• I : Expelled

19 8 0
                                        


I

Tahimik na naka-upo si Alex sa isang bench na nasa harap ng kanilang classroom. Tutok na tutok ang kaniyang mga mata sa hawak na cellphone habang naglalaro ng Plants vs. Zombies. Nasa survival na kasi siya at isang flag nalang ang kulang para matapos na niya ang level na yun.

"Damn you bitch! Kahit kailan talaga mang-aagaw ka! Nilandi mo ang boyfriend ko! Puta kang babae ka!" Napataas ang kilay niya nang lumapit sa kanya si Jamie. Ang tinaguriang campus Queen sa kanilang Campus. Galit na galit ito at nakatingin ng masama sa kanya. Saglit itong tiningnan ni Alex ng nakakunot ang noo at agad ring ibinalik ang tingin sa cellphone nito. Iniwasan niyang patulan si Jamie dahil kakatransfer pa lang niya sa Quarlesd University at ayaw na niyang ma-kick-out ulit dahil paniguradong sandamakmak na naman na sermon ang abutin niya galing sa kanyang Tito Remus and worst is ma-grounded pa siya ng ilang buwan!

"Why aren't you saying a word huh? Dahil totoo nga! You whore! Harapin mo ako at magtutuos tayong dalawa!" Sigaw pa ni Jamie at marahang hinablot ang braso ni Alex dahilan para mahulog ang cellphone nitong hawak sa lupa.

"Ano bang kailangan mo ha? You look pathetic and irritating! Can't you see? I'm busy! So show some respect kung may natira ka pang respeto!" Singhal ni Alex at dadamputin na nasa ang cellphone niya na nasa lupa nang inapakan iyon ni Jamie na lumikha ng crack sa screen nito. Napakuyom sa kanyang dalawang palad si Alex at tiningnan ng masama ang nakangising si Jamie.

"Anong kailangan ko? Ito lang naman" nakangiting sabi ni Jamie at malakas na sinampal si Alex.

"You want a catfight huh? Pagbibigyan kita." Sabi ni Alex at ginantihan rin ng sampal si Jamie. Hindi nga lang isa, kundi kambal na sa sampal sa magkabilang pisngi.

"How dare you!" Nangangalaiting sigaw ni Jamie at sinabunutan si Alex. Gumanti rin ng sabunot si Alex at dahil mas malakas siya, magawa niyang itulak ng malakas si Jamie dahilan para tumalsik ito sa lupa. Mabilis na nilapitan niya si Jamie at nang makitang nasa gilid nito ang kaniyang sirang cellphone ay mas lalo lang siyang nagalit. Hinila niya patayo si Jamie at pinagsusuntok niya ito hanggang sa dumugo ang ilong ni Jamie at nawalan ng malay.

* * *

"What did you do to Jamie?" Nanlilisik ang mga matang tanong ng Principal kay Alex. Hindi niya mawari kung bakit ganun nalang ang galit ng kanilang Principal sa kaniya nang malamang nasa hospital si Jamie. At labis rin ang kaniyang pagtataka kung bakit ipinatawag siya sa Principal's Office at hindi sa Guidance Counsilor.

"I'm just defending myself. She slapped me hard and I'm just returning the favor to her." Walang ganang sagot ni Alex sa kanilang Principal pero nagulat siya nang bigla na lang tumayo ang Principal at sinampal siya ng malakas.

"What was that for?" Galit na tanong ni Alex sa kanilang Principal habang hawak-hawak ang kaniyang kaliwang pisngi na sa tingin niya ay mas lalong namamaga.

"That's for hurting my daughter. Your Expelled! Get out!" Singhal sa kanya ng Principal kaya mabilis niyang tinungo ang pinto. Binuksan niya ito at bago pa siya tuluyang lumabas ay muli niyang nilingon ang kanilang Principal na nakatingin ng masama sa kanya. "Fuck You!" Malakas niyang sabi at bahagya pang itinaas ang kanyang middle finger saka malakas na sinarado ang pinto.

Dahil dala-dala naman niya ang kaniyang backpack ay agad niyang tinungo ang gate at lumabas ng tuluyan sa Quarlesd University.

Bye! Bye! Quarlesd University!

____________________________________

This is a work of fiction. Names, characters, business, places, events, and incidents are either the product of the Author's wild imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual events or other stories is purely coincidental.

All rights reserved.

[ Alexandrielle ]

written by: AnakNiShakespeare101

Tears Of AlexandrielleHistorias para obsesionarse. Descúbrelo ahora