Humahangos papunta sa 'yong silid
Mga dugong pumapatak sa bawat paligid
'Di makagalaw, ni makaraos sa sakit at kitid
Mala halimaw kung sayo'y bumabalakid
Sa bawat paggalaw ay nawawasak
Nang lasong punyal sa tagilira'y naka saksak
Pawang mga demonyong humalakhak
Minamasdan ang 'yong sariling humahalagpak sa kamay ng isang tyanak
Bawat dugong dumadanak
Pagbaon ng punyal, kutsilyo't itak
Patalim na bumabaon tungong utak
Mga balang sa puso'y tumatagos, tumatatak
Munting paang sa pako'y naka baon
Sa dibdib na tumutusok, 'di maka ahon
Mayroon kang nakikitang maliit na bolang pula sa munting kahon
Tila waring ika'y nagulat at isang mata mo pala iyon
Namimilipit sa sakit at wari'y 'di mapakali
Ngunit napangiti pa't tuluyan ng nawala sa sarili
May mga katagang sinasambit na 'di mawari
Ito pala ang langit na kanilang sinasabi
Sa mga kadena'y napakapit
Ulo'y tuluyan ng sumabit
Ang mata'y agad din namang pumikit
Maligayang pagdating sa Itim na Langit Aking sayo'y sinambit
