"Huwag! M-Masama ang pakiramdam ko."

"Ihahatid kita." Pinal na sabi nito at sinuot ulit ang damit. Napaiwas ako.

"H-Huwag n-na." Napatigil ng abutan ako nito ng pera. Nanginginig ang kamay na kinuha ko iyon at isinilid sa bag.

"Ihahatid kita."

"Huwag na-"

"Sabing ihahatid kita!" Tila napigtas ang pagtitimpi nito. Napaawang ang labi ko ng parang may alaala na gustong dumukdok sa aking utak pero may humihila.

Napahawak ako sa ulo ko at napapikit na lamang. Sobrang sakit..walang kasing sakit. Mahigpit ang hawak ko sa kutson ng upuan ng kotse.Umuusok iyon at wala akong makita. Walang pake'alam dahil sa sakit na nararamdaman.

"T-Tulong! Agh!" Dugong nasa gitna ng aking hita ang aking huling natandaan bago nawalan ng malay.

Mula sa misteryosong panaginip ay napamulat ako. Hapong-hapo at puno ng pawis ang mukha.

Panaginip.

"Angelica,sumisigaw ka. Ayos kalang ba?" Si Tita Elisa na nakasilip sa pinto.

"O-Opo, panaginip lang po."

" Sige,matulog kana. Pupunta tayong hospital bukas." Sabi nito bago isinara ng pinto.

Kanina halos ayaw kong idikit ang sarili kay Leon. Kinakabahan ako simula ng may nakita ako sa aking isipan. May parte sa akin na natatakot sa kanya. Natatakot ako dahil bakit nasa panaginip ko siya? Bakit, bata ako sa alaalang iyon? Bakit?

Pareho kaming hindi nagsalita pagkatapos 'nun. Alam kong lihim niyang tinatantiya ang galaw ko.

Araw na naging linggo na umiwas ako sa kanya. Hindi ko tinanggap ang alok ulit ni Ate Celine. Bahay, eskwelahan at hospital lang ako ngayon.

Fifty Thousand 'yung perang binigay niya na pa unti unti kong binibigay kay lola at tita dahil baka mag isip sila kung saan ko kinuha ang pera.

Ang perang hindi tumagal dahil sa mahal ng gamot at mga aparato na kinakabit kay lolo. Gumising na ito pero matamlay parin. Isang buwan na kami sa hospital at parang naging tahanan na iyon ni lolo.

Ilang linggo rin ang lumipas ng may bumago sa pakikitungo nila sakin sa eskwelahan.

"Angelica,bulaklak pala p-para saiyo." Si Barcelona na nakatayo sa gilid ko. Nilapag ko ang ballpen at tinanggap ang bulaklak.

Nakita kong namula ito at napakamot sa ulo. Siniko ako ni Kaira ng tuksuhin ito ng ka klase namin.

"Kaya pala binubully ka noon dahil nagpapansin sayo. Naku!"

Huminga nalang ako ng malalim. Walang araw na hindi ko siya naiisip. Noong kailan ko lang siya nakilala pero bakit ganon? Iba ang nararamdaman ko?

Nagsimula akong makihalubilo sa mga ka klase ko at sumama paminsan minsan. Nagsimula akong tumanggap ng manliligaw.

Sa labas ng gate ay naka abang si Seth. Ayoko man sana siyang pansinin para iwas gulo kami ni Karina pero sobrang makulit ang isang ito.

Maraming napapatingin sa amin. "Angelica,hatid na kita."

Umiling ako. "Huwag na. Ayoko ng gulo Seth. Palagi akong binubully ng girlfriend mo."

"Walang kami ni Karina ,Angel. Pakiusap naman,ihahatid lang kita."
Tinulak ako ni Kaira papuntang kotse nito.

"Sige,na! Kakaawa e. Kinakaawa na nga yan ni Karina 'e. Hatid lang nga oh!"

Huminga ako ng malalim at tumango. Lumawak ang ngiti at pinagbuksan ako ng pinto.

Protect What's His (Mafia Series 2) CompletedWhere stories live. Discover now