I know it's not OCD. Wala pa naman akong compulsion na basta na lang gagawa ng kung ano. Gusto ko lang talaga ng malinis at organized. That way, I can assure my safety.

"Malinis pa rin kayo rito, Ate?" tanong ko, "Si Kuya Dan?"

"Siyempre naman." Inabot niya sa akin ang order ko na tinanggap ko rin. "Wala siya ngayon at inaalagaan ang bagong bunso namin. May sakit."

"Nadagdagan ulit?" Napangiwi ako.

"Malakas, eh." Para itong kinikilig na hindi ko maintindihan. Marunong pa rin palang kiligin ang mga matatanda. "Nga palang bata ka, bakit ngayon ka lang ulit nakabalik sa pag-aaral? Kulang-kulang tatlong ka rin yatang nawala?"

"Financial," ang tanging nasagot ko na lang. Nakakaintinding tumango naman ito. Hindi na ako nagpaalam sa pag-alis, dito lang naman din ako kakain. Pero bumalik ulit ako nang may maalala. Nagtataka namang tiningnan ako ni Ate Mel. "Malinis itong kutsara at tinidor ninyo, ah?"

"Bata ka!" Ang lakas ng tawa niya. Hinintay ko pa siyang kumalma. "Malinis 'yan, siyempre."

"Sige, salamat."

"Ipraktis mo na iyang po at opo mo, hane?" Pahabol niya.

"Try ko, Ate." Tumalikod na ako matapos sumagot. Ang hirap naman kasing mag-po at opo.

Nakahanap na ako ng pwesto. Nilinis ko pa muna yung upuan at table bago tuluyang maupo. Baka kasi hindi nalinis. Nilagay ko ang navy blue kong backpack sa katabi kong upuan sa kanan. After kong malagyan ng alcohol ang kamay ay nagsimula na akong kumain.

Maayos na sana. Smooth na sana ang moment ko by myself kung hindi lang ako inistorbo ng babaeng hindi ko kilala ─ ang oras ko. Hindi ko ito pinansin kahit na nasa harapan ko lang ito, baka kasi o-order din siyang tulad ko since nakita niya akong kumakain tapos nainggit siya sa kinakain ko.

She cleared her throat. I sighed and looked at her. I was wondering kung may ubo ba siya kasi may germs iyon. Ang epal naman ng babaeng 'to. Tinitigan ko lang siya. I started to check her out ─ at mukha siyang perfect student. Just like me ─ pero ako, sa mukha lang talaga.

She's wearing her uniform in a very elegant way. Parehas lang naman kami ng suot pero ang formal niya tingnan. Mas lalong umangat ang kaputian niya sa itim na uniporme. Even her hair na abot baywang ay itim at bagsak na bagsak, akala mo sa salon na umuuwi. Mukha siyang malinis.

She's holding an apple, too. I watched her take a bite on it, she took her time tasting the fruit slowly. Napakunot ako ng noo. Malinis ba talaga iyon? Hinugasan niya? Yung kamay niya ba, malinis? Baka kung saan niya lang ito napulot.

"Can I take a sit with you?" tanong niya. Ang hinhin ng boses nito, akala mo santo.

Sinilip ko ang ibang table, wala pa rin namang mga tao. Ibinalik ko ang titig sa kanya at hindi ko maiwasang magtaas ng isang kilay. Ano't gusto niyang makitabi? Abnormal yata. "No."

Bahagyang kumunot ang noo niya pero mabilis iyong naglaho at napalitan ng klase ng ngiti na nakakairita. Tangina. Ano 'yon? Parang naa-amaze pa siya na tumanggi ako.

"Just as I thought, you're different." Kumagat ulit siya sa mansanas niya at iniumang 'yon sa akin. "You want?"

Napangiwi ako at umiling. Nakakadiri. May laway na niya 'yon, at hawak-hawak niya pa! Hindi ba ito marunong ng tamang manners? Mukha nga siyang malinis pero dugyot ang hobby. Maganda pa naman siya.

Halatang mahaba ang pilikmata, brown din ang eye color niya, halata lalo na't nasisinagan ng liwanag. Matangos ang ilong. Mamula-mamula ang labi. Mukhang hindi nagkaka-pimple. Defined jawline. Pero dugyot nga.

Discord [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon