Chapter 32

3.8K 99 52
                                    

Chapter 32: "All I really want to know is what's running through your mind when you look a me."



Was it just a figment of my imagination? That night when Jill told me that DJ was looking for me, I went outside to see him. Habang nagtatawanan kami sa labas ay nakita ko si Dylan na nakatingin sa amin, and I swear I saw pain in his eyes. Or was it just the hopeful part of me? I shook my head. Hindi ko na siya dapat iniisip. Wala na rin akong dapat pakialam kung totoo o imahinasyon lang ang nakita kong sakit sa mga mata niya habang nakatingin siya sa amin ni DJ. 

"Hey, what are you still doing?"

"Huh?" 

Sa lalim ng iniisip ko ay hindi ko napansin ang pagpasok ni Jill sa kwarto ko. Nameywang na siya sa akin. "They're waiting for us at the Rock Edge. Tumawag na si Raigne. Hinahanap na nila tayo."

"Shoot. Sorry! Mabilis lang ako."

Napailing siya at lumabas na ng kwarto ko. Nagmamadali akong nagbihis at nag ayos. Buti na lang ay nakapag-shower na ulit ako bago pa dumating si Jill kung hindi ay tinalakan na niya ako. I chose to wear a romper. 

Dahil malapit lang ang Rock Edge sa unit ko ay mabilis lang kaming nakarating

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Dahil malapit lang ang Rock Edge sa unit ko ay mabilis lang kaming nakarating. Palapit pa lang kami ay kaagad ko na siyang namataan. How could I not? Kahit nakatalikod pa siya ay siguradong makikilala ko siya. 

Nanlalamig ang mga kamay ko at bahagyang nanginginig ang mga tuhod ko habang palapit kami. I had to breathe and breathe out several times. I made sure that I looked confident and unaffected by his presence. 

"I wanna request some songs," said Raigne. "The band is so good."

"We're way better than them," Inaki said with a smirk.

"Hell yeah!" Vash was quick to agree. 

"When will you guys, make a comeback anyway? Si Callem na lang ang active sa inyo," I said.

Nagtinginan ang tatlo. "Nah," they said in unison. 

Nagkayayaan silang magsayaw sa gitna. Nanguna pa si Vash sa pagsasayaw habang pinapaikutan namin siya sa dance floor. I was having so much fun with them. Tawanan lang kami habang nagsasayaw.

"Balik na ako sa table!" Malakas na sabi ni Tam para marinig namin siya. "Baka may umaaligid na sa asawa ko!"

"Iba kang mambakod!" biro ni Vash.

Pasimple akong tumingin sa table kung saan naiwan sina Shin at Dylan at nagku-kwentuhan. Tumahip ang dibdib ko ng mahuli niya akong nakatingin. Mabilis akong umiwas ng tingin.



Bigay todo pa rin sila sa pagsasayaw habang ako ay nakaramdam na ng pagod. Vash was dancing with some girls while the couples were grinding against each other. 

The Ruthless GameWhere stories live. Discover now