I Hate You (One Shot)

5 0 0
                                        

*Tristan POV*

"I hate you talaga forever and ever!" Sabi ni Trina na pulang pula yung mukha sa inis.

"Hoy kung hate mo ko mas hate kita! Pikon hahaha" asar ko pa lalo. Ang cute niya kase pag naiinis. Yung mukha niya bumibilog na pulang pula tapos parang umuusuk na yung ilong at tenga.

"Diyan ka na nga! He! Wala kang kwenta kausap." At ayun nga umalis na siya. Pinagmasdan ko siyang umalis.

Ang ganda niya. Kahit anong angulo mo tignan. Nakangiti. Nakasimangot. Umiiyak. Ang ganda ganda. Kaya mahal ko yan eh. Kaya lang wala eh. Di pa nga ako nanliligaw, di na niya ako agad gusto. Hate na niya ako. Palagi niya sinasabi yan pag nagkikita kame.

"Pre, sama ka bukas sa overnight? Birthday ni Ayna susurprise ko siya. Andun din si Trina. Ininvite ko para mag- enjoy si babe ko." Nasa tabi ko na pala si Mark. Bestfriend ko. Aba sasabihin lang yan binatukan pa ko.

"Bading mo pre!" Aba binatukan ko din sabay sabing "Pag-iisipan ko pre. Baka makasira lang ako ng mood eh."

"Pre naman! Kasama naman buong barkada. Saka ayaw mo nun may chance ka na para kausapin si Trina ng masinsinan. Gusto ka din naman nun. Ikaw lang hinihintay nun."

"Sus, sinasabi mo lang yan. Hate na hate nga ko nun eh." Ewan ko ba palagi niya ko pinupush kay Trina eh tanggap ko naman na hanggang tingin lang ako. 5 years na rin naman kaming ganito. Simula nung pagtabuyan niya ko. Nakuntento nalang ako magmahal sakanya sa malayo.

"Bahala ka pre. Sigi ka baka maunahan ka nanaman ng iba. Hahaha Alis na muna ko may tryout pa ko" Tapik niya sa balikat ko sabay alis. 


***


Nandito na ko sa bahay. Kanina ko pa pinag-iisipan yung sinabi ni Mark. Hay  sasama ba ko bukas? Baka mainis lang sa akin si Trina pag nakita ako. Pero ako gustong gusto ko siya makita. Naalala ko pa noong bata kame. Ang close close namin. Mag bestfriend talaga kami nun slash kababata. Kaya lang isang araw nagbago nalang siya.

(FLASHBACK)
First Day High School excited na ako kase makikita ko nanaman si Chubs hehehe. Namiss ko rin yun! Di kase kame nagkita nung bakasyon. Nagpunta kase sila probinsiya eh hay. Mahanap nga yun! Buti nalang loyal kame sa school namin kaya atleast dito parin kame at makakasama ko pa rin siya!

Hmmm ayun siya! Kinalabit ko siya sa  likod.
"Hoy Chubs! Bat ka nakasimangot? Ang aga aga pa eh lalo ka tuloy pumapanget." Yah read it right! Chubs kase taba niya eh. Chubs as in Chubby. Tawag ko sakanya yan simula bata pa kame haha pero actually nakakagulat lang kase nagbakasyon lang tas ang sexy niya na ngayon at naging blooming pa. O___O Shems nakakabakla naman oh. Lalong bumibilis tibok ng puso ko. Pero mula bata pa kame mahal ko na yan mataba man siya o hindi basta mahal ko yan. Kinikilig ako pero di ako nagpahalata hehe.

"Tse wag mo nga ko lapitan at wag nga kong tawaging chubs. I hate you!"

"HAHAHA di ka pa ba nasanay? Chubs naman ang init ng ulo." Asar ko pa rin sakanya.

"ANO BA!? TAMA NA! UGHH I HATE YOU!" Tas nag walk out siya. Nakakagulat lang kase parang nagalit talaga siya. Eh never niya ginawa yun sa akin. Ano kaya nangyari dun?

Nagbell na rin naman kaya ayun hinanap ko room ko at pumasok na ko sa klase ko.

Tinext ko siya
To: Chubs
Chubs sorry na kung may nagawa man ako. Sorry kung naasar kita. Bati na tayo please :) Wag ka na magalit o mainis sa akin.

Di siya nagreply sa akin kaya inisip ko nalang na busy siya kahit alam ko naman na hindi siya pwede maging busy kase first day of class pa lang naman pero di ko na siya tinext o kinulit pa. Hinayaan ko nalang siya mag enjoy.

I Hate You  (One Shot)Where stories live. Discover now