Ngiti lang ang sinagot ko saka tumayo pero tila sobra siyang excited dahil mabilis siyang lumabas ng silid at agad na isinarado ang pinto.
'Patay!' mariin akong napapikit saka napakamot sa ulo, 'hindi ko pa pala nasabi kay Yumi na mali ang akala niyang pwede akong dumaan sa pader o saradong pinto. Sino ba naman kasi ang nag-imbento ng kathang isip na magagawa ang mga 'yan ng mga multo. Tsk!'
Dumaan ang ilang minuto at muling bumukas ang pinto.
"Oh? 'Di ba sabi ko sa'yo, sa salas ka muna maghintay?" parang nadismaya siya.
"S-sorry," mahina kong sagot, "ang totoo niyan, may dapat akong aaminin sa'yo."
Hindi siya sumagot na tila hinintay niya kung ano ang sasabihin ko, "ang totoo, hindi talaga ako nakakalagpas o nakakadaan sa pader o pinto. Kailangan ko ng ibang tao upang pagbuksan ako upang makadaan ako."
"So ibig sabihin naghuhubad ako sa harap mo kahit pwede namang palabasin muna kita?!" bahagyang tumaas ang kanyang boses.
"S-sorry na!" napaatras ako, "huwag ka nang magalit. Sige ka, magmumukha kang aswang."
"Hoy manyak na tikbalang! Ba't di mo kaagad sinabi sa akin?" may inis pa rin sa boses niya, "nakakainis ka talaga."
"Hindi mo naman kasi tinatanong sa akin. Saka, ikaw naman 'tong agad-agad na naghuhubad sa harap ko," sagot ko.
Gigil siyang napatadyak sa sahig saka sinabing, "labas! Magbibihis na ako."
"Sorry na aswang, este Yumi," nakayuko akong lumabas ng silid pero napansin kong inirapan lang niya ako.
_____________________________
Tahimik akong nakaupo sa salas nang makita kong bumaba ang pinakamagandang nilalang sa munda. She wore the floral sundress na binili ko sa kanya pero hindi ko inasahang magdadagdag siya ng konting make-up at palamuti sa katawan. Dahil sa sobrang pagkamangha sa kagandahan niya, dahan-dahan akong napatayo habang napanganga ang baba.
Mahiyain siyang ngumiti nang marating niya ang harap ko saka sinabing, "n-nagustohan mo ba?"
"You look very stunning," sagot ko.
Magsasalita pa sana siya pero may dumaang isang boarder sa salas kaya hindi siya natuloy.
"Gamitin mo ang cellphone mo," saad ko.
"Huh?" kunot noong tanong niya na halatang hindi niya naiintindihan kung bakit 'yun ang pinapagawa ko sa kanya.
"Para hindi ka magmumukhang baliw, i-type mo ang mga sasabihin mo sa akin. Babasahin ko 'to saka kita sasagutin," paliwanag ko.
"Aah," tumango siya saka nagsimulang magtype.
"'Yung totoo? Alin ang mas magandang tignan? Ang ayos ko ngayon o 'yung nakikita mong hitsura ko tuwing naghuhubad ako sa harap?" mensaheng tinype niya.
Hindi ko napigilan ang pagtawa pero napatigil ako nang makita ko ang seryoso niyang mukha.
"Maganda ka kahit anong ayos mo," sagot ko, "pero siyempre, ayokong i-date ka na nakahubad ka."
"Sinasabi ko na nga ba! Manyak ka talaga," agad niyang mensahe.
"Nagbibiro lang naman ako," saad ko, "pero totoo ang sinasabi ko. Maganda ka kahit anong ayos mo. Kaya nga na-inlove ako sa'yo eh."
"Na-inlove ka ba sa akin dahil palagi mo akong nakikitang nakahubad?" agad niyang mensahe.
"Siguro," biro ko.
"Manyak!" hindi niya napigilang maisambit.
"Ano sinasabi mo?!" biglang sagot ng lalaking boarder na dumaan sa salas.
Nilingon ko ang boarder at naalala kong isa ito sa mga lalaking nagtangkang silipan si Yumi dati.
"Sabihin mo sa kanya na alam mo na ang modus nilang paninilip," agad kong payo kay Yumi.
Bahagyang nagulat si Yumi pero agad siyang nakabawi at sinabing, "hoy lalaki! Alam ko na ang ginagawa niyong paninilip dito."
Halatang kinabahan ang lalaki saka sinabing, "h-hindi ko ideya 'yun. Napasama lang talaga ako."
Hindi na nagpaliwag ang lalaki dahil mabilis itong umalis ng salas.
"Paano mo nalaman ang tungkol doon?" tanong ni Yumi sa text.
"Sinubukan ka nilang silipan pero gumawa ako ng paraan para hindi nila matuloy ang balak nilang gawin," sagot ko.
"Aba loko ang mga 'yun!" susugod sana si Yumi pero agad akong humarang.
"Yumi, hayaan mo na sila," saad ko, "huwag mong hayaang sirain nila ang date natin."
Agad na napawi ang galit sa mukha ni Yumi saka ngumiti ito. May gusto pa sana akong sasabihin pero tinawag siya ng isa pa nilang boarder dahil daw dumating na ang sasakyang hinihintay niya.
"Tara," yaya ko sa kanya.
Ngiti lang ang sinagot ni Yumi saka sabay kaming lumabas ng bahay. At dahil alam na niyang hindi ako makakadaan sa mga pinto hangga't hindi ito bukas, siya na ang kusang nagbukas ng pinto para sa akin. How I wish I'd be the one to do that for her pero hindi ko mapipilit ang gusto ko. Umaasa na lang ako na sana ma-eenjoy ni Yumi ang first date namin.
*Yumi's POV*
Ang totoo, hindi ako galit sa nalaman kong totoo tungkol sa ano ang kaya at hindi niya kayang gawin. Nahihiya lang talaga ako sa isipang ilang beses akong walang pakialam na naghuhubad sa harap niya. It mattered to me dahil ayokong isipin na katawan ko lang ang nagustohan niya sa akin. But the heck! Ano ba ang magagawa ng isang multo sa akin? It's not like he is capable of raping me, right?
Pumarada ang sasakyan sa harap ng isang magarang hotel. First time ko atang mapasok ang hotel na ito, kilala kasi ang hotel na ito para sa mayaman.
"Ano ang gagawin natin dito?" tanong ko sa kanya sa pamamagitan ng pagtext.
"Dito tayo magde-date," pasimple niyang sagot.
Hindi ko maitago ang excitement sa ngiti ko. Hindi ko pa naranasan ang makipag-date kaya excited ako sa mga mangyayari. Kahit hindi normal ang magiging first date ko, masaya pa rin ako dahil mangyayari ito kasama ang taong mahal ko.
Lumapit kami sa receptionis at nang magpakilala ako, todo ngiti niyang inabot sa akin ang susi ng silid na papasukan namin.
"All set na po ang lahat," saad ng receptionist, "sana mag-enjoy kayo."
Iginiya ako ng receptionist sa elevator. Ang sabi niya, ang mismong penthouse daw ang inarkila para sa akin kaya hindi ko napigilang mapatingin kay Xavier na ngayon ay mukhang natutuwa akong panoorin. I mouthed , "Thank you" to him saka hinintay ang pag-akyat ng elevator patungong destinasyon namin.
YOU ARE READING
Status: In a Relationship with a Ghost
FantasyMagugulantang ang buhay ni YUMI TANJUATCO nang magbalik ang kanyang online boyfriend at magpakita sa kanya. Isang taon matapos ang nangyaring pagkabaril ng kanyang online-never-been-seen boyfriend sa DUMMY WORLD ay nagbalik ito upang himingi sa kany...
Chapter 7
Start from the beginning
