"O-okay," tanging sagot ko.

"Manood muna tayo ng palabas habang naghahanda sila," suhestiyon ni Xavier.

Hindi na ako tumutol. Sumunod ako kay Xavier sa salas habang dumirecho naman ng dining area ang mga tauhan ng hotel.

Dahil pareho kaming mahilig sa "Game of Thrones", napagkasunduan naming magmomovie marathon mula sa unang series. Halos matapos na namin ang unang series nang tumunog ang cellphone ko. Isang mensahe mula sa manager ng hotel ang natanggap ko.

"Your lunch is ready," nabasa kong mensahe.

Dahil nakaramdam na rin ako ng gutom, minabuti namin ni Xavier na tungohin ang dining area ng penthouse. Napahinto ako nang makita ko ang ayos ng dining area.

Nakapalibot ang mamahaling bulaklak sa paligid ng dining table habang nakalapag naman ang mga rose petals sa

mesa at sahig. Gusto kong maiyak dahil ngayon lang ako nakaranas ng ganito.

Dahil hindi magawang hilahin ni Xavier ang sariling silya, ako na ang gumawa para sa kanya nito bago ko tinungo ang sariling silya upang maupo.

"Happy Heart's day, Yumi," bati ni Xavier.

"Happy Heart's day rin," sagot ko.

First time kong maranasan ang fine dining pero dahil kami lang ni Xavier ang nasa dining area, na-eenjoy ko pa rin ang sarap ng pagkain dahil hindi ako naiilang. Ilang sandali pagkatapos kong kumain ay pinatugtog ni Xavier ang kantang, "Always Remember Us This Way" ni Lady Gaga. (Song is attached in this chapter)

"So when I'm all choked up but I can't find the words,

Every time we say goodbye, Baby, it hurts.

When the sun goes down and the band won't play

I'll always remember us this way."

Ramdam ko ang bawat salita ng kanta na tila isinulat ito para sa amin.

"Sana maisayaw kita," malungkot na saad ni Xavier.

"Bakit naman hindi?" sagot ko saka tumayo.

Puno ng pagnanasa akong tinitigan ni Xavier habang hinintay ang paglapit ko sa kanya. More than he wanted to touch is what I felt for him. We closed the distance between us. Itinaas ko ang aking mga kamay saka kunwari'y ipinatong ko sa kanyang balikat at pinalibot sa kanyang batok ang aking mga kamay. Malungkot siyang ngumiti saka niyakap ako. Hindi ko nararamdaman ang pagyakap niya pero higit pa sa isang yakap ang nararamdaman kong pagmamahal namin sa isa't isa.

Nagpatuloy ang kanta...

"Lovers in the night, poet trying to write,

We don't know how to rhyme, but damn, we try.

But all I really know, You're where I wanna go

The part of me that's YOU WILL NEVER DIE."

Ipinikit ko ang aking mga mata habang hinayaan ang pagtulo ng aking luha. Ini-imagine ko ang init ng kanyang halik na lumapat sa aking noo. Kahit nangangawit ang aking kamay ay patuloy kong iniisip na magkayakap naming sinasayaw ang musika. Mahal na mahal ko si Xavier. Hindi ko alam kong paano ko pakakawalan ang sarili sa pagmamahal kong ito pero ang mahalaga, nandito kami ngayon para sa isa't isa. Saka ko na iisipin kinabukasan.

*Xavier's POV*

Nakaramdam ako ng kirot nang makita ko siyang umiiyak. Ito ang pinaka-ayaw kong makita at ito ang hindi ko napaghandaan. All I want for her is to be happy pero kahit anong gawin ko, hindi ko pa rin mai-aalis ang katotohanang walang naghihintay na kinabukasan para sa amin. I will never be the man who can be her future.

Masakit isipin na kung kailan ko gustong mabuhay ay siya namang pagkakataon na huli na ang lahat.

"X-xavier!" bakas sa mga mata ni Yumi ang takot, "a-anong nangyayari!"

Napaatras ako saka tinignan ang mga kamay ko. Unti-unti akong naglalaho kaya takot akong tumingin kay Yumi.

"Xavier labanan mo! Please, huwag mo muna akong iwan," umiiyak na saad ni Yumi.

"Y-yumi," tanging nasambit ko.

"Xavier!" nakita kong natataranta si Yumi.

"Yumi, I-I am sorry," saad ko, "hindi ko hawak ang kapalaran ko."

"No! No, please," napaluhod si Yumi, "huwag mo muna akong iwan. Maawa ka."

"H-hindi ko alam ang gagawin ko?" napasabunot ako sa aking buhok. Ayokong makita si Yumi na umiiyak pero hindi ko alam paano mapipigilan ang aking unti-unting paglaho.

Tumingala si Yumi sa akin. Ang kawawa niyang mukha ay basa sa kanyang mga luha habang sinasabing, "mahal kita, Xavier. Mahal na mahal."

Lalong sumikip ang aking dibdib saka umiiyak na lumuhod sa kanyang harap, "tandaan mo, you are my first love and my only great love."

Umiling si Yumi saka sinabing, "wala nang hihigit pa sa pagmamahalan natin."

"Yumi, listen to me," saad ko, "huwag mong isarado ang sarili mo sa pag-ibig. Learn to love someone else."

"How can you say that to me!?"nahihirapan niyang saad habang umiiyak, "mahal kita Xavier. Mahal na mahal."

"I love you too," tanging nasambit ko saka ipinikit ang aking mga mata.

I felt so helpless for both of us. Ayoko nang makita siyang umiiyak pero kahit nakapikit ako'y naririnig ko pa rin ang kanyang iyak. Pinakiramdaman ko ang aking dibdib. Tumitibok pa rin ang aking puso. Tumitibok lamang ito para kay Yumi.

_________________________

Hindi ko alam kung paano namin napatigil ang unti-unting paglaho ko. Ang alam ko, pareho kaming natahimik. Pareho kaming kalmadong hinintay ang tuluyang paglaho ko. Pero hindi ito natuloy. Bumalik ako sa dati, multo pa rin pero kasama pa rin si Yumi.

Nasa terrace kami ngayon, parehong nakahiga habang pinagmasdan ang mga tala sa langit. Hindi ko alam kung bakit pero umaasa akong pwede kaming humiling sa mga tala, Na sana, magkakaroon ako ng pangalawang buhay. Na sana sa pangalawang buhay na 'yun ay malaya kong mamahalin si Yumi.

"Ano ang iniisip mo?" tanong ni Yumi.

"Iniisip ko kung ano kaya kung bibigyan ako ng pangalawang buhay," saad ko, "ipagtatagpo pa rin kaya tayo?"

"Hanapin mo ako kung mangyari 'yun," saad niya.

"Paano kung ayaw mo sa akin?" tanong ko.

"Malalaman ng puso ko na ikaw 'yun," sagot niya, "dahil kilala ka ng puso ko."

Bumuntong hininga siya saka muling tumingin sa mga tala, "paano kung ikaw ang hindi makakakilala sa akin?"

"Tulad ng sabi mo, kilala ng mga puso natin ang isa't isa," sagot ko.

We sealed our lips with our imaginary kiss. Sana dumating ang araw na hindi na namin kailangang lokohin ang mga sarili namin para lang maramdaman ang isa't isa. Sana dumating ang araw na totoo ko na siyang mahalikan, mayakap at makapiling.

Status: In a Relationship with a GhostWhere stories live. Discover now