Prologue

10 2 1
                                    

Chloe's POV

"Aray ko! Bulag ka ba?! Kita mo't dumadaan ako diba?!" Napatingin ako sa kung sino man ang sumigaw sakin. Tumatakas ako sa kapatid ng papa ko,hindi ko na kaya ang mga ginagawa nya. Mula sa mababaw na bagay pinapalaki nya.

"Hindi ka man lang luluhod at hihingi ng tawad?! Ang kapal talaga ng mukha mo!" Bigla nya akong sinampal at binuhusan ng juice na hawak nya. Putang gala yung charger ko nabasa!

"Ano bang problema mo?!"giit ko

"Ikaw 'tong nang bangga sakin tapos tatarayan mo ako?!" Tumaas ang isa nyang kilay na parang drawing lang

"Hoy ate gurl ikaw ang unang nanigaw. Baka gusto mong burahin ko 'yang kilay mo?" Aba sobra na 'to ah..

"Ang lakas ng loob mong sagut sagutin ako ha!" Sasampalin nya na sana ako kaso nauna ako eh,sensya na

"Dahil yan sa pag bangga mo saken!" Sigaw ko pagkatapos ko siyang sampalin

Sinampal ko ulit s'ya "Dahil yan sa pagsigaw mo sakin!"

Sinampal ko ulit s'ya "Dahil yan sa pag buhos mo ng juice sakin!"

Sinampal ko ulit s'ya take four na 'to "Para yan sa binasa mong charger ko!"

At sinampal ko ulit s'ya ng pinaka malakas "Para yan sa hindi makatauhang kilos mo!"

"Thank me later. May libreng blush on kana,actually sobrang ganda bumagay sa muka mong patay na".. At syempre nag walk out na ako with matching flips hair pa ako. Ganda ganda kaya ng buhok ko... Dati basta maganda yung buhok ko dati.

Kung minamalas nga naman natapilok pa ako pag katapos kong mag flips hair. Hay nako Ms. Damingkatangahan.. Andami mo talagang katangahan. Bagay na bagay apilido ko sakin eh.

Bumalik na ako sa bahay namin na kulang nalang ay ubusin na ng anay. Ayaw ko ng bumalik sa bahay ng kapatid ni papa. Dun ata nasira buhok ko eh kulang nalang mag kalahi na ako. Ang itim ko na nga tapos kulot pa? Abay pano na ako makakapag asawa nyan kung puro itsura ang tinitingnan diba?

Walang tao sa bahay. Patay na si nanay. Pinatay ng tatay ko,basta mahabang istorya. Next time nalang nakakatamad.

Hinalungkat ko yung bag ko para hanapin yung charger ko dahil lowbat na talaga ang iphone ko na regalo ng first boyfriend kong pumanaw na rin. Lahat ng mahalaga saken nawawala. Malas diba?

Nang isaksak ko yung charger. Putanggg nakuryente ako. Punyemas! Damingkatangahan nalimutan kong nabasa ang charger ko. Nagulat ako ng biglang lumipad ang charger ko.

Inang ina nalipad ba ang charger? Shit!

"Kamusta Chloe? Antanga mo noh?"

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 20, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Ang Charger Kong Mapang RealtalkWhere stories live. Discover now