"Wow!" Nice reaction.

"Nagustuhan mo ba?"

"Kayo kayo din lang naman ang tao dito."

Natawa ako sa isa pang reaksyon niya. "Hayaan mo na. Maigi 'to para iwas tayo sa gulo and at the same time, pakiramdam natin nasa tahimik na bar tayo."

"Sinabi ba sa'yo ni Maico na warfreak ako sa bar?"

"Hindi bakit ba?" So, inamin niyang nakikipag-away siya sa bar. Sabi ko na nga ba, marami na siyang experience.

"Pag may kasama ako, hindi ako pala-away, lalo na kung katulad mong babae."

"Wala nga siyang sinabi, bakit ba ang kulit mo?"

"Baka siniraan niya ako sa'yo eh."

"Edi sana sira ka na. Umupo na tayo." Umupo kami. "Waiter!" Tawag ko sa waiter na nakatayo.

Napansin kong napatawa siya ng nakakaloko dahil ang waiter ay kasambahay din. Weird na kung weird. Isa ito sa naisip kong idea para sumaya ako pero hindi umubra na ngayon ay effective talaga dahil masaya. Natawa ako sa reaksyon ni Rosen, napapangiti ako. "May menu pa talaga?" Iiling iling siya.

"Pakialam mo ba?! Umorder ka na."

Maya maya lang ay dumating ang order namin. May alak syempre. May aalamin ba ako sa kaniya ngayon? Masaya ang pinapatugtog ng DJ namin. Tapos nagrequest ang kabilang tao sa mesa ng love song. Naging love song ang tugtog. "Baka naman may pekeng away dito ah. Ito na talaga ang pinaka-nakakatawang bagay na nakita ko."

Natawa ako. Oo nga. Bakit hindi? Habang may nag aaway sa kabilang mesa, kami continue lang sa pagsasaya. Ang cool. "Awayin mo sila." Umiling lang siya.

Tumagal pa ang sandali. Medyo nakailang shot na din ako. Nagiging madaldal na ako. Hindi ako ganito dahil kadalasan ay sumisigaw ako noon. Pero iba ngayon. Tawa ako ng tawa dahil naaalala ko si Rosen kahit kaharap ko siya. "Alam mo Ken, ang babaw ng kaligayahan mo. Kaya siguro, ganiyan ka. Kahit halatang matalino ka, inosente ka sa paningin ng iba."

"Inosente ako, dahil hindi naman lahat nakakasalamuha ko."

"Bakit mo ako nagustuhan?"

And suddenly may dalawang lalaking pumasok. Isang hardinero at isang driver ko. Umupo sila sa bar tender. Napatingin ako kay Rosen. Kahit seryoso ang itsura niya ay nababasa ko ang isip niya. 'Ano ba 'tong lugar na 'to? Hindi ko kakayanin.' Yan ang nababasa ko sa isip niya kaya hindi ko napigilan na tumawa. "Huwag mo na silang pansinin. Costumer sila."

"Bakit ka tumawa?"

"Balik tayo sa tanong mo. You're so funny and nice. Masipag kaya nagustuhan kita."

"Alam mo na ba ang ugali ko sa umpisa pa lang? Hindi 'di ba pero tinanggap mo ako."

"Alam mo ba ang pakiramdam ng may bukol sa mukha. 'Yung malimit pagtawanan ng mga tao. Pero one time, may isang tao na nakangiti sa'yo. Iniwasan mo siya dahil sa pag-aakalang pinagtatawanan ka niya. Ang hindi mo pala alam, hindi 'yung bukol ang tinitignan niya kaya siya nakangiti. Ang kalooban mo pala. Iniwasan mo siya kasi sa pag-aakalang ayaw niya sa'yo. Pero hindi mo alam na may pinalampas ka palang tao na dapat magpapasaya sa'yo."

Tumagay siya. Uminom. "Alam ko ang ibig mong sabihin pero wala akong kapansanan para isipin na ayaw sa'kin ng mga tao."

"Meron, Rosen. Ayaw mo sa'kin dahil akala mo hindi kita gusto. Umiwas ka sa'kin kaya sumagot ka ng kakaiba. Tama ba?" Napatingin siya sa'kin ng seryoso. Umiwas ng tingin. Tumagay at uminom. "Pero ang totoo, ako ang may kapansanan sa'tin. Ako ang dapat umiwas sa'yo dahil wala sa itsura mo ang magpapasaya ng taong katulad ko. Hindi kita hinusgahan." Tumagay ako. Ganado akong magkwento. "Ayokong palampasin ang isang tao na posibleng magpasaya sa'kin. Ang inakala mong kapansanan mo ay hindi naging sagabal. Even I know it was an error. Sinubukan ko. Hindi ako nagkamali. Ang iniisip kong error ay naging acceptable. Hindi ako nagkamali."

"Alam mo Ken, halos pareho lang tayo. Alam mo bang nahahati sa tatlo ang ugali ng tao?"

"First of all, thank you very much Rosen. Inaamin kong kung hindi dahil sa'yo, malungkot ako ngayon. I can't imagine if I'm going back right from the start without you. Tama ka, nahahati nga ang ugali natin." Tinitigan ko siya. Titig na may malisya. Alam kong nangako siya sa Daddy ko at kay Maico pero sana naman hindi niya lahat tuparin. Sana naman hindi siya maging manhid. Handa akong tanggapin siya dahil sa mga oras na ito, wala akong katiyakan kung magpapatuloy ang aking dinadanas na kaligayahan.

"Ako ang dapat magpasalamat sa'yo, Ken. Ang tagal na hindi lumabas ng ugali kong pinapakita sa inyo." What does he mean?

"Bakit? Ano ba ang ugali mo before?"

"Gaya nga ng sabi ko. Ang ugali natin ay nahahati sa tatlo. Malungkot, masaya at galit. Kaya mali ang sinasabi nilang lumalabas ang totoong ugali ng tao pag siya ay nagalit."

"Pero iba pa ang seryoso."

"Ang seryoso ay nahahati din sa tatlo. Hindi siya kasama. Galit na seryoso, masaya at malungkot na seryoso."

"But what you're gonna try to explain that I couldn't figure out?"

"Ang ugali kong masaya. 'Yun ang ugaling pinapakita ko sa inyo."

"Pero ang isang palabiro, minsan nagpapanggap lang. But deep inside, malungkot sila. Pwedeng ganun ka."

"Hindi sila totoong malungkot. May problema lang. Naranasan ko ang totoong lungkot. Alam kong ganun ka din."

Oo nga. Maybe tama siya. May problema ang mga taong nakakatawa pero nananatiling nakakatawa sila na akala natin nagpapanggap lang. "Pero akala ko, lahat ng tao may problema."

"Tama. Pero may taong hindi kayang magpanggap. Siguro may taong nagpapanggap dahil sa trabaho nila na masaya silang maging komidyante pero may Anak silang may cancer. Pero iba ako. Hindi ko kayang magpanggap dahil hindi naman ako masaya."

"Parang sinabi mo na masaya ka kaya ganiyan ang ugali mo."

"Oo, kahapon ko lang yata narealize ang lahat. Hindi ko namalayan na nag iba pala ang ugali ko nang pumasok ako sa kompanya niyo."

Hindi ako makapaniwala. So, I should be the one to thank? Ako pala ang nagpasaya sa kaniya. Ito na ang oras para tanungin ko ang nakaraan niya o kung sino siya. Aalisin ko muna ang topic namin about sa'ming dalawa na parehong nagbigay ng kasiyahan sa isa't isa. "Rosen, magtapat ka sa'kin. Ano ba ang meron ka sa nakaraan? O ano ang meron ka ngayon. I badly need to know. Close na tayo 'di ba? After all the pains were eventually faded, it should be our friendship will end up high to begin another chapter. Rosen, sana magsabi ka ng totoo. Walang dahilan para isuko ko ang kaligayahan kong ito para lang iwasan ka. 'Wag kang matakot."

"Nakulong na ako dati."

"A-ah ganun ba?" Pero hindi ko siya dapat husgahan. Pwedeng nagbago na siya. Hindi naman talaga malayong mangyari 'yun.

"Oo, halos itakwil na ako ng magulang ko dahil wala nang mangyayari sa buhay ko. Tumanda akong ganito. Walang alam. Hindi nakapag tapos. Walang future."

Nalungkot ako para sa kaniya. "Pero bakit ka nakulong? Nakapatay ka? Ano? Hindi totoong wala kang alam, Rosen. Hindi lahat sa pag-aaral nakukuha."

"Hindi ako nakapatay pero ako ang dapat na mamamatay. Pinagtanggol ko lang ang sarili ko. Kahit lumabas na kriminal ako, baliwala din."

"Bakit ka nakalaya?"

"Dahil sa kaibigan ko. Ayoko nang pag-usapan ang nakaraan. Nalulungkot ako. Kung may gusto ka man na alamin sa'kin, kaya mo 'yung tuklasin. Ayoko nang sabihin pa sa'yo."

Dahil may tiwala ako sa'yo. At isa pa, ayokong may malaman dahil ayokong mawala ang kaligayahan na dinasanas ko. Malamang, inalam ni Maico ang lahat. Madaling magbayad sa tao para may malaman kang bagay na hindi mo alam. Hindi ko kayang gawin 'yun dahil baka malungkot ako. Ayoko! Naramdaman kong inaantok na ako. Marami na akong nainom. Naramdaman kong karga na ako ni Rosen. Hiniga niya ako sa kama. Hindi ko na kayang uminom. Ngayon lang ako nasobrahan sa inom. Natulog na ako. Pero bigla kong naramdaman si Rosen na hinahalikan ako pababa sa leeg.

'Rosen, be gentle!' Sabi ko sa isip ko. Hinayaan ko lang siya. Sayang lang at lasing ako kaya nagising akong nakahubad. Tumingin ako sa katabi ko. Rosen? Nakatalikod siya sa'kin. Kita ko ang hubad niyang likod.

Expect The UnexpectedOù les histoires vivent. Découvrez maintenant