BUS (one shot)

124 5 3
                                        

Kasalukuyan akong naka sakay ngayon sa bus, nasa kabilang bayan pa kasi ang University na pinapasukan ko at nangugupahan lang din ako don.

Nakaupo ako palapit sa bintana nang may biglang umupo sa tabi ko. Lumingon ako at isang lalaking nakayuko ang aking nasilayan habang may headphone sa kanyang tenga.

Hindi ko lang pinansin at tumingin lang uli ako sa magandang tanawin na nakikita ko sa bintana. nag eenjoy na ako don, ang makita ang ganda nang ating likas na yaman.

May biglang kumalabit sakin.

Yung konduktor pala hinihingi ang pasahe ko. Agad ko namang hinanap ang wallet ko sa bag pero hindi ko yun makita.

hanap-hanap-hanap-hanap

kalkal-kalkal-kalkal

kulang nalang eh ilabas ko yung boung laman ng bag ko para mahanap ko yung wallet ko.

Napakunot noo habang sabi niya "ano miss, magbabayad kaba o hindi ?"-konduktor

Hindi ko alam ang gagawin ko kasi hindi ko nga mahanap an=g wallet ko.

"k-aasi po--" nagulat ako nang may inabot na pera ang katabi ko.

"Pamasahe po naming dalawa" habang nakatunggo paring sabi niya. Ni hindi man lang niya ako tiningnan.

Pagkatapos kunin ng konduktor ang pera ay umalis na ito at sa  ibang pasahero naman tumungo.

"S-alamat nga pala at ikaw ang nagbayad ng pamasahe ko. Babayaran nalang kita pag nagkita tayo muli" medyo nauutal kong sabi, nahihiya kasi ako kasi ang tanga ko naiwan ko pa yung wallet ko sa bahay. Mabuti nalang at mabait tung katabi ko.

"Okay lang, wag mo nang alalahanin at wag ka na rin mag abala pang magbayad" sabi niya habang naka ngiti.

Naaninag ko yung mukha niya, Ang gwapo niya pala, mas gumagwapo kasi naka ngiti siyang naka harap sa akin. Iisa lang kaya ang destinasyon namin?

Isang oras na ang nakalipas ay ni isa sa amin ay walang nag sasalita. Busy siya sa pakikinig ng music habang ako ay naka tunggo lang sa bintana.

Huminto ang bus na sinasakyan namin, Nasa kalapit bayan na kasi kami at may ibang sasakay rin dito papuntang kabilang bayan.

Umaasa rin akong hindi siya baba dito kasi pag hindi, ay iisa lang ang lugar na pupuntahan namin.

Pagkatapos ng 15 minutes ay nag umpisa nang umandar ang sinasakyan namin. Ang ibig sabihin ay iisa lang kami ng pupuntahan.

"Taga ****** ka ba ?" ako na ang bumasag ng katahimikan, mag iisang oras na kasing walang nagsasalita sa amin. Ayoko pa namang tahimik.

"Hindi, nag-aaral lang ako don at nangungupahan rin" wow ! parehas pala kami, baka schoolmate ko to.

"San ka pala nag-aaral ? if you don't mind" ang dami kong tanong, hindi kaya mainis to sa pagiging matanong ko. Wag naman sana x)

"Sa ******* University" Teehee! schoolmate ko nga. Uwaah :3  ang saya ko, anong kayang course niya ? kasi may chansang magkikita pa kami ulit.

"Talaga! ang galing schoolmate pala tayo." nginitian niya ako. OH MY ! ang gwapo niya talaga.

Nagkwentuhan pa kami ng mga bagay- bagay at nalaman ko na second year civil engineering pala siya habang ako ay second year medical technology. Kaya pala hindi ko siya nakikita kasi ang layo ng department namin sa isa't-isa.

Pagkababa ko ng bus ay nagdadalawang isip ako kung sasakay ba ako ng trike kasi wala nga akong dalang pera kasi naiwan ko yung wallet ko.

"O, ano sabay na tayo sa trike. Libre na kita kasi alam kong wala kang dalang pera para kasing naiwan mo ata wallet mo." sabi niya habang naka ngiti.

BUS (one shot)Where stories live. Discover now