I Got TAGGED @@@ 20 FACTS ABOUT ME

278 45 57
                                    

20 Facts about me.

1. I was nomadic during my early years.

I was born in Manila, grew up in Quezon province, moved to Makati City when I was in third-grade, and transferred to Calamba, Laguna when my Mom died. It is in Calamba where my present residence is.

2. I like roller skating during my early childhood.

Ginagawa namin ramp ng mga kalaro ko yung sementadong daan papunta sa mga bahayan sa ibaba ng lugar namin (nasa bandang taas kasi kami)

3. The first movie I ever watched on big screen was "The Grinch".

Sobrang amazed na amazed ako sa movie na yun. The first musical show I ever was "Disney On Ice".

4. I was a big fan of Japan's "Ringgu" (The Ring) and "Ju-On" (The Grudge) [DATI]

Sa katunayan, these were the first disc's I ever bought. In ShopWise Makati.

5. I have an original dream of being a Doctor.

Noong elementary ako, pag may nagtatanong kung ano ang gusto ko maging paglaki ko, lagi kong sinasagot yung "To be a Doctor". Bukod kasi sa yun ang common na sagot eh yun din ang unang pumapasok sa utak ko.

6. I have my first girlfriend at the age of 13.

Matatawag nating "It Started With The Notebook" ang love story namin. Nagsimula kasi lahat nung inassign sya ng adviser namin na mag-check sa mga notebook namin kung nabalutan na namin ito ng green colored paper. Marami kaming memories nun, lalung-lalo na sa "Chicharon", at marami ring "First's". (Baka kung ano'ng iniisip nyo ha? :D)

7. I find four-eyed girls cool

Naaastigan ako sa mga babaeng nakasalamin. While some folks would find them "Manang's", sakin ang dating nila is somewhat genius, at cool. Parang may kakaibang aura embedded sa personality nila.

8. Naniniwala ako sa Destiny.

Naniniwala ako sa tadhana. I strongly believe that everything happens for a reason. For a cause. Lahat nangyayari kahit hindi natin gustuhin. Dahil sa paniniwalang ito, naniniwala ako sa walang kamatayang "Second Chance". Para sa akin, kung hindi man kayo naging masaya ngayon, kung para talaga kayo sa isa't isa, pagtatagpuin pa rin kayo sa dulo. To make you feel this part, I recommend watching the movie "Serendipity"

9. Mahilig akong magbasa since childhood.

I was definitely a Bibliophile kahit nung bata pa ako. Mapa-anthology pa yan o kahit mapa-encyclopedia pa yan o kahit ano. Minsan nga kahit yung mga dyaryong pinangbalot sa pinabibili saking pako at itlog, TINATAKAS ko at binabasa. Mahilig din akong magbasa ng mga pinamimigay door-to-door, especially yung mga religious mag's na binibigay ng mga Jehova's Witnesses.

10. Religion is not a main factor to me.

Tracing its roots and what happened between religions especially during the mid 1500's to the 1900's, Religion has been constantly mixed up with the dirty world of Politics. Therefore, I don't take the thing so big. Para sakin, what's more important is how we show our loyalty and strength to our belief and faith in HIM. We have the one same God, He was just split up by quarreling religions out there.

11. Mahilig akong magresearch.

Say an unusual word or issue and expect me to bring the case in the Web. Minsan nga tinatawag akong "may sariling mundo" dahil sa mga pinagreresearch ko. I researched about Illuminati, about the mysterious Bermuda Triangle, and the mysteries of the Bible.

12. I just accidentally discovered my passion for writing.

Kasalanan ito lahat ng bestfriend ko nung third-year high school ako. May maliit na notebook sya na hindi nya pinapahawakan sa akin. So nacurious ako dahil dun. One time, naiwan nya ito sa ibabaw ng desk nya, kaya I took the opportunity and read what's inside. Mga poems ito, nasa bente ata, dedicated for the same girl. I felt something that time. That feeling brought me in writing my first poem "Shall I?" which I dedicated for a crush classmate. That led me to write more and more until I and my bestfriend got into a friendly competition, of which many thought I won.

13. I was an unfulfilled writer back in high school.

Although nagsimula akong magsulat nung third-year, it was in my last year in high school nang magpursue ako dito. Naging feature writer ako ng English newspaper at I was dubbed as the "Campus Poet". Inaarbor nga kami ng Filipino edition pero mas pinili namin ng best friend ko ang manatili sa English paper. But we felt the consequence of that decision one day. Hindi kami isinama sa magiging delegate ng English paper para sa Press Conference. Nanghinayang kami, lalo na ang adviser ng Filipino newspaper dahil posibleng isang malaking break at exposure na sana namin yun.

14. I put love above everything.

One proof of this was when I was in second-year high school. Kinukuha ako ng Pilot section (top section) pero mas pinili ko ang manatili sa Section B. Nandun kasi ang girlfriend ko nung mga panahong iyon. Kaya naman kung pipiliin kong maging pilot, mapapalayo na ako sa kanya. Magtatalo pa ang class schedule namin. Kaya pinalampas ko ang chance na maging member ng Kumbento, este pilot section.

15. My first story was in script-form.

Noong fourth-year ako high school ako, natripan kong gawan ng adventurous story ang mga classmates ko. Nakasulat ito in a structure with that of a script. Ang naging main plot nito ay treasure-hunting and chasing after a group of villains that revolves around the world. May mga concept ito like Japanese flag sa likod ng Noli Me Tangere.

16. I like history.

Favorite subject ko ang history. Lalo na yung Asian history. Tanda ko pa noong one-time pinasaulo samin ng Teacher namin ang geographical map ng Asya tapos binigyan kami kinabukasan ng blank Asian map kung saan ilalagay namin ang mga pangalan ng bansa sa location nito. I've got a perfect score!

17. I'm into the digital age.

I'm banking much in the technologies. I use several cloud services. Storages. Financial accounts. I'm very inclined into online transactions. I study online. I mine bitcoins - the mainstream digital currency.

18. I support Anonymous and its goals.

Maraming walang alam sa kanila at sa kanilang presensya. Pero they were a menace to those who know little but rants about them as if they know big about the group. Sila ang nagsisilbing cyber army natin sa mga trade attacks at internet disruptions ng ibang bansa satin. They played a bigger part kung bakit idineklarang UNCONSTITUTIONAL ang CYBERCRIME LAW. Walang pulitiko sa likuran nila. They are final bosses of the the Internet

19. I like making inter-nations ties and friendships.

Mahilig akong makipagkaibigan sa mga foreigner. May mga close friends ako from abroad at lagi kong nakakachat. I want to know about other cultures and tradtions, what and how it feels like living there in their countries. I also had a relationship with someone from Thailand. That relationship lasted 8 months.

20. (FOR SURE WALANG MANINIWALA DITO.. PERO..)

Naka-text ko dati si Sandara Park via Smart Buddy's BUDDY CHAT. Isang mobile service na friend-match-finding at isa nga sa mga binigay nila sa akin ay ang username na sandara143. I verified that it was really Sandara I'm texting with because her first text on me was "Are you also in Showbiz?"

A.B. Poetry Major In Haikulogy (EXTENDED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon