"Eh, okay." Nagkibit siya ng balikat bago walang pakundangang umupo katapat ko. Napailing na lang ako. Tangina, feeling close pa yata. "May klase ka ba ngayon?"

Hindi ko siya pinansin. Binilisan ko ang pagkain dahil nagsisimula nang uminit ang ulo ko. Hindi naman ako pumayag na tumabi siya pero ang tigas ng mukha. Sino ba 'to? Nakakatangina ng sobra. Close ko ba siya? Hindi naman. Feeling close, pwe. As far as I know wala naman akong naging kaibigan recently, not unless I did it unconsciously.

Siguro dati meron pero mga graduate na sila. Matagal ko na rin namang pinutol ang communication namin. Ganoon naman madalas, eh. Once you graduate, graduate na rin ang friendship. Inunahan ko na para period.

Kahit naaalibadbaran ako dahil sa panonood niya sa bawat kilos ko ay hindi ko na lang iyon inintindi. Nang matapos ako ay kinuha ko ang bag at dinala ko ang pinagkainan at inabot doon sa counter. Nginitian ko lang si Ate Mel, silent thank you ko iyon.

"Balik ka ulit, ah." ani nito, "Nakaka-miss din ang inspection mo."

"Oo naman. Sa'yo malinis, eh." sagot ko.

Tumawa lang ito at tumalikod naman na ako. Naglagay ulit ako ng alcohol and hand sanitizer. Isinukbit ko ang bag sa likuran ko at naglakad.

"Saan na punta mo?" Narinig kong tanong ng babae. Ni hindi ko man lang napansing katabi ko na siya.

Napairap ako. Hindi pa rin ba siya aalis? Ano bang mapapala niya sa akin? Hayop, eh. Hindi ko pinansin itong babae at umalis na lang pero ang lintik ─ sinusundan ako!

Akala ko no'ng una parehas lang kami ng dadaanan pero nagpaikut-ikot na ako at ito pa rin siya! Akala mo instant buntot. Tangina!

Para na akong nag-tour para sa sarili ko ─ may extra nga lang. Kaysa mabanas akong lalo ay hindi ko na lang siya pinapansin. Hindi rin naman ito nagsasalita. Pero nakakairita talagang pagbuntot niya!

Napansin kong may nadagdag na ring building dito, tingin ko hanggang five floors ang meron. Yung mga dating lumang gusali ay mukha na ulit bago. Nag-iba na rin pala ang office ng Dean. Yung iba hindi ko na alam.

"Good morning, Pres!" Huminto yung isang babaeng student para batiin itong bumubuntot sa akin.

Napalingon tuloy ako sa kanya. Nginitian niya iyong student. Ngiting-ngiti naman na umalis 'yong huli. Itong babaeng maganda pero dugyot na ito ang president? As in yung president na may letseng holen sa bunganga at sabog na mic?

Tangina, hindi pa rin talaga marunong bumoto mga estudyante ngayon. Baka mukha lang ginamit nito.

She looked at me and raised a brow. She smirked. Kumunot ang noo ko. May problema yata siya sa...utak niya. Dala siguro ng stress, kung meron man.

"Ano bang problema mo?" hindi ko na naiwasang itanong.

Wala akong pakialam kung siya pala yung president ng Student Council. Pare-parehas lang naman kaming mga nag-aaral dito, may position lang siya.

"What's your name?" sinagot niya ako ng tanong.

Napairap ako. Tae! Wala na bang matinong tao ngayon sa mundo? Kabanas. Parang gusto ko na lang mag-avail ng one way ticket to Mars. Kahit wala nang balikan. Baka doon mas matino pa ang alien kung nag-e-exist man sila.

"Bakit?" tanong ko.

"I want to know." Ngumiti ito ng ubod tamis, kasintamis ng mansanas niyang ew kanina.

"Kapag ba sinabi ko ang pangalan ko, lalayas ka na sa harapan ko?" naiirita kong tanong. Sa totoo lang kating-kati na akong bangasan siya. Kung mapanakit lang akong tao malamang kanina pa ito bumulagta sa daan. Fuck kasi.

Ngumiti siya ulit ng mas matamis pa ─ mas lumawak kasi ito ─ pero wala akong nakuhang sagot. Napabuntong-hininga ako. Tangina nga talaga. Mukhang matigas nga talaga ang bungo. Fine. Sasabihin na!

Bumuntong-hininga ako. "Bianca ─"

"Full name, please." hirit nito.

"Tangina 'yan." Hindi ko na maiwasang mapamura. Tumaas lang ang kilay niya at humagikhik. Inirapan ko siya. "Bianca Heriel Cruz." Pagkumpleto ko sa pangalan ko. "Okay na? Layas na."

"Oh," She hummed while nodding. "I'm Eris Abelardo, fourth year Psychology student. Currently the Student Council President." Pagpapakilala niya sa sarili kahit hindi ko naman hinihiling.

Anong pakialam ko. At anong pakialam ko kung parehas kami ng course!

Parang gusto kong mag-shift bigla kaso sayang, last year na 'to. Journalism at Business Management lang pinakamalapit sa Psychology, sure naman akong baka mag-take ako ng extra subjects kung sakali man. At ayoko namang magpalit dahil lang sa kanya.

Nagulat ako nang bigla na lang siyang naglakad palapit sa akin na ikinaatras ko. Hindi pa ito nahiya at talagang hinila pa niya ako sa braso at hinapit palapit sa kanya. Lintik talaga!

Sinubukan kong hilahin ang braso sa kanya. Ganoon na lang ang kilabot ko nang maramdamang gumapang ang isa niyang kamay sa baywang ko at mas hinapit pa ako to the point na dikit na dikit na kami.

Hindi sinasadyang naamoy ko ang pabango niya. Ang fruity ng amoy. Matamis pero hindi masangsang sa ilong. Her face leaned closer. Amoy apple ang hininga niya. Nahila ko ang manggas ng uniform niya nang ilapit ng babaeng ito ang labi sa tainga ko. Putangina! Ano ba 'to!

"Nice meeting you, girlfriend."

"Tangina?"

_____

Discord (GL) [COMPLETED]Where stories live. Discover now