Tumaas ang sulok ng labi niya. "Oh yeah?"

Napapadyak na ako sa inis. "Bakit ba kasi?"

"I heard your ex was at the Christmas party the other night."

Inirapan ko lang siya at umiwas ng tingin. "And so?"

"Sayang hindi ako naka-attend." Marami kasi siyang trabaho na kailangan tapusin kaya hindi na siya nakapunta. "Hindi ko tuloy na-witness yung moment niyong dalawa."

"Wala po kaming 'moment' na dalawa!" That was a lie. We had a moment. At least for me, what happened at the garden was a 'moment' for me. 

Umayos siya ng upo at nangalumbaba. "So? Which one was your line; sa wakas hindi na kasing sakit ng dati o mahal, masakit pa?"

I sighed, and leaned against my swivel chair and looked at him. "Mahal masakit pa," I answered with a bitter smile.

Umayos siya ng upo. "Wanna drink?"



"Bakit bigla mo naman naisipan na magyaya sa Golden Village?" I asked Jill while I was looking out the window.

She just shrugged her shoulders. "Wala lang. Nainip ako sa bahay eh. Saka next month babalik na ako sa US. Kinukulit na ako ni Mike. So I want to spend as much time as I can with you and Raigne."

Bigla akong nalungkot sa narinig. "Bakit ba kasi nagmamadali si Mike na pabalikin ka sa US," I said with a sigh. Bumaling ako sa kanya. "I'm gonna miss you."

She gave me a smile. "Ditto."

Bigla ko tuloy na-miss yung college days namin. Yung panahon na lagi kaming magkakasama. After graduation, naging madalang na ang pagkikita-kita namin dahil sa maraming rason. Isa na doon ang mga personal na buhay namin. 

Sa covered court na kami pinadiretso ni Raigne at doon na lang daw niya kami hihintayin. Sa labas pa lang ay dinig na namin ang hiyawan. Pagpasok namin ay sinalubong agad kami ni Raigne kasama ang panganay niyang si Ryder.

"Anong meron?" Jill asked.

"The guys are playing basketball."

Ang kaagad kong pinagtuunan ng pansin ay ang anak ni Raigne. "Ang pogi talaga ng inaanak namin."

Jill smirked. "Paglaki niyan, marami din papaiyakin na chicks."

Tumawa lang si Raigne at iginaya kami sa mga kasama niyang nanonood din. We had some of them before. 

"Gusto niyong pumusta?" Tam asked.

I had always liked her personality. She's so bubbly. Tumatawang umiling lang ako. 

"Sinong team ba ang magaling?" Jill asked.

"Well, it's hard to tell," said Missy, Zeck's wife. "My husband's team has Vash who we all know is good at cheating. But then the other team has the ace player. Dylan."

Bigla akong natigilan sa narinig. Doon ko pa lang nilingon ang mga naglalaro. There he was dribbling the ball while looking at me. Wala sa sariling napakapit ako sa braso ni Jill na ikinatingin ng huli sa akin.

Napapailing na hinila niya ako paupo sa bench. I almost screamed in delight when Dylan was able to shoot from the three point line. If it had not for Jill who held my arm, I would've exactly done that. Nagtatakang tumingin ako sa kanya. 

"Alam ko ang epekto ni Dylan sa'yo kapag naglalaro siya ng basketball."

My face heat up in embarrassment. 

"Ang daya naman kasi nasa team niyo si Dylan," reklamo ni Vash pagkatapos nilang matalo sa basketball. 

Inakbayan siya ni Inaki. "Don't be a sore loser, brother." Tinapik pa niya ito sa balikat bago nilapitan ang mag-ina niya.

"Give me five, buddy," he told his son.

Tuwang-tuwang nakipag- high five naman sa ama si Ryder. On the other hand, Raigne wiped Inaki's face. They looked so perfect. Who would've thought she'd get her happy ever after with the guy who caused her so much heartache? 

Masaya ako para sa kanya though, I must admit naiinggit ako. Kung gaano kaayos ang relasyon namin ni Dylan noon, ganoon naman kagulo ang sa kanila ni Inaki. But look at them now. Happy and married with kids.

A familiar chuckle caught my attention. Ito yung tao na inakala ko siya yung magbibigay sa akin ng happy ever after ko. Pero hindi pala. Nakaramdam ako ng pinong kurot sa dibdib ko. 

Natigilan ako ng bigla siyang bumaling sa akin. Sa gulat ay hindi ko na nakuhang umiwas ng tingin sa kanya. Napalunok ako sa seryosong tingin na ibinibigay niya sa akin. 

Then, slowly, the smile I missed so much appeared. Bakit ganon? Isang ngiti lang niya, nagliwanag na ulit ang mundo ko. I swallowed hard and looked away. 

"I saw that," Jill said as turned to me.

"Huh?"

"The look and the smile." 

"Wala yon."

Her forehead creased. "Right." Tumingin pa siya sa gawi ni Dylan. "He's still staring at you though. I wonder why.."



After the game ay nagkayayaan na sa bahay nina Raigne. The other guys who played basketball went home to take a shower. Ang mga babae ay sumama na sa amin para tumulong na maghanda. They decided to have a barbecue party. 

Habang naghahanda kami ay hindi ako mapakali. Tuwing bubukas ang pinto ay kumakabog ang dibdib ko. 

"Ang tagal naman ng mga lalaking iyon. Daig pa ang mga babae sa kaartehan. Buti na lang hindi ganon ang shin ko," Tam said as she hugged her husband's arm. 

Nagpunta muna ako sa kitchen para gumawa ng juice. Naglalagay ako ng ice ay may may naramdaman akong lumapit sa akin. Kumalat pa ang mabangong amoy. Nice smell. Ano kayang body wash ang gamit niya?

"Orange juice yung tinimplahan ko. May ibang flavor ba kayo na gusto?" I asked, thinking it was just one of the girls.

"Need help?"

Napahinto ako sa pag-hahalo. Bigla ay hindi ko na alam ang gagawin. I felt like I was frozen, unable to move. Lalong bumilis ang tibok ng puso ko ng lumapit siya at huminto sa tabi ko. He was so close..

"Uhm, hindi na. I can manage."

Sa pagmamadali kong makalayo sa kanya ay kaagad ko ng binitbit ang tray. Pero trip yata ng tadhana na paglaruan ako dahil sabay pa kami ni Dylan na binitbit ang tray. Napalunok ako ng ma-realize ko na ang kamay niya ang nahawakan ko. 

Nakakatawa pero parang eksena lang sa pelikula na nagtama ang mga mata namin. Neither of us was unable to utter any words. Silence enveloped us completely. Alam mo yung feeling na alam mo naman na katangahan pero hindi mo maiwasang umasa na sana ikaw pa rin yung mahal nung taong hindi mo makalimutan. 

Habang nagtititigan kami ay bumalik sa akin ang lahat. Back when the time everything was still rainbow for us. For one crazy moment, I thought I saw how he used to look at me back when he was still in love with me. And for one crazy moment, I wanted to believe that he still loved me. 

But every magical moment has an ending..

"Sandy."

Si Jill. Nameywang pa siya habang palipat-lipat ang tingin sa amin ni Dylan. I cleared my throat and let go right away. 

"Bakit?" 

"Your boyfriend is looking for you." My forehead creased. "Si DJ."

The Ruthless GameWhere stories live. Discover now