"Tita Huffle! Wakey wakey ka na! Sabi ni Tatay aalis tayo" Nagtatatalon ito sa kama, "Papasyal tayo sa talampas!"

"Nasaan ang Tatay?" Tanong niya rito, "Paano ka pumunta rito?" Hindi naman malayo ang tinutuluyan ni Theo sa bahay nila Ate Abby pero para sa edad ni Sofia ay may kalayuan iyon.

Napakamot ito sa pisngi, "Nandiyan si Nanay sa labas" umupo na ito sa kama at ngumiti, "Let's go, Tita!" hinila na siya nito palabas ng silid at nandoon nga ang magulang nito!

"K-Kuya! A-Ate!" Bakit ito nandito? Parang hindi nanapak kanina, ha? "What's going on here?"

"Papasyal lang tayo tapos pagkatapos sa bahay tayo magdidinner" Nakangiting sambit ni Ate Abby, "Let's go?"

Napatingin siya sa kapatid na hindi siya tinatapunan ng tingin. Panigurado nagtatampo ito sa kanya.

"I-I'll just change.." Hindi bale, baka mamaya makapagusap naman silang magkapatid. Baka kailangan lang ng paliwanag.

Hindi niya nakita si Theo sa paligid. Gustuhin man niyang itanong ay hindi na niya ginawa dahil  parang bomba ang pangalan nito sa kapatid, baka marinig lang ay biglang sumabog ito.

Dati daw nalalakad lang ang talampas dahil walang sasakyan ang makakapasok. Ngayon, pwede na umakyat ang mga sasakyan.

Kaya hindi na sila naglakad. Sumakay sila sa oner ni Mang Julio. Hiniram ni Ate Abby.

Si Ate Abby ang nagmaneho, tahimik ang Kuya sa passenger seat. Si Sofia lang ang maingay sa kanila. Iniwan siguro ng mga ito si Baby Franz kay Aling Linda.

"Kumusta ka naman dito, Huffle? Nakapasyal ka na ba sa Casa?" Basag katahimikan ni Ate Abby.

"Sa Casa Madrid pa lang ako nakakapunta dahil sinama kami nila Aling Linda sa fellowship" sambit nito, "Ngayon pa lang ako makakapunta dito sa talampas"

"Maganda doon, panigurado magugustuhan mo" naging tahimik ulit pagkatapos niyon hanggang sa makababa na sila.

Agad na binuhat ni Ate Abby si Sofia at naglaro na sa malayo ang magina. Halatang planado nito na maiwan silang magkapatid.

Napaupo si Kuya Raven sa may troso sa may dulo, lumapit siya doon at nakita ang tanawin.

Napakaganda...

Hindi niya napansin na napatulala na siya doon kung hindi pa tumikhim si Kuya Raven, umupo siya sa tabi nito pero nagbigay pa rin ng konting espasyo sa pagitan nila.

"K-Kuya..." Napakagat siya sa labi, "Hindi ko alam kung saan magsisimula... but all I know is how disappointed you are with me..."

Hindi sumagot ang kapatid kaya naman pinagpatuloy na niya ang sasabihin.

"I know that this is not what you thought I would become dahil hindi kayo nagkulang sa pagmamahal sa akin. You didn't spoil me, but you made sure I would never feel left out" naluluha na siyang sambit ngunit kailangan pigilan, "Kuya, I'm sorry... when I lost my baby I lost myself. Pakiramdam ko wala na akong ginawang tama at gagawing tama kaya ang desisyong ilihim ang nangyari ay kagustuhan ko. I thought that was the only way for me to do something... right"

"Kuya, hindi ako iniwan ni Theo" dugtong niya, "Kinailangan ko siyang itulak palayo para maabot niya ang tama sa buhay niya at sa tingin ko noon ay hindi ako" dahan-dahan nang pumapatak ang mga luha sa mata niya, "I'm sorry, Kuya... ayoko na magkamali... ayoko nang makasakit..." Tinakpan na niya ang mukha dahil bumuhos na nga ang mga luha niya.

Bakit kaya sa tuwing ayaw natin magkamali ay parang mismong kapalpakan na ang lumalapit? Sa tuwing ayaw natin makasakit ay mas lalong nasasaktan ang taong mahal natin?

"Puffie" nakalapit na ang kapatid sa kanya, "You have to accept that you cannot make everything right dahil minsan, kinakailangan natin magkamali para makita natin ang totoong plano ng Diyos sa buhay natin" humarap na siya sa kapatid, hinaplos nito ang pisngi niya.

"Kuya, bakit ganito kahirap sumaya? Hindi ba ang Diyos ang nagpapahintulot sa lahat nang nangyayari sa buhay natin? Bakit yung akin ganito?"

"Look at me..." masuyo nitong sambit, "God let it fail not because He doesn't want us to be happy. But because, He doesn't want us to be happy with wrong reasons. Ang tunay na kasiyahan ay hindi makukuha sa tao kundi sa Diyos na magbibigay niyon."

Something inside of her snapped. Hitting her at the very core. Parang isang pitik ang mga sinabi ng kapatid, tila nagising siyang bigla.

"I know you love him, Huffle" ngumiti ito sa kanya, "and I won't hate you for that. Gusto kong malaman mong hindi ako kailanman mamumuhi sa'yo, no matter how many times you fail I'd love you still because you're my sister and I love you"

Mas lalo siyang napaiyak sa sinabi ng kapatid. Does she deserve this?

"I love you with the love of God. Kung iniisip mong hindi ka karapat-dapat sa pagmamahal ay isipin mong muli. Hindi namatay si Hesus para sa atin kung wala tayong kwenta sa kanya. He knew you're worth the risk"

"Kuya..." niyakap na niya ang kapatid ay sumubsob sa dibdib nito. Parang noon lang. "I'm sorry.. I love you..."

"Shhh, tahan na.." pagalo nito sa kanya.

"Tatay!" Gulat na sambit ni Sofia, "You made Tita Huffle cry?"

Tumawa silang magkapatid, "No, baby" aniya, "Come here..."

"Mabuti naman at ayos na kayo" ani Ate Abby pagkuwa'y lumapit sa kapatid at kumandong, "Alam ko naman na mahal niyo ang isa't isa para hindi magusap nang maayos"

"Tatay, baka gising na po si Franz" sambit ni Sofia, "Baka magcry siya kasi hindi niya kilala yung nagtatake care sa kanya..."

"Hindi kilala?" Baling niya sa kapatid, "Sinong nagaalaga kay Franz?"

Umiwas ng tingin si Kuya Raven habang si Ate Abby ay nagpipigil ng ngisi.

Parang may kutob na siya kung sino.

Beautiful GoodbyeWhere stories live. Discover now