MCG 6

7 0 0
                                    

"Pinsan mo pala si Lorie?" tanong ni Mina kay Kaleel na ngayon ay kumakain lang ng burger na inorder nila kanina.kasalukuyan sila ngayong nakaupo sa damuhan sa ilalim ng puno.

Bumaling naman sa kanya si Kaleel at tinanguan siya at bumalik na sa pagkain.Malapit nang mag 1 pm kaya dun nlang naisipan ni Mina na magpaliipas oras,presko ang hangin at walang gaanong tao doon.


"Alam mo ba mahilig ako sa mga puno kasi sa tuwing nakakita ako nun parang lahat ng bumabagabag sa isipan ko nawawala at ito rin ang nagpapatahan sa akin" pagbabasag ni Mina sa katahimikan.



Napatigil naman sa pagkain si Kaleel at pinagmasdan si Mina na ngayon ay nakangiti habang pinagmamasdan ang puno kung saan sila naupo nakaramdam na naman siya ng pagbilis ng tibok ng kanyang puso habang pinagmamasdan niya ito bigla namang mapatingin si Mina sa kanya ay agad siyang napaiwas mg tingin.

Natanong nlang nito habang nakatingin sa ibang direksyon.

"Hmm...kasi noong minsang umiyak ako noong bata pa ako ,tinutukso kasi ako ng mga kalaro ko kaya tumakbo ako at napunta ako sa lugar na kung saan maraming puno nagstay lang ako dun at habang pinagmamasdan ko ang mga puno unti unting nawawala ang sakit na naramdaman ko" pinagmamasdan muli siya ni Kaleel at napangiti na rin ito.

"Hala 1 pm na pala!ah Kaleel mauna na ko sayo ha pupunta pa kong bandroom" sabi nito at kinuha ang bag niya na nasa tabi niya at biglang tumayo,hahakbang na sana siya kaso natapilok siya dahil sa nakaharang na bato at ikinadahilan ng pagbagsak niya kay Kaleel na alerto rin namang nahawakan ang dalaga sa bewang kaya hindi ito napano.


Kasalukuyang nakapatong si Mina kay Kaleel na ngayon rin ay gulat na gulat dahil sa magkalapit ang kanilang mukha.Biglang bumilis ang tibok ng puso ni Mina sa hindi maipaliwanag na dahilan habang nakatitig lamang sa nga mata ni kaleel na nakatingin rin sa kanya.


di'di ko inakalang
Darating rin sa akin
Nung ako'y nanalangin kay bathala
Naubusan ng bakit

Napatingin si Kaleel sa mga labi ng dalaga at parang natetemp siyang hagkan ito.Tatayo na sana si Mina dahil sa hiya at ilang na naramdaman nang mapansin ni Kaleel ang kwintas na nasa leeg ni Mina na biglang lumabas sa pagkakatago nito sa damit kaya napatingin siya nito.

Hindi siya makapaniwala...pamilyar sa kanya ang kwintas na iyon tinutukan niya ito muli at hindi nga siya nagkakamali.

Yun ang kwintas na galing sa Mama niya na binigay niya sa kanyang kaibigan noong mga bata pa sila at ang batang babaeng sa kanya lang naramdaman ang ganoon.

Bakit umalis ng walang sabi?
Bakit di siya lumaban kahit konti?
Bakit di maitama ang tadhana?

Pero nag aalangan pa rin siya kung si Mina nga yun.

Tumayo na si Mina at nagpaalam ky Kaleel,hindi siya makatingin sa mga mata nito dahil sa awkwardness na namamagitan sa kanila sa mga sa mga sandaling iyon.

"M-mauna na a-ko baka h-hinihintay na ako n-ng pinsan mo" pagkasabi niya nun bigla siyang lumakad ng mabilis.


Naiwan naman si Kaleel na gulat parin sa natuklasan hindi siya makapaniwala.





----------------------

"Guys siya nga pala si Minami Alonzo ang sinabi ko sa inyong new bandmate natin" pakilala ni Lorie kay Mina sa mga kasamahan nito.

"Hi!Thank you dahil sa team ka namin sumali" masayang bati ng isang babae na nakaeyeglasses at lumapit kay Mina at nakipagshakehands.


MY CHINITA GIRLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon