PROLOGUE

38 1 0
                                    

"....Mamahalin kita hanggang sa dulo," sabay na sambit ni Julie at Elmo matapos basahin ang kanilang mga vows na sasabihin sa kasal. Bukas ang nakatakdang petsa ng okasyong kaya kinakabahan sila sa magaganap. 

"O, anak. Tama na iyan. Matulog kana. Baka mapuyat ka n'yan," pagpapaalala ng kanyang ina kay Julie. Ibinaba nito ang dala-dalang gatas sa mesa ni Julie at nilapitan si Julie na nakaupo sa kanyang kama. Hinaplos nito ang buhok ng dalaga habang kinakausap. "Kaya mo 'yan." Nginitian niya ang anak.

"Ma, kinakabahan akong magkamali bukas," sabi ni Julie sa ina na ngayo'y nakaupo na sa kanyang tabi. "Kailangan ko ba talagang gawin ito Ma?"May lungkot sa kanyang tono.

"Ito ang makabubuti sa'yo anak," Gusto niyang sabihin na hindi niya ito gusto. Na hindi siya masaya sa kasal na ito pero kahit kailan ay hindi niya magawang mag-ipon ng lakas ng loob para suwayin ang mga magulang. Kaya wala siyang ibang magawa kundi ang pumayag.

"Sana nga, Ma. Sana nga." Tumayo na si Julie para kunin ang isang baso ng gatas sa mesa. Nanatiling tahimik si Julie habang inuubos ang kanyang iniinom. Pinagmamasdan lamang siya ng kanyang ina. Nang matapos siya ay kinuha na nito ang baso at lumabas ng pinto. Ngunit bago pa man nito isara ang pinto, nag-iwan muna siya ng isang mensahe kay Julie.

"Huwag mo sanang kalimutan ang mga ginawa namin para sa'yo." Tuluyan nang bumagsak ang mga luhang kanina pa niya pinipigil. Ayaw niyang magapos sa ganitong sitwasyon. Ngunit huli na ang lahat para sa kanya. Wala ng paraan para lumaya.


            Handang- handa na ang lahat para sa gaganaping kasalan. Nakapwesto na ang mga bisita maging ang groom. Nakapwesto na rin sa iba't ibang lugar ang mga photographer. Talagang ang bride na lamang ang kulang. Sabik na ang lahat na magsimula ngunit natigil ang kanilang kasiyahan nang dumating ang bridesmaid. Agad itong lumapit sa mga magulang ng bride. Kapansin-pansin ang pagbago ng ekspresyon na mga ito na animo'y nababahala kaya nilapitan sila ni Elmo.

"Ano pong nangyari, Tita?" tanong ni Elmo sa ginang. Nanlulumong binigay nito ang hawak na sulat kay Elmo. Galing ito sa bride.

"Elmo, Sorry sa ginawa kong pag-iwan sa'yo. Napakabait mong tao at hindi mo deserve ang ganitong pangyayari. Pero hindi ko na kaya Elmo. Pagod na akong laging sumunod kina Daddy. Hindi na ako masaya. Don't blame yourself for this. Hindi mo ito kasalanan. Thank you for always giving the care and love I don't deserve. Mahanap mo sana ang taong mas deserve makatanggap nun." 

"Ano ito Tito?!" singhal ni Elmo sa mga magulang ng dalaga. Hindi pa siya makapaniwala na iiwan siya ng kanyang bride sa mismong kasal nila.

"Elmo, sorry. Hindi namin alam na kayang magawa ito ng aking anak." paghingi ng tawad ng ama ng bride.

Nilamukos niya ang hawak ng papel at dali-daling tumakbo paalis sa simbahan. Sumakay siya sa kanyang motor. Umaasang makikita niya pa ito sa dating condominium.

"Good morning po, Sir Elmo," bati ng guard sa building ngunit hindi niya iyon napansin dahil nakatuon ang kanyang isip kay kasintahan. Tatakbo-takbo siyang tumungo sa kwarto ng dalaga. Sinubukan niyang buksan ang pinto pero bago na ang password nito. Kaya wala siyang magawa kundi ang kumatok sa pinto.

"Ericaaaaa! Buksan mo itong pinto. Mag-usap tayo!" Patuloy pa rin siya sa pagkatok nang lumabas ang isang matanda sa kabilang kwarto.

"Iho, wala ng tao riyan. Sinundo na ng kasintahan niya," sabi ng matandang babae sa kanya. Natuon ang atensyon niya sa matanda.

"Kasintahan ho?" gulat na tanong niya.

"Oo iho. mukhang nagmamadali nga kanina e."

"Kanina po?"

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 24, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

RunawayWhere stories live. Discover now