Da brat en da bodyguard

6 1 0
                                    

Eto si Cassandra Sandoval, nag iisang anak ng isa sa pinaka prominenteng business tycoon sa bansa na si Martin Sandoval.

Kilala sa kanilang school dahil sa yaman ng pamilya. Kinaiilagan dahil sa mga koneksyon sa loob at labas ng campus (astig na barkada). Isa din sya sa pinakamagandang estudyante dito.

Namatay sa panganganak ang asawa n Martin pero bago ito nabawian ng buhay ay naipangako nya dito na aalagaan niya ng mabuti ang kanilang anak at palalakihin nya ito ng parang prinsesa, at yon nga ang kanyang ginawa.

Sunod lahat ng luho si Cassey, eto ang tawag nya kay Cassandra. Kompleto sa lahat. Magarang kotse, mamahaling mga gadgets, private maid para sa kanyang personal na pangangailangan at lahat na yata ng hangad ng mga kabataan ay nasa kanya na.

Ngunit nagkamali si. Martin sa pag aakalang ito ang makakabuti sa kanyang anak. Lumaking suwail si Cassey. Nalulong sa barkada, halos gabi gabing nag babar hopping kasama ng mga ito.

Takot ang kanyang naramdaman nang ma realize nya na mali ang kanyang sobrang pag eespoiled kay Cassey. Na akala nya ay ito ang makapagbibigay ng kaligayahan sa kanya. Pero ang labas ay napasama pa ito.

Isang araw ay nakapag decide na si Martin na kailangan nyang protektahan ang kanyang anak sa anumang masamang mangyayari dito sa hinaharap. At kailangan nya na itong mailayo sa mga walang kwentang kaibigan nito. Napag desisyunan nya na ikuha ng personal bodyguard si Cassey at alam nya na kung sino ang karapatdapat na maging bodyguard ni Cassey.

Si Benjo!

Nakilala nya si Benjo isang araw sa harap ng kanilang building, habang papasakay na xa sa kanyang kotse ay may biglang humatak sa kanya at tutukan sya ng balisong sa tagiliran at ng deklara ng "holdup".

Martin : pare hinay hinay lang, baka pwedeng pag usapan muna natin to!

Holdaper : ibigay mo na sa akin lahat ng pera mo at walang masamang mangyayari sayo.

Martin : cge pare iyo na lahat ng pera sa wallet ko.

Aktong kukunin na ni Martin ang kanyang pitaka ng biglang may sumuntok sa holdaper na naging dahilan para sya'y makaalpas sa pagkakahawak nito sa kanya. Nakatingin sya sa isang matangkad at matipunong batang lalaki. Sinipa pa nito ang holpader sabay sigaw ng " hoy magtrabaho kayo di yong ibang tao ang binibiktima nyo"!

Benjo : (hinarap si Martin) okay lang po kayo sir? D po ba kayo na saktan? Lokong tao yun ah"

Martin: (nakangiti sabay abot sa kamay ni Benjo para makapag bigay pugay) maraming salamat sa'yo. kung di ka dumating eh baka napahamak na ako" My name is Martin. Anong pangalang mo iho?

Benjo: (nakangiti ring inabot ni benjo ang kamay ni Martin) Benjo po at your service sir! Wala pong anuman yon, lahat po siguro ng makakakita sa sitwasyon nyo kanina eh gagawin din ang ginawa kung pag tulong sa inyo!

Martin: (nakangiti pa rin) marami pa ring salamat sa iyo iho. (Sabay dukot sa kanyang pitaka at kumuha ng pera at inoffer ke Benjo.) tanggapin mo ang munti kong pasasalamat sa iyo Benjo

Benjo: ay wag ganyan sir. Yung pag tulong ko eh kusa hindi po sa kung ano pa man. ( medyo kumamot sa ulo) eh kung tatanggapin ko yan eh wala akong pinagkaiba sa lalaking yun pero sa maayos na pamamaraan lamang hahahahah.

Martin: naku! Pasensya ka na ha, pero wag mong masamain ang pag offer ko sayo iho. Gusto ko lang talagang mag pasalamat sayo.

Benjo: (nakangiti at ibinaba ang kamay Martin na merong hawak na pera) ayan sir. Sa dami ng nasabi nyong "salamat" eh bayad na po kayo at baka me sukli pa hahahahahaha!

Natawa na rin si Martin sa tinuran ni Benjo at di na rin sya nag pumilit na ibigay ke Benjo ang pera dahil alam na man din nya na di nito tatanggapin

Martin : o sya, d ko na to ipipilit sa yo, pero kung meron akong maitutulong eh sabihin mo lang. Or i can offer you a job? So what do you think?

Benjo: yan sir!! D ko yan tatanggihan. Mas magandang lahat ng perang iyong makakamtan eh dahil sa pagtyatyaga at pagtatrabaho. Game ako jan sir! (Astig na porma at tawa)

Martin: ok! Just give me your number and ill call you as soon i sort things out! Ok!

Benjo: ok sir! Deal! ( alanganing ngiti at kamot sa ulo dahil sa kanyang pag eengles)

At silay nag kamay tanda ng pamamaalam. Makikita sa mukha ni Benjo ang pag asa na makapag trabaho sa mga Sandoval!

Da brat en da bodyguardWhere stories live. Discover now