Pangako

1 0 0
                                    


Oh aking mahal Naaalala mo pa ba?
Noong tayo'y nagmamahalan pa?
Mga oras na tayo'y masaya pa?
Mga oras na kailanman ay mananatili na lamang sa aking ala-ala

Naaalala mo pa ba?
Mga panahong nangako tayo sa isa't isa
Nangako tayo na kahit gaano kadaming bagyo ang dumaan
Ay hindi tayo susuko at magmamahalan parin tayong dalawa

Naaalala mo pa ba? ang mga pangako mong sabi mo magkikita tayo
Mga panahong aking Inasahan na magkakatotoo
Ngunit bakit hindi nagkakatotoo ang mga pangako
Hanggang dito nalang ba tayo?

Ang sabi mo iiwan mo lamang ako ng panandalian,
Umasa akong ako'y iyong babalikan
Iyan ang Pangakong aking pinagkatiwalaan
Pangakong aking pinaniwalaan

Mahal, naaalalala mo pa ba ang pangako mong hindi mo ako lilisanin
Ngunit bakit nagawa mo parin akong linlangin
Sabi mo ako lang ang iyong mamahalin
Ngunit bakit nagawa mo akong paasahin?

Sabi mo ako lang wala ng iba
Na ako para sayo't sapat na
Na ako lang ang mamahalin mo wala nang iba pa
Ngunit bakit mo nagawang ipagpalit ako sa iba?

Mahal, Sabi mo ang pangako mo ay iyong tutuparin?
Sabi mo ika'y aking hintayin
dahil hindi mo ako magagawang linlangin
dahil sa walang hanggan mong pag-ibig saakin

Ngunit isang araw dumating na rin
ang pinakahihintay kong pagbabalik
nakita kitang kasama ang iyong iniibig
at mukhang mas masaya ka sa kanyang piling

masakit sa damdamin
hindi mapigilang tumangis
ang mga luhang dumadaloy sa aking pisngi
pinunasan at ako'y umalis

hindi makayanang tignan
na may kasama kang iba
Minahal kita ng sobra
ngunit hindi pa pala sapat ang aking nadarama

Spoken PoetryWhere stories live. Discover now