I Like You, You Like Her

910 22 2
                                        

PROLOGUE

"Hey. I know you're a dumb person pero I'm sure alam mo na naman kung ano ang meaning ng love noh?" panimula ko habang patagong nilalaro ang kamay ko.

Hindi pa ko naging ganito kanerbyos sa harap ng bwisit na tao sa buhay ko maliban lang ngayon. I can't even look at her! Ugh!

"Spill it. Anong gusto mong sabihin?" kalmado lang niyang sabi kaya napairap ako.

Bwiset ka! Porket... ugh! Nevermind!

"Just listen to me you dumb. Wag mo kong pag iisipan ng kung anu ano kapag sinabi ko sayo to. Dahil kung hindi, malalagot ka sakin." sabi ko naman.

"Okay. Para namang may magagawa pa ko." sabi niya lang. Umayos ito ng upo at humarap sakin.

Gosh! Baket ang lapit niya?!

Pinikit ko ang mata ko at sinampal siya.

"WHAT THE FVCK BAE JOOHYUN?!" sigaw nito at napatayo pa. Hawak hawak pa niya ang namumula niyang pisngi.

ANONG GINAWA KO?!

"Stop leaning on me. Yo-you're too closed.." sabi ko at umiwas ng tingin. Feeling ko tuloy ang pula pula na ng mukha ko. Tanginaaaa!

Bakit kasi sayo pa ko nafall?

"Aish. Sabihin mo nalang ang gusto mong sabihin." sabi niya at naupo na din. "Ang sakit nun ah.." bulong nito habang hinahaplos ang pisngi niya.

Okay putangina bahala na! Bahala na kung anong mangyayare.

"I'm inlove." sabi ko kaya unti unti siyang napatingin sakin.

Nagulat ako ng ngitian niya ko at sinimulang guluhin ang buhok ko.

"I'm happy for you. So, who's the lucky or should I say, misfortune one?" nang aasar nitong sabi kaya sinamaan ko siya ng tingin.

"Gusto mong mamula yang kabila mong pisngi?" banta ko kaya napatigil siya.

"Nagbibiro lang Joohyun."

Joohyun

Patago lang akong napangiti ng banggitin niya ang first name ko. Kinilig ako puta.

"Sino nga? Kanino? Kelangan muna niyang dumaan sakin bago maging kayo." sabi niya pa at ngumiti.

Napangiti lang din ako pero this time, its a fake smile.

"Dumaan my ass." sabi ko lang at napayuko.

The truth is...

"Irene!" rinig kong tawag sakin ni Wendy kaya naiangat ko ang tingin ko.

"Fvck she's here..." tarantang bulong ni Seulgi at umayos ng upo. Hindi pa nga siya mapakali sa upuan niya.

Ouch. Kung kelan naman handa na ko...

"Pakopya assignment sa Stats. Nalilito ako sa mean at summation e." sabi ni Wendy at nilahad ang kamay niya.

"Wala akong sagot." sabi ko at tinabig ang kamay niya.

"Here. Y-you can use my notebook." rinig kong sabi ni Seulgi at inabot yung notebook niya.

"Kelan ka pa natutong magnotes, dumb?" sabi ko kay Seulgi.

"Shut up, midget." bulong niya at tumingin ulit kay Wendy. Ngumiti din ito ng pagkalawak lawak. At mukha na naman siyang tanga.

Midget huh?

"Thank you!" masayang sabi ni Wendy at kinuha yung notebook ni Wendy. "Di bale, lilibre kita mamayang lunch. Thank you ulit!" sabi pa nito at bumalik na sa upuan niya.

"Did you see that? Fvck! Ang ganda niya.." halos naglalaway nang sabi ni Seulgi at niyakap ang kamay niya.

Napabuntong hininga nalang ako.

You dumb. I like you but you like her. What should I do?

----

#ILYYLHPrologue

I Like You, You Like Her || seulrene ffStories to obsess over. Discover now