"Sino pa nga ba kasi, ate?" umiling si Brent. Aba't.

Hindi na ako kumibo. Buti na lang at sabay na bumaba si mommy at daddy. Nakasimangot si mommy habang mahinahon siyang kinakausap ni daddy.

"I can drive you, Beatrice. Idadaan ko na lang kayo dun bago ako pumunta sa munisipyo," si Daddy at nakasunod na naglalakad kay mommy.

"Mali-late ka pa sa hearing mo," si mommy.

Bumati ako sa kanilang dalawa nang makababa sa hagdan. Nag mano naman si Xander sa kanila.

"Bakit, my?"

"Ang mga kuya mo kasi. Binilinan ko na kagabi na ipapagdrive tayo papunta sa Del Pilar ngayon at susukatan ka na. Kita mo at ayon parehong tulog mantika," si mommy ag dumiretso na sa dining area.

Sumunod na rin ako. Ganon din si Brent at Xander. Wala ang dalawa kong kapatid kaya dun ako umupo sa tabi ni Daddy habang siya ang nasa gitna. Kaharap ko si mommy at nasa tabi niya si Brent. Si xander na lang ang hindi pa nakaka upo. At ang upuan sa tabi ko na lang ang bakante at may nakalapag na plato.

Tinignan siya ni Daddy.

"Xander, doon ka na sa tabi ni Jessica,"

Hindi na ako nagtaka pero hindi ko rin maikaila ang kaba sa akin. Relax, Jessica. Uupo lang siya sa tabi mo dahil doon lamang may bakante. That's just normal.

"I said I can drive you,"

"Hindi nga maaari at mali-late ka," mariing sinabi ni mommy.

When it comes to things like this daddy is always ready to sacrifice everything, matugunan lang ang pangangailangan ni mommy. Mommy appreciates it but she doesn't want to be a burden to daddy's work and profession. Lalo na sa mga ganitong bagay. Hindi marunong si mommy mag drive. Daddy wouldn't let her because he wants to be her personal driver. And that's one thing I want for a guy. Exactly like daddy.

Hindi na ako kumibo. Maliit na bagay lang ito pero pinag aawayan pa nila. Bacon, eggs, fried rice at hotdogs ang niluto ni manang. Inabot ko ang lalagyanan ng fried rice. Xander reach for it too pero nang nakita ang kamay ko ay hindi na itinuloy ang pag kuha. Dahil nauna ako sa kanin, una siyang kumuha sa bacon. At nang matapos ako sa kanin ay inabot ko sa kanya iyon.

Our fingers touched. Mabilis kong inalis ang kamay ko doon. Agh! Too clichè!

Inabot ko ang bacons. Kaso hindi ko maabot nang nakaupo. Tatayo na sana ako para abutin pero kinuha na iyon ni Xander at hinawakan. Itinapat niya iyon plato ko. Mabilis akong kumuha.

Sumulyap ako sa kanya at naroon parin ang ngiti na nakita ko kanina sa sala. Hindi naman niya ako nakita kaya yumuko na ako.

"It won't take that long, Beatrice."

"Sa munisipyo ka pupunta. Nariyan na lang sa tabi iyon at kung ihahatid mo kami ay malalayo ka pa. Sasakay na lang kami sa tricycle,"

Nag patuloy sa pamimilit si daddy kay mommy. Tahimik naman ang pag kain namin tatlo nila Brent at Xander.

"Tita, I could drive you. Kung saan man po 'yun,"

Napataas ako ng tingin kay Xander. Napatigil rin sa pag tatalo si mommy at daddy nang narinig ang pinsan ko.

"Hindi ba nakaka istorbo, Xander?" tanong ni mommy.

Umiling si Xander.

"Hindi, tita. Ala una pa naman po ang pasok ko," aniya at sumulyap sa akin.

"O' sige at sayo na lang kami magpapa drive." si mommy bago uminom sa kape niya.

Agad na nag react si daddy sa sinabi ni mommy.

Road to your Heart: Starting line (Book 1 of Road trilogy)Where stories live. Discover now