Hindi siya kumibo sa sinabi ko. Nanatili lang siyang nakatitig sakin kahit na nakabitaw na ako. Kung hindi lang may nagbosina na kasunod naming sasakyan ay baka hindi oa siya gumalaw.

Nasa highway na kami at malapit na rin sa crossing kung saan kami liliko para sa school nang makareceive muli ako ng text. At kahit na naka abang si Xander sa akin ah binalewala ko na lang para tignan ang message na dumating.

Vaughn: Can we eat lunch together today?

It's a date. Kahit ano pa man iyon kung kami lang ni Vaughn ang magkasama then it is a date. Sumulyap ako kay Xander. It could be my escape from him. But then I don't Vaughn to assume something.

"Ibaba mo na lang ako sa tapat ng Wings," hindi ko siya tinignan ng banggitin iyon. Yun na rin kasi ang naisip ko na pwedeng kainan ng mabilisan at malapit sa school.

"Bakit?"

"Kakain ako dun," sagot ko.

Hindi ko pa naman nirereply-an si Vaughn. And I'm not planning to do so. Kunyari na lamang ay bababa ako doon para mameet si Vaughn kahit na ang totoo ay kakain lamang ako mag isa. Itetext ko na lang rin si Vaughn na may iba akong plano para sa tanghalian at di ko siya mapag bibigyan.

"With Vaughn?" aniya sa isang naiiritang boses.

Hindi na ako sumagot. Parang may bumara sa lalamunan ko at kung sasagot ako ay baka mautal ako kaya hindi na ako nag salita. Kahit na hindi naman talaga si Vaughn ang kasama.

Hindi na rin naman siya nag tanong at ibinaling na ang atensyon sa daan. At kung titignan ang pangangatwiran ko sa pag aaya ni Vaughn, kami lang rin ni Xander ang magkasama. So is this a date then?

Umiling ako. No. Papunta na rin siya ng school at sumasabay lang ako.

Nakahinto na kami dahil sa red light pero narito na kami sa crossing. Malapit lang ang sinabi ko kay Xander na bababaan ko at nang malapit nang iliko ang sasakan pakanan ay nabigo ako dahil mabilis na iniliko iyon pakaliwa. Tumingin ako kay Xander na malamig na nakatingin sa daan at tahimik na nag mamaneho.

"Saan tayo pupunta, Xander?" tanong ko pero di siya sumagot.

"Doon yung school," wala parin siyang imik.

Nakihalo na naman kami sa panibagong trapiko. Malapit na ito roon sa boutique na pinuntahan namin kanina at para lang niyang iniikot.

"Kung may pupuntahan ka wag mo na akong isama,"

"Kakain tayo," aniya. Emphasizing "tayo"

"I have plans-"

"With Vaughn? Cancel it now. We're gonna eat." malamig niyang sambit.

"You can eat by yourself..." umirap ako.

"I know. But we can eat together as well,"

Nilingon ko ang paligid at narito na kami sa parte ng city kung saan marami ang kainan. Marami nang tao kahit maaga pa para sa tanghalian. Bumagal ang takbo ng sasakyan dahil sa dami ng tricycle. Sinabayan na ni Xander ng pag lingon sa mga stall at store na pwedeng kainan.

"Where do you wanna eat?" aniya habang nag titingin pa rin.

Nag tingin din ako sa mga stall. I kind of like it if were going to eat together. I know. I know that there is a part of me that's willing to do this. Alone with him but it's wrong. Mali ito. All of this.

Umiling ako pagkatapos makapag pasya. Umiling ako kahit ba gusto ko nang tumango at ituro ang stall na natipuan ko. I want to eat with him. Pero kailangan ko'ng mag pigil.

Road to your Heart: Starting line (Book 1 of Road trilogy)Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu