Mr. Kupido (One-shot)

Magsimula sa umpisa
                                    

"Saan tayo pupunta?

"May bibilin tayo." sabi niya sabay ngiti ng pagka-lapad. Nakakatuwa naman at kahit paano'y naalala niya. Masaya na ko, Masaya na ko na kahit isang porsyento man lang ay may parte ako sa puso niya. "Maganda ba 'to?" may ipinakita siya saking bear na kulay pink. "Mas maganda yun." turo ko sa isang bear na kulay brown na sobrang cute. "Hindi naman ganyan ang tipo ni Carmela."Parang nabasag ako sa sinabi niya. Takte. Nakalimutan ko.

Zen's POV

Kaarawan ngayon ni Carmela kaya nagpasama ko kay Naomi para bumili nang maire-regalo sa kanya. Pagka-galing sa bilihan ay inihatid ko muna si Naomi tsaka ako dumiretso ng bahay. Party ang kaarawan ni Carmela. Isang formal party. Nag-ayos na ko ng sarili ko. Aba! Dapat gwapo ko dun, kaarawan ng mahal ko yun eh.

Pagka-pasok na pagka-pasok ko sa lugar kung saan gaganapin ang party ay si Carmela agad ang bumungad sakin. Isang napaka-gandang babae. Pero ang masaklap may kasama siyang lalaki at naka-akbay ito sa kanya.

 Buong gabi magkasama sila. Buong gabi masama ang timpla ko. Hanggang sa pag-uwi ko ganun pa rin. Lahat ng makakausap ko sinusungitan ko lang. PAsensya na.

*knock.knock*

"Anak. Nandito si Naomi."

"Sige Ma. Papasukin mo." mas mabuti pa pala kung hindi ko na pinapasok eh. Baka masungitan ko lang siya. :/ PAsensya na Naomi.

"Uhmm.. Zen. Ano.. kasi.. gusto ko lang.. ano..--" pinutol ko na yung sinasabi niya. Dahil na rin sa init ng ulo nasigawan ko siya. "Kung hindi ka naman magsasalita ng diretso pwede ka nang lumabas." lumabas na nga siya. Sorry, sorry, sorry, sorry. Pagpasensyahan mo na ko Naomi. Sorry talaga.

Bumukas yung facebook na nilo-log-in ko. At may nakakuha ng atensyon ko. Tumakbo ko palabas ng kwarto at dali-daling bumaba. "Ma! Si Naomi po?" tanong ko pa kay Mama. "Naka-alis na nak. Iniwan pa nga 'tong cake oh." sabay taas ng isang tupperware. Tumakbo ko palabas pero hindi ko na siya inabutan. Napa-takip na lang ako ng mukha sa inis sa sarili ko. "Sorry Naomi. Happy Birthday."

Naomi's POV

Dear Mr. Kupido,

Bakit ganun? Porke't kaarawan din ng mahal niya nakalimutan niya na ko? Sana kahit minsan lang ako muna. Sana kahit minsan lang mauna muna ko kesa kay Carmela. Sana kahit minsan lang maalala niya ko. Sana talaga. hanggang sana na lang ba ko?

Ang sakit sakit. Ganito ba ang magmahal? Ganito ba? Batiin man lang niya ko masaya na ko. Pero yung kalimutan niya ng kaarawan ko na dati rati ay kaming dalawa ang nagce-celebrate, Masakit yun eh. Yung pagpaalis niya sakin, masakit. Kahit alam ko na masama lang ang timpla niya kaya niya ko nasigawan, masakit pa rin eh! Sobrang sakit. </3

Kinabukasan hinahanap ko siya. Oo, hindi ko siya kayang tiisin eh. Mahal ko siya eh? Ano bang magagawa ko? Natanaw ko siya sa hardin kasama niya si Carmela ngunit parang hindi ito masaya. "Pasensya na talaga Zen pero ang akala ko kasi naiintindihan mo na kaibigan lang ang turing ko sayo." rinig kong sabi ni Carmela. Hindi ko marinig na may sinabi si Zen. Pero alam ko kung ano ang nagaganap doon. REJECTION. Umaalis na si Carmela at nakita naman ako ni Zen.

Yumakap siya sakin. Alam kong pinipigilan niyang umiyak ngunit nababasa rin ang manggas ng damit ko ng luha niya.. Hindi man siya humahagulgol, umiiyak pa rin siya. Ito ang unang beses na nakita ko siyang umiyak. Alam ko na nasasaktan siya. Alam ko kung gaano kasakit yun. "Ang tanga ko kasi Naomi eh. Umasa ko. Akala ko mahal niya rin ako, pero hindi eh. Isa lamang yung malaking hindi pagkakaintindihan." Ramdam na ramdam ko yung sakit na nararamdaman niya. Wala man akong masabi dahil hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Nasasaktan rin kasi ako tuwing nasasaktan siya.

Mr. Kupido (One-shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon