They gave me a sash and a small, elegant crown. Napangiti ako nang bigyan nila ako ng isang pumpon ng bulaklak.

"Congrats, hija," I thanked and smiled at the emcee and my professors.

"Salamat po," I said.

They took a photo of us, the crowd's been smiling at us, some with awkward smiles, probably not pleased about the judge's decision of choosing me.

"And now, for our last dance..." The emcee announced. Natigilan ako roon at natigilan nang ilahad sa akin ni Floyd ang kanyang palad.

"To formally start the last part of our event, let the stars of the night start the dance. Lena, Floyd..." aniya sa mikropono at wala sa loob na iniabot ang kamay ni Floyd.

"The floor is yours," ani ng emcee at nang tumutok sa amin ang spotlight ay marahang hinawakan ni Floyd ang baywang ko para marahan akong isayaw.

It was really awkward, tahimik lang kaming nagsasayaw sa ilalim ng ilaw. Sumulyap ako sa mga tao at nakitang unti-unti nang dumarami ang mga magkapareha sa gitna para magsayaw.

"You...really are beautiful, Lena." Nag-angat ako ng tingin kay Floyd nang magsalita siya.

"S-salamat,"

He nodded, mas inayos niya ang aking kamay sa kanyang balikat at marahan akong hinapit palapit sa kanyang katawan.

"I hope you'll answer me back," aniya sa marahang tono.

"F-for?" I glanced at him.

"I like you, Lena," aniya. "Hindi ako magsasawang sabihin iyan sa 'yo."

"I-I honestly know what to say." I whispered.

"It's alright," he said. "Mag-aantay ako. I will court you if you like."

"H-huh?" I was shocked. Mabilis akong nag-angat ng tingin sa kanya at nakagat ang labi ko. "Bakit? I mean,"

"Dahil gusto kita, sobra." He said softly, his eyes are enough to let me know his sincerity.

"F-Floyd, kasi..." I breathed. "I-I don't think I am ready for a relationship."

"Aantayin kita," aniya. Namungay ang mata niya habang sinasabi iyon.

Pinakiramdaman ko ang sarili pero wala man lang akong maging reaksyon. I was stiff! I don't know why!

"Y-you don't have to," bulong ko. "A-ayoko muna sa ngayon."

"I know how the university adored you, Lena," he mumbled. "The first time I laid my eyes on you, alam ko nang gusto kita."

I should be flustered! I should be happy! Damn it, my crush has been liking me for a long time! Pero bakit wala akong maramdaman ngayon?

"But Floyd..."

"Sshh, Lena... I will still like you," he said.

Tumungo ako, marahang iniikot niya ako at nang mahawakan niya ang baywang ko ay marahan niya akong hinapit at napaawang ang labi ko nang lumapat ang labi niya sa noo ko at masuyo itong hinalikan.

I froze. Namilog ang mata ko at napatingin sa kanya pero ngumiti lang siya sa akin at marahang tumango.

Sa pagsulyap ko sa mga tao ay nakita kong gulat din sila nang makita kami ng iilan. I bit my lip and shifted my gaze and my mouth parted in shock when I saw Ejercito standing on the entrance with a sad look on his face. Kahit nasa malayo ay kitang-kita ko ang bakas ng lungkot sa kanyang mga mata.

"J-Jer..." I murmured.

His lips lifted for a small, sad smile, magsasalita sana ako pero tumalikod siya habang nakalagay ang kamay sa kanyang bulsa hanggang sa nawala na siya sa aking paningin.

Paper Planes (Sandejas Siblings: Companion Book)Where stories live. Discover now