Chapter One
“Ma-le-late ako, bro. Pakisabi na lang kay boss.”
“Naman, Saab, bilisan mo!”
That’s my one heck of a friend, Quintin.
May gig kami ng mga barkada ko ngayon, unfortunately, hindi pa sila makapagsimula dahil hindi pa dumadating ang prinsesa.
That’s me!
Wala pa ang vocalist, eh. ^-^
Anyway, what’s new? Palagi naman akong late, hindi parin sila sanay?
****
“Hi, guys! It’s been a long time! Kaya, let’s rock n’ roll!”
Hindi ko ‘yon introduction, kay Heinz ‘yon.
First, let’s meet my so called barkada. Mga kababata ko ‘tong mga mokong na ‘to. We used to live on the same subdivision and went on same school.
Our drummer, let’s all meet, Quintin.
Ang pasaway kong best friend. Well, si Quin ang palagi kong kakampi. Siya ata ‘yong long, long, lost twin ko nang nakaraan kong buhay. Lalake po si Quintin at mahilig sa babae. ‘Yon other than that may sayad siya sa ulo.
Our guitarist, Graham.
He’s a little serious. Kumbaga, he’s the royal snob. Hindi kasi palangiti si Grey, hindi dahil may sira ang ngipin niya, perfect set nga ‘yon, eh. He’d been through some tragedy. Pero wag ka, ayon kasi sa survey, siya ang pinakagwapo sa tatlo kong alipin. Mas marami kasi ang babaeng tumitili sakanya.
Our keyboard player, Heinrich.
Ito naman si Mr. Nice Guy. Well, gentleman kasi siya. Stick to one and perfect boyfriend material. Pero may big secret din ‘tong si Heinz. Hindi ko muna ibubulgar, kaya nga secret, eh. >.<
Meet me, Saabrina, the vocalist of the band named, Strawberry Short Cake!
Kung may bandang Spongecola at Sandwich, merong Strawberry Short Cake. Oo, meron na at kami ‘yon. Puro pagkain, eh.
Sino nga bang naka-isip na ipangalan ‘yon sa banda namin?
Ehem! Ehem!
Kami lang naman nung kambal kong si Quintin.
FYI, hindi po kami gumi-gig sa bar. Bawal pa, wala pa ni isa man samin ang eighteen na kaya super bawal pa talaga. Eh, papasukin nga sa bar hindi kami makapasok, maka-gig pa kaya.
Anyway, sinuwerte lang kami ngayon at may gig kami. Kaya natatawa talaga ako nung mag ‘it’s been a long time’ si Heinz. Nung isang taon pa kasi kami huling tumugtog dito sa bahay nina Keizer. Kakilala namin si Keizer, birthday party ni mokong at tinamad na maghanap ng tutugtog sa party niya kaya kami nalang ang kinontak.
At mukhang mag-pe-presyong kaibigan pa ‘to. Baka nga pakainin lang kami, tapos goodbye na.
Naku, tatamaan sakin n’yan si The Fifth.
Si Quintin po ang tinutukoy ko. ‘Yon kasi ang ibig sabihin ng pangalan niya. Ikalima siya sa magkakapatid. Sayang nga at hindi siya ika-anim. Ang magiging pangalan niya sana, Sextus, the sixth.
Nyahahah.
Ang PANGEEEET!!!
Pero lucky for him, ikalima siya at huling anak na. Malas naman nung magiging ika-anim nila kung sakali. Buti nalang hindi na nabuntis si Tita Leila.
****
Hay, salamat natapos din ‘yong party at tama nga ako, presyong kaibigan ang ibinayad ni mokong.
“Ano ba naman ‘to? Tumakas ako kay Tita Phemia, naghabol dito tapos... ito lang? Limang libo! Anak ng Strawberry Short Cake naman, oh,” reklamo ko.
“Okay na yan, kesa naman pinakain lang tayo, noh.” –Quintin
“Wag na nga tayong tumugtog dito ulit.” –Ako
“Nah, annually kaya tayo dito tumutugtog, hindi naman monthly o kaya weekly. Dito na nga lang tayo pwede, eh.” –Heinz
“Next year, pwede na kong tumugtog sa bar, I’m turning eighteen seven months from now.” –Grey
“Ako din, next year mag-e-eighteen na din ako.” –Heinz
“Oo nga pala. Two years pa kami ni Saab, eh. Pa’no yan, malayo-layo pa kami.” –Quin
“Ano ka ba, bro. Hindi naman nila kaya na dalawa lang sila. We’re still a group!” –Ako
Nag-group hug kami, then...
“Sinong astig?!” malakas na tanong ni Quintin.
“Strawberry, Strawberry Short Cake!” chorus namin, sabay talon-talon paikot na parang roller coaster habang naka-group hug.
Okay, I know, I know, baduy talaga ang mga kaibigan ko. Nahahawa lang talaga ako, promise!
YOU ARE READING
unWELL-MATCHED
Teen Fiction"Why you're so afraid to fall, huh? I'll catch you, anyway." Sino bang nagsabi na kapag umamin kang gusto mo siya, kalaunan magugustuhan ka din niya? Dahil hindi 'yon totoo, hindi. Isa 'yong malaking kalokohan.
