Whelve

2 0 0
                                        

WHELVE

Written by: Y A N A

*~*
 

     
       
        
          
A thought has just crossed my mind. Bakit ko nga ba ito tinago ng napakatagal na panahon? Bakit hindi ko sinabi to sa lahat dati?
       
      
     
       
December 4, 20**
     
      
       
       
Nakilala kita nang hapong yon. Tila ba napakasaya ng araw na yun nung inilahad mo sakin yung mga malalambot mong kamay na mas malambot pa sakin.
     
       
      
        
Una kong suspetya ay isa kang bakla pero nagkamali ako. Talaga lang palang malambot ang mga kamay mo.
      
      
       
        
Noong araw na yon, ang simula ng pagkakaibigan natin.
      
     
      
         
Pero di ko alam na mas lalala pa pala ito. Di ko inaasahang mahulong sayo. Ikaw na taong kaibigan ko, di ko akalaing mamahalin ko.
      
      
      
       
Totoo nga ang sabi nila... Na Ng lalake't babae, hindi pwedeng maging magkaibigan unless may gusto yung isa at nagmamahalan sila.
       
       
      
        
Simula na ng bagong yugto ng buhay pag ibig nating dalawa. Yung dating ikaw at ako, nagsanib pwersa at may nabuong TAYO.
          
       
        
        
1 year and 7 months. Bilang ko yung araw simula nang maging tayo. Nawala na sakin ang isang napakahalagang bagay para sa isang babaeng tulad ko. Virginity.
       
     
      
       
Akala ko kapag binigay ko na yon sayo, magiging matibay pa tayo. Akala ko malalim na ang pagmamahalan natin. Akala ko... akala ko tuloy-tuloy na yon...      
     
       
       
        
Akala ko lang pala.
      
      
      
        
Nalaman kong may iba ka at masaya kayong dalawa. Gusto kong magalit sayo pero hindi ko kaya dahil mahal kita..
       
       
            
         
Nanatili akong tahimik at minahal ka na lang ng tuloy. Kahit na sobrang naiinis ka na sakin, nandito pa rin ako. Kahit na pinagtatabuyan mo na ako, kahit na sinasaktan mo na ako ng pisikal, kahit na umiiyak na ako sa tuwing nakikita na kasama mo sya... Nandito pa rin ako sa tabi mo kahit na umiiyak na akong mag isa.
       
       
        
      
Then that one day, I heard from you the word I did expected.
        
       
       
       
“I'm breaking up with you.”
       
      
      
       
Masakit. Pinagtiisan kita pero ganito lang matatapos ang lahat. Expected ko namang mangyayari na to pero di ko akalaing mas masakit pa pala ito sa iniisip ko.
      
       
      
        
Madaming gumugulo sa isipan ko. Ganito na ba ako ka-tanga? Gaga? Baliw?
      
      
      
        
Gusto ko ng mamatay.
      
       
       
        
“Ituloy mo na...”
       
       
      
        
Napahawak ako sa sintido ko nang may marinig na naman mula sa utak ko. Tila ba dinidiktahan nito ako na gumawa ng kasalanan.
      
      
      
       
Nandito ako sa tapat ng bahay nyong dalawa. Gabi na at nakatingin pa rin ako sa harapan ng pinto ng bahay nyo. Papasok na ba ako?
      
     
      
       
Dahan-dahan kong pinihit ang doorknob para hindi makagawa ng ingay. Kita ko pa ang door rug sa tapat nito na hindi na mabasa ang salitang WELCOME.
      
      
      
        
Welcome? Kung ganon welcome ako dito.
     
      
     
       
Pagpasok ay sumalubong sakin ang napakadilim na silid kung saan napakaganda sa aking paningin.
      
      
      
       
Dumeretso ako sa loob ng isang kwarto kung saan nakahiga kayong dalawa. Magkatalikod sa isa't isa ag mukhang nag away kanina.
      
       
      
      
Lumapit ako sa babaeng katabi mo at mabilis na inilabas ang isang matalim na kutsilyo na itinarak ko sa napaka ganda nitong buhok, diretso sa utak.
      
     
     
      
Dugo. Napakaganda sa paningin ko ang matingkad na kulay ng dugo mula sa ulo ng babae mo.
     
     
     
      
Napabalikwas ka sa kama at agad na nakita ang mahal mong nakaratay sa sarili nyong higaan na may nakakalat na dugo sa ulo nito.
     
     
     
     
Kita ko sa mata mo ang sakit. Sakit na makita ang mahal mong patay. Gaya ng sakit na naramdaman ko nang hiniwalayan mo ako.
        
     
     
     
Napatingin ka sakin. Ramdam ko ang galit sa mata mo nang makita mo akong demonyong nakangisi sa harap nyo.
         
     
     
      
Demonyo.
       
     
      
      
Matagal nang nakakubli sa loob ko pero nasa pinakamalalim na parte ng kaluluwa ko.
      
      
      
      
Nang lumapit ka sakin ay agad kong itinarak sa leeg mo ang isang injection. Napaatras ka nang malamang hindi lang iyon basta-basta.
      
     
     
      
Pangpamanhid.   
       
     
     
      
Dapat pala itinarak ko na rin iyon dati para di ko na naramdaman itong sakit at hirap na idinulot mo sakin.
       
     
      
       
Unti-unti kang napaupo sa sahig hanggang sa hindi mo na naigalaw ang buong katawan mo.
       
    
     
       
Eto na ang simula.
     
      
      
      
Kinuha ko ang nakatarak na kutsilyo mula sa ulo ng mahal mo at mabilis na itinarak yon sa binti mo.
       
     
      
     
Napakasayang makita ang mga luha mo habang nagmamakaawang itigil ang ginagawa ko sayo.
       
     
     
       
Mabilis kong hiniwa ang mga daliri mo sa kamay. Yang kamay na yan ang nag alaga sakin pero hindi na ngayon.
      
      
      
      
Itinarak ko ang patalim ko sa dibdib mo kasabay nang pagkuha ng puso mo mula sa loob nito. Etong puso na to na kung saan ako lang yung nakalagay dati, ngayon meron ng iba.
        
     
      
      
Napaatras ako.
       
     
      
       
“A-Ano ba tong nagawa ko?”
        
      
      
      
Bigla kong naalala ang lahat. Napayakap na lang ako sa sarili kong mga binti kasabay ng malalakas na paghikbi.
      
     
      
        
“M-Mahal kita...”
       
     
      
        
Huling salitang nasabi ko at niyakap ang pinakamamahal kong tao sa buong mundo.
      
       
       
      
“Mahal, ngayon magkakasama na tayo sa impyerno.”
      
       
      
       
Mula sa bintana, hinugot ko ang kurtina't isinabit sa kisame. Kasabay ng pag agos ng luha sa aking mga mata ang pagtayo sa isang silya at sinuot ang kurtinang pampalit sa lubid.
     
       
      
       
Hawak ang puso mo, mahal, tatapusin ko na ang paghihirap nating dalawa.
       
      
       
        
Sasamahan na kita, mahal ko.
      
     
     
         
—S.H

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 21, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

WhelveWhere stories live. Discover now