Naghuhugas ako ng pinggan. Tapos inutusan pa ko ni mama na linisin ang buong bahay. Inutusan naman ni mama si kuya Deib na mag-igib ng tubig pero imbes na magtrabaho ay nakaupo lang ito sa sofa at nagsicellphone.
"Kuya naman. Mag-igib ka na kasi wala ng tubig ang cr wala pa naman tayong gripo."
"Maya na..." kagat labi siyang tumawa tawa.
"ano bang nangyari sayo?"
"Katext ko ang Ate Maxpein mo."
Ako na lang ang gumawa ng trabahong dapat sa kanya dahil pagdating sa girlfriend niya di na ginagawa ang inuotos sa kanya.