Kahit malaki ang binigay sa akin ni Leon Monasterio alam kong mas malaki parin ang bill namin sa hospital. Dalawang linggo na kami doon kaya kapag may biyaya susunggaban ko na agad. Sayang rin naman.

Oo, Leon Monasterio ang pangalan ng lalaking aking unang halik. Ang lalaking nagbigay sa akin ng kaba at paru-paro sa aking tiyan. Ang lalaking pinaka guwapo sa lahat na nakita ko.

Kahit maangas siya at suplado ,iba yung impact niya sa akin. Siguro dahil siya yung unang halik ko?

Nag pa quiz ang aming guro sa Algebra. Nagka-pasahan ng papel for checking. Sa malas ,ang papel ni Karina Santos pa ang napunta sa akin.

Isa isa kaming pinasagot ng guro. Bawat sagot ang siya ring check ko sa papel. Pero ng number fifty na ang last na sasagutan. Walang mali si Karina. Magaling rin pala siya.

"The answer is 68 Ma'am." Sagot ng aming classmate. Tinignan ko ang papel ni Karina at nakita 63 ang sagot. May isa siyang mali.

Nagkatawagan ng pangalan. Sinasabi namin ang scores ng aming na check na papel.

"Batungbakal?!" tanong ni Ma'am Cruz.

"Fifty ma'am." Napatingin ako kay Seth na sumagot. Siya pala nagcheck ng papel ko. Nagpatuloy pa hanggang yung papel na hawak ko na ang tinawag na pangalan.

"Karina Santos?!"

"49 Ma'am." Sagot ko.

"What?!" umingos si Karina sa likod kaya napatingin kaming lahat sa kanya.

"What's the matter Ms. Santos?"

"Ma'am alam kong tama ang aking sagot. Baka pinalitan ng nerd na 'yan!" tinuro nya ako. Narinig ko pa ang halakhak ng iba.

"Ms. Santos , kung tama ang iyong sagot e 'di sana check kana. I reviewed your paper and It's actually wrong. Baka ikaw ang nagkamali Ms. Santos."

Padarag na umupo ulit si Karina at umirap sa akin. Guminhawa ang pakiramdam ko sa pagtatanggol sa akin ni Ma'am Cruz.

Nang maghapon nasa locker ako at pinapasok ang lahat na libro sa aking locker. Kaninang lunch break hindi ako nkapag withdraw dahil gumawa kami ng thesis sa library pagkatapos ng madaliang pagkain sa canteen.

Nang mabuhos ang libro sa loob ng locker sinara ko na iyon. Alas tres ngayon. Pagkatapos kong mag withdraw hahatid ko iyon sa hospital at pupunta sa condo ni ate Celine.

Kinuha ko ang cheque sa bulsa at hinalikan. Kating kati ako na mapera na ito para matuwa si tita Elisa at lola.

"Oy! Ano iyan? Love letter?!"

Napatili ako ng biglang sumulpot si Karina kasama ang dalawa niyang alipores.

"Nagulat kapa e,maganda naman ako. Magulat ka kung mukha mo ang makita mo!" Galit nito sa aking naging reaksyon.

"Nagulat lang ako."

"Bakit hindi mo nilagyan ng check ang number 50 ko kanina?" Dinuro ako nito. "48 yung tamang sagot e'di sana yung 43 ko ginawa mo nang 48!! Konting kembot lang ng ballpen mo doon , 48 na agad 'yun!"

Tumaas ang kilay ko sa kanya. Napatingin sa kilay niya. "Hindi lang pala kilay mo ang peke pate rin pala iyang katalinohan mo. Pusta ako pati ugali mo peke rin." Malamig na sabi ko. Malamig ,kasi wala ako sa oras magpatol sa malabata ang ugali.

Namula ito sa galit. Tiningnan ang hinawakan ko at hinablot iyon. Dahil sa higpit na hawak ko doon at ang mabilisan niyang pag hablot nag buo iyon ng lakas kaya napunit ang cheque.

Ajpng cheque!

Umawang ang labi ko at tila naging slowmotion ang pagbagsak ng piraso nito sa sahig.

"Oops! Sorry!" Sinipa pa nito iyon palayo at hindi ko na nakita kung saan banda dahil nagiging itim na ang aking paningin.

"Walang hiya ka!" Hinablot ko ang buhok niya at isinubsob sa sahig. Narindi ako sa tili ng dalawa niyang alipores.

"Alam mo ba kung ano iyon?!" Nahulog ang aking luha sa panghihinayang at samu't-saring emosyon.

"Cheque iyon!" Iyak ko at sinabunutan pa ito ng matindi. Gusto kong ihiwalay ang ulo niya sa leeg. "Para iyon kay lolo!"

May humablot sa akin bigla at napahiwalay ako kay Karina na nawalan ng malay. Agad na dinaluhan siya ni Seth.

"Anong ginawa mo?!" galit nito sa akin.

Inayos ko ang sarili at pinalis ang luha. "Tanungin mo ang alipores niya.Huwag nalang pala dahil alam kong s-sinungaling rin mga iyan." Tinuro ko ang cctv sa gilid ng dingding ma nakatuon sa amin.

"May CCTV, you can ask about it sa monitor room. Kung gusto niyong marinig may speaker 'yan. Wala akong kasalanan. Tingnan niyo ang ebidensya. Sana m-masaya na siya."

Bago bumagsak ang bagong luha tumalikod na ako at tinignan ang cheque. Unti unting nababasa ng aking luha.

Hindi na ako pumunta sa hospital sa sobrang lungkot ko. Pera na napunit pa. Sayang iyon. Ano nalang sasabihin sa akin ni Leon? Na pinapunit ko lang iyong fifty thousand? Saan na ulit ako makakakita 'nun?

Dumiretso ako sa condo ni Ate Celine at binantayan ang anak nito. Hindi ako nahirapan dahil tulog ito.

Laking pasalamat ko rin ng binigyan ako nito ng tatlong libo. Alas syete na siya nakauwi.

"Salamat ate Celine."

"Salamat rin sa pagbantay. Hiyang saiyo si Arianna. Sa uulitin ha?"

"Syempre naman po."

Alam kong napansin nito ang mugto ko na mata pero alam kong nagpipigil lang na magtanong. Dinibdib ko ang pagkawala ng pera. Sayang na sayang iyon.

Tulala ako ng nasa elevator na. Hindi ko rin napansin ang pagpasok ng isang lalaki ay nanatili akong natulala. Hindi ko na pala namalayan ang pagluha.

"I think you need this." may umabot sa akin na panyo.

Unti unti kong tinignan ang may ari ng kamay. Napakurap kurap at umawang ang labi ng makilala kung sino ito.

"L-Leon?" Nautal kong tanong. Biglang may bumara sa aking lalamunan. Biglang bumugso ang aking nararamdaman at bumilis ang tibok ng aking puso.

"Yes." Naka all black ito. Simpleng V-neck shirt at black na pants.

Binalik ko ang tingin sa kamay niya na may panyo. Hindi ko iyon kinuha imbes ay mabilis akong lumapit sa kanya at yumakap.

Tila nakahanap ako ng kakampi. Umiyak ako ng todo sa dibdib niya. Naramdaman kong yumakap ang kanyang braso sa aking baywang.

"P-Pinunit ni-nila iyong ch-cheque." Pumipiyok ang boses ko dahil sa kakaiyak at binaon pa ang mukha sa dibdib niya. Naramdaman kong hinahaplos nito ang aking buhok.

"Sorry..Sorry..Sorry.." Hingi ko ng patawad dito. Tiningala ko siya at hindi sadyang tumama ang aking labi sa kanyang labi dahil nakayuko pala ito sa akin.

Napapikit ako ng maamoy ang mabango niyang hininga. Napapikit ng maramdaman ang init ng labi niya. Unti unti kong hinubad ang aking salamin sa mata at binagsak sa sahig. Gusto kong maramdaman ang labi niya ulit.

Ginalaw ko ang labi ko sa kanyang labi. Hinawakan ko pa ang panga niya at mas hinalikan pa siya.

Tumigil ng hindi ito magresponde sa halik. Tiningala siya at nakita ang nagbabaga nitong mata sa makamundong pagnanasa.

"S-Sorry-Ah!" Napatili ako ng binaliktad niya ang aming posisyon. Ako na ang nakadikit sa dingding ng elevator. Pinid ako ng kanyang katawan.

Sinibasib niya ng marahas na halik ang aking labi. Nagpaubaya ako at pinikit ang mata. Hinayaang kagatin at dilaan ang aking labi nito. Hinawakan nito ang aking dibdib at bumaba ang halik nito sa aking leeg.

"Bibigyan kita ulit....pangako." Sabi nito gamit ang paos na boses. Mas bumaba pa ang halik nito sa aking dibdib.

Hindi na namalayan ang tagal namin sa loob nun. Namalayan ko nalang na malaya na nitong nalalasapan ang aking dibdib. Dinidilaan at sinisipsip ang korona na iyon at pinaparamdam ang umbok sa pagitan ng kanyang hita sa akin.






Protect What's His (Mafia Series 2) CompletedWhere stories live. Discover now