Dearielle's POV
Malalim na ang gabi nang naisipan naming magpipinsan na kumain sa Aling Inazal.
Kasalukuyang tapos nang kumain sina Raine at Gabriel subalit kaming dalawa naman ni Saki at Pearl ay hindi pa tapos.
Nang matapos nang kumain sa Saki ay tumayo na siya sa kanyang kinauupuan at dumeretso na sa sink upang maghugas ng kamay.
Malapit na din akong matapos kaya mag-isang matitira na lang, si Pearl.
Ang takaw talaga hayst.
"Okay ka lang ba diyan Pearl? I'm pretty sure you're already full right now." pabiro kong sabi sa kanya kaya naman napatingin siya sa akin ng masama.
"Shut up Rielle. Ang tagal kaya nating namasyal dito! Gutom ako, okay?" iritang sabi niya. Tumawa kaming lahat at nakabalik na din si Sakura.
"So, what did I miss?" She said, going back to her seat.
"Nothing much." Gab replied to her and continued playing games on her phone.
Minsan lang kami ng aking mga pinsan magkasama-sama ng ganito, halos ngayon nalang ulit kami nakabonding ng ganito.
To be honest, I missed those old days. Where me and my cousins would always hang out, getting closer each day. Sobrang nakaka-miss talaga.
"Well, tapos na ako. Ikaw Pearl? Kailan ka matatapos diyan? After one hundred years ba?" Sabi ko ulit.
Kahit alam kong madaling mainis si Pearl ay pinagpatuloy ko pa rin ang pang aasar sa kanya.
"Tumahimik ka nga. 'Wag mo nga ako dinidistorbo" inis na inis niyang sabi sa akin.
Wala kaming ibang ginawa kundi pagtripan ng pagtripan si Pearl hanggang sa matapos itong kumain.
At last, natapos na siya.
"You know what? Nawalan na ko ng gana." nakasimangot niyang sabi sa amin, habang linalayo ang kanyang platong wala ng laman.
Sus nawalan na daw ng gana pero ubos yung laman ng plato.
"Hey guys, maghugas na kayo ng kamay, may puputahan pa tayo" Sabi ni Sakura habang inaayos ang kanyang shoulder bag.
Sabay kaming pumunta ni Pearl sa sink dahil kaming dalawa na lamang ang hindi pa naghuhugas ng kamay, hindi pa rin ako nito pinapansin dahil sa pang aasar na ginawa namin kanina hanggang sa pagbalik sa table namin.
"Hoy bati na tayo please" pangungulit ko pa rin sa kanya. Kanina pa kasi niya akong hindi pinapansin.
"Oo, sige na basta--"
"Yehey!" sigaw ko at hindi na pinatapos ang sasabihin niya dahilan para samaan niya ulit ako ng tingin. Agad naman akong nag peace sign.
"Bati na tayo, basta ililibre mo ako ng Donut sa Funkin Donuts" She said with a devilish smirk. I looked at her.
"Hoy teh! ubos na pera ko, iba nalang, please" nagmamakaawa kong sabi sakanya.
Imbes na sagutin ako ay tinaasan lamang niya ako ng kilay and I sighed in defeat.
"Ako din, Rielle!" sabi naman ni Saki.
"Hoy hoy ano yan? wag niyo naman kaming kakalimutan" sabi naman ni Gab at itinago na ang phone na pinaglalaruan niya kanina.
"Saki ako din please" mahinang sabi ni Raine dahilan para mapatingin ako sa kanya. Hindi talaga kasi ito palaimik kaya nagtaka ako.
I looked at them and took out my wallet.
