kong panay ang pa-cute sa kanya. So obvious! *rolled eyes*

Kaya nga heto ako ngayon. Hanggang tingin na lang sa kanya. Baka kasi mapahiya lang ako pag sinubukan kong lumapit sa kanya eh. Hay, I crush you Riley. Hihihi

“May nakakatawa ba sa sinabi ko, Ms. Gonzales?” napakislot ako at nawala sa imahinasyon nang magsalita si Sir Procopio sa harap. Shete na yan! Lahat tuloy ng mga kaklase ko nakatingin sa akin.

“W-wala po, sir.” Sabi ko. Mabuti na lang hindi nagalit si Sir Pio kundi detention ang bagsak ko.

“Okay. Katulad ng nabanggit ko kanina, gagawa kayo ng isang YOLO story habang wala ako. Dahil malapit na kayo grumaduate, gusto kong makapagbahagi kayo ng mga bagay na alam niyong babaunin niyo sa inyong pag-alis dito. Isa pa kailangan dala-dala niyo rin ang mga aral at leksyon sa kwentong inyong gagawin. Mas maganda kung makatotohanan ang inyong paggawa. Sa pagbalik ko, mamimili ako ng limang kwento na babasahin sa harap ng klase. Syempre, exempted na sa finals yun. May tanong pa ba?”

Hindi ako sigurado kung masaya ba talaga yung section ko dahil wala si Sir Pio o dismayado dahil sa activity na gusto niyang gawin namin habang wala siya. Sabagay, sino ba namang tatanggi pa ng exemption sa final exam di ba?

We were walking down the stairs at the Engineering building nang masalubong namin sina Riley at ang grupo niya! Oh my gosh! I’m not prepared. Medyo haggard pa naman ang look ko ngayon. Obvious naman kami kung babalik paakyat di ba? Hay, nakakainis naman bakit ngayon pa?

Ligaw Tingin [ One Shot ]Where stories live. Discover now