Is this Love-4

155 7 5
                                    

Gabi na ng matapos mag ayos sina Kathryn sa shop niya. Pinag over time niya nga kasi ang mga tauhan niya para kinabukasan ay makikita ng mga tao ang bagong iooffer ng shop niya. Ang cake for all occassions nila Miles. Bagong pagawa pa niya yung isang side ng glass door ni Kath sa shop niya para paglagyan ng estante ng mga false cake decorations.

Simula nang ioffer ni Miles yun eh agad niyang ipinaayos yun, ipinasadya niya para lang sa mga false cake.

Deep breaths si Kath ng matapos nila iyon. Sa isip niya napakaganda ng bagong ayos ng shop niya. Bukas ilalabas na lang nila yung mga bulaklak na nakaayos na at yung mga lobo. Maganda din ang mga pagkakagawa ng mga iyon kaya kapag ipinarada kinabukasan sa labas ng shop ay siguradong dudumugin ang shop niya.

Nagpaalam na rin ang mga tao niya, sila na lang ni Hyzl ang natira sa shop para magsara. Inaayos ni Kathryn ang bag niya nang mangulit na naman si Hyzl.

"Maam Kathryn, kelan nyo ba sasagutin yung isang masugid nyong manliligaw?"tanong nito with kilig gestures pa.

Napafrown naman si Kathryn.

"Ano bang problema mo sa lovelife ko ha Hyzl!"inis na turan ni Kath iyon

"Eh kasi ho, tumatanda na kayo, aba maam, mahirap maging single."-Hyzl

"Tumatanda? Hoy tigilan mo nga ako, 25 lang ako ah."lalong naningkit ang mga mata ni Kathryn

Napakamot sa ulo si Hyzl, "oh ayan maam oh, yang kilay nyo salubong na naman."sabi pa ng matabil na secretary niya.

Napailing na lang si Kath at kinuha na nya ang bag niya.

"Tara na nga, dami mong satsat."sabi pa ni Kath

"Eh maam kasi, bat ba ayaw mo sa mga manliligaw mo? Anggugwapo naman nila, lalo na si Mr. Knight in Shining Armor."

Napatitig si Kath sa kanya, sa isip nya, kilala ba ni Hyzl si Mr. KISA, kasi ang alam niya never pa nagpapakita sa kanya yung masugid na tagabigay ng bulaklak niya.

Nahulaan naman ni Hyzl ang nasa isip ng maam niya.

"Actually maam, hula ko lang. Kasi ano, di ba mostly ang romantic na tao gwapo."sabi nya

"Hyzl, tandaan mo hindi batayan ng pagsagot sa manliligaw kung ano ang physical na anyo nya, hindi porke gwapo eh go ka na, importante pa rin ang mabuting kalooban."sabi na lang ni Kath at tuluyan ng naglakad palabas ng shop niya na sinundan naman agad ni Hyzl.

*******

Kinabukasan, maagang pumasok si Kath dahil magdadatingan ang bagong angkat niyang mga bulaklak, kelangan niya ding isaayos ang mga yun dahil ang ilan doon ay order pa sa kanya sa mga iba't ibang event sa araw na iyon. Dumating ang mga florist niya kaya iniwan na niya ang mga iyon at pumasok na sa office niya para ayusin naman ang mga pagkakasunod ng mga orders para sa araw na iyon. Lunchtime na ng lumabas sya ng office niya para utusan ang isang tao niya para bumili ng pagkain niya, tinamad na kasi siyang lumabas para kumain.

Nagmamadaling Daniel naman ang makikita ngayon, pagkatapos kasi ng mall tour nila ay agad syang umexit. Kahit pa gusto pa niyang makipagkulitan sa mga kabandmates niya at sa mga fans na dumalo sa mall tour nila ay hindi niya magawa. Paano ay kanina pa siya tinatawagan ng daddy niya para tulungan siyang asikasuhin yung mga British investors nila na magdadatingan sa tower nila.

Pinaharurot niya ang sasakyan niya, maya't maya din ang tingin niya sa wristwatch niya, ayaw na ayaw niya kasing nadidisappoint ang daddy niya kaya kahit alanganin ay ginagawan pa rin niya ng paraan. Mataas kasi ang respeto niya sa daddy niya.

Napamura sya nang makita nyang may pulubi na naglalakad sa kanyang unahan. Bulag ito kung kaya't napakabagal maglakad. Masasagasaan na niya sana ito, mabuti na lang at agad niyang nakabig ang manibela pakanan sabay tapak ng brake.

Is this Love?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon