KABANATA XV: Letting Go

Magsimula sa umpisa
                                    

 

I'm still down because of Annika's response. I really can't accept that she rejected me, ngayon pa na malaya na 'ko—na malaya na kami. Or was it just me dahil nga ikakasal na sya? Tss.

Hindi ko agad namalayan pero nakauwi na pala ako sa bahay na tinirhan ko rin sa nakalipas na dalawang taon. Nandito ako sa bahay ng babaeng kinilala kong asawa sa loob ng dalawang taong iyon. Umakyat ako ng hagdan papunta sa kwarto ng anak kong si Raven. Ilang araw ko na rin syang hindi nakikita at namimiss ko na sya. Palapit na ako sa kwarto nang mapansin kong bahagyang nakabukas ang pinto. Paglapit ko, agad kong narinig ang isang boses na umiiyak.

Sumilip ako sa loob ng kwarto at nakita ko ang anak kong mahimbing na natutulog. Beside him was his crying mom.

"Anak, sorry. Sorry talaga, hindi ko sinasadya. Kung may pwede lang akong gawin para hindi tayo iwan ng daddy mo, ginawa ko na. Son, please forgive mommy for giving up on daddy huh?"

Hindi ko napigilan ang sarili kong pumasok sa loob ng kwarto. "Ibig bang sabihin nyan, pinapalaya mo na 'ko?" Too late.

Dahan-dahang inangat ni Cassandra ang kanyang paningin para tingnan ako. Marahas nyang pinunasan ang mga luha nya. She looked up and did her best to help her eyes from shedding more tears.

She sniffed, "May magagawa pa ba 'ko? Ngayong alam mo nang hindi ka pala talaga nakasal sa'kin, may dahilan ka pa ba para mag-stay sa tabi ko? Wala na di ba?"

Nag-iwas sya ng tingin. Binalik nya ang mga mata nya sa anak naming payapang natutulog sa kama. Wala man lang syang kaalam-alam sa mga nangyayari sa aming mga magulang nya.

"Si Raven," she reached for his hair to stroke them. "Syempre sa'kin mapupunta ang custody nya."

Tumango lang ako, alam ko naman iyon eh.

"Pero sana," she pursed her lips, trying to fight the urge to cry, "wag mo syang kalilimutang bisitahin man lang. Wag kang mag-alala, ie-explain ko nang maayos sa anak mo ang nangyari para hindi naman sya magtanim ng sama ng loob sa'yo, just don't forget to do your part. Seven, alam mo ba? Mahal na mahal ka ng anak mo. Nung magpakasal tayo, tuwang-tuwa sya. Sabi nya…" pigilan man nya, kumawala na mula sa kanyang mga mata ang ilang patak ng luha, "sabi nya ang saya-saya nya raw. Sabi nya sobrang saya nya kasi kasal na tayo at makakasama na nya sa bahay ang daddy nya. Alam mo ba, marami syang gustong gawin kasama mo. Sabi nya pa super thankful daw sya kasi pinakinggan mo yung hiling nya sa'yo dati… na pakasalan ako." Pinilit nyang tumawa.

"Ang tanga ko. hindi ko man lang naisip dati na kaya mo lang ako pinakasalan ay dahil sa sinabing yon ni Raven. Ikaw kasi eh, niligawan mo pa 'ko. Akala ko tuloy talagang gusto mo na 'ko. Nagpabulag ako sa mga nakikita ko. I'm sorry, Seven. Dahil sa katangahan ko nagdusa ka ng ilang taon. Sorry, hindi ko naman sinasadya eh. Hindi ko naman ginusto yon eh. Sorry… sorry at minahal kita."

Napayuko sya sabay takip ng bibig nya. Pinipilit nyang pigilan ang sariling mag-ingay kahit pa umiiyak na sya. Nilapitan ko sya't niyakap. Gusto ko syang i-comfort kahit konti. Nakatayo ako habang yakap sya, nakasandal lang sya sa sa'kin at patuloy sa pag-iyak sa tabi ng aming anak.

Matagal at malalim rin ang pinagsamahan namin. Kung may choice lang ako, hindi ko sya sasaktan. Ayoko ring makita syang umiiyak na tulad nito, pero wala akong magagawa. Hindi ako ang tamang lalaki para sa kanya, hindi pwedeng manatili ako sa kanya.

Kahit pa isinuko na 'ko ni Annika.

Maybe I simply don't deserve to be happy.

Kasi paano nga ba naman akong magiging masaya kung hindi rin lang sa piling ni Annika?

We Meet Again (I met a jerk whose name is Seven FanFic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon