Nilagay ang mga kamay sa likod ng aking ulo
Napabuntong-hininga at nakuntento
Pinanood ang paggalaw ng mga ulap
Dinama ang lambot ng ulap sa aking likodSumilip at tumingin sa ibaba
Kitang-kita ang pagsunod ng tubig sa hangin
Mga isdang nagtatalunan
Ibong kay dami na patungo sa timogPaglingat sa aking kanan, natagpuan ang kanyang mapanuring mga mata
Naningkit ito at binasa ang aking ekspresyon
Bumuntong-hininga na lamang at hinaplos ang aking maiksing buhok
Napalabi na lamang at napangiti sa kanyang haplosHinawakan ang kanyang mga kamay at hinalikan ang palad
Isang munting luha kumawala sa kanyang mata
Hinagkan ako na parang ako'y di na makahinga sa higpit nito
Na parang ito'y aming huling pagkikita, ngunit ito na palaAng mga iba't ibang kulay sa kalangitan ay tinitigan
Kasama ang taong tunay mong pinahahalagahan
Napabuntong-hininga muli at nakuntento
At ang paglubog ng araw ay aking ikinaluhaIsa-isang nagsilabasan ang mga maliliit na bituin
Wala na ang maliwanag na kalangitan at mga ibon
Di na kita ang paggalaw ng tubig, ngayo'y isang malalim na kadiliman
Sabay ng pagkagat ng dilim ay pagwala niya sa aking tabiAanhin ko ang mga nagkikislapang mga bituin kung siya'y wala saking tabi
Di kakailanganin ang malalambot na ulap, ngunit ang mainit niyang yakap
Walang kwenta ang liwanag kung dala nito sa akin ay kadiliman
Aanhin ko ang mundo kung wala ka naman ditoTumayo ako at sinubukan siyang habulin
Mga luha'y pumapatak sa walang katapusang kadiliman
Siya ang nagsisilbing aking liwanag sa gitna ng kadiliman
Ang aking mahal, ang aking buwan