Want

23 4 0
                                    

(Zero)

Ilang araw nang absent si futaba dahil sa nangyari sa kanya. Binisita ko siya noong isang araw pero ang sabi ng magulang niya sa akin na away daw ni futaba na tumanggap nang bisita, kaya hindi ko na sinubukan pang bisitahin ulit siya, dahil masasayang lang ang pagod ko kung hindi ko rin naman siya makikita, diba.

Tinignan ko kaagad ang upuan niya pero wala parin siya. Mukhang absent nanaman siya.

"Morning zero!" Bati sa akin ni mike kaya nag good morning din ako sa kanya.

At saka ako natulog sa akin upuan.

------

(Futaba)

Makakapasok na din ako. Akala ko hindi na nila ako papayagang pumasok dahil sa nangyari sa akin pero sabi nila mag ingat nalang daw ako sa susunod at wag na wag daw akong tumakbo ng tumakbo kung ayaw ko daw ulit iyon mangyari sa akin.

Pagpasok na pagpasok ko sa class room ay sinalubong ako ni kyle ng isang good morning at niyapos niya ako dahil na miss daw niya ako. Agad ko naman nakita si Mike na nakangiti sa akin kaya nginitian ko siya at sunod na tinignan ko ay si zero na nakaubob. Kinabahan ako ng kaunti kaya agad ko siyang nilapitan at inuga uga.

Ng inangat niya ang kanyang katawan ay agad ko siyang niyapos.

"A-akala ko kung ano nang nangyari sayo" sabi ko sa kanya at saka ako bumitaw. Kitang kita sa kanyang mukha ang pagkakagulat.

"Fu-futaba nandiyan ka na pala" sabi niya sa akin kaya nginitian ko siya.

"Wala bang miss din kita futaba man lang diyan ha?!" Pagjojoke ko sa kanya kaya ngumiti siya sa akin. akala ko magagalit siya sa akin pero akalain mo ngumiti siya sa akin. Hala! May nakain ba siya?

"Nalaman ko kay mama na may bumisita daw sa akin noong isang araw. Ikaw ba yun? Sorry kung hindi ako tumatanggap ng bisita ha. Ayoko ko kasi may nakakakita sa akin na nakahiga ako sa loob ng hospital" pagpapaliwanag ko sa kanya.

"Ah... okay lang yun sa akin" sabi niya sa akin.

"Ano yang pinaguusapan ninyo ha?" Biglang epal ni mike.

"Wala!" Sabay pa naming sabi ni zero kay mike kaya tumawa naman kami. Hindi ko alam kung bakit parang may nag bago ata, pero mas gusto ko ang ganito.

--------

(Futaba)

Magkakasabay kaming lima na nakain ngayon. Sino sino? Ako si mike, si lana, si kyle at si zero.

Yup...

Magkakasabay kami....

OMG ang saya.

Napapangiti nalang ako dahil sa nakikita ko.

"Uy! Hindi kaba kakain?" Bigla akong natauhan dahil sa tanong ni zero sa akin.

"Ha? Kumakain ako ah" sabi ko sa kanya at ipinakita ko pa sa kanya ang hawak hawak kong tipay.

"I mean hindi kaba kakain ng kanin" pagpapaliwanag niya sa una niyang tanong.

"Ah.... Hindi busog na ako dito" nakangiting sabi ko sa kanya. Nahagilap ng aking mata na nakatingin sa akin si lana pero hindi ko siya tinignan.

"Payat ka na nga hindi ka pa kakain. Ano ka nagpapapayat ha? Dapat nga si lana yung magpapapayat hindi ikaw" pangaasar ni mike kay lana kaya lahat kami ay tumingin sa kanya.

Hindi naman siya mataba eh katamtaman lang pero hindi ko katulad na payat talaga pero hindi kasing payat ng tingting no. Mag isip nga naman noong nag babasa nito oh! Yung totoo guys hahahhaha djoke lang.

"Nako mike, namumuro ka na sa akin ha!" Sabi niya kay mike na nakaturo ang tinudor niya dito.

Ilang araw na din sila nag aasaran at parang mga pusa't aso kung mag away.

"Uy! Wag nga dito nakain tayo oh! Nakakahiya naman sa pagkain ninyo" biglang epal ni kyle. Buti pa siya ang bait hehehehehhe.

"Oh! Ngamanga ka" Napatingin ako sa kanya dahil sa sinabi niya. Nag taka ako dahil nakatapat sa akin ang kutsara niya na may lamang kanin at ulam.

"A-anong ginagawa mo?" Nag tatakang tanong ko sa kanya.

"Eh ano paba. Sinusubuan ka syempre. Kaya ngumanga ka na oh!" Sabi niya sa akin. Pero parang namula ako dahil sa sinabi niya.

Ginawa ko nalang yung sinabi niya. Ang sarap ng ulam niya, wow ang sarap talaga.

Nagtaka ako dahil sa mga mukha noong tatlo. Seryoso kaylangan nakanganga? Ano gusto ninyo subuan din kayo.

"Uy kyle nag papasubo rin ata yung tatlo oh" sabi ko sa kanya at itinuro yung tatlong mga nakanganga.

"Sabi ko sa inyo eh. Eto ang bilhin ninyong ulam ayaw ninyong makinig kaya yan tuloy inagawan ninyo ako" pagrereklamo ni kyle sa tatlo at saka niya sinubuan si mike pero umiwas ito.

"Ano ba tol! Hindi ako bakla no" Bigla niyang sabi. Anong connection naman noon? Sa pagsubo ni kyle sa kanya?

"Eh bakit ba kayo nakanganga ha?" Nagtatakang tanong niya.

"What the heck seryoso ba kayo? Sino bang hindi mapapanganga sa ginawa ninyo" sabi ni lana sa amin.

"Ha? Ano bang nakakapanganga duon sa ginawa namin?" Nagtatakang tanong ko sa kanya.

"Seryoso, hay nako. Tapos na ako kumain. Bye" sabi niya habang napapailing nalang at saka siya umalis.

"Nako boy! Malabo ka na ata kay futaba. Sige na alis na ako" narinig ko ang pagtawag ni mike sa pangalan ko kaya napatingin ako sa kanya nag taka ako ng bigla nalang siyang umalis.

"Ikaw ba? Aalis ka din ba?" Tanong ko kay zero.

"Pinapalayas mo na ba ako? Hindi pa ako tapos kumain!" Kaylangan bang sumigaw ha?

"Wala naman akong sinasabi eh. Sige na nga ako nalang aalis. Ge bye mamaya ulit" sabi ko sa kanilang dalawa at saka ako umalis.

------

Tapos na ang klase namin pero hindi parin nagigising si zero. Hindi pa ako nauwi dahil sabi niya sa akin kanina na may sasabihin siya sa akin kaya mag hintay daw kami na makaalis na ang lahat ng kaklase namin. Kaya sinunod ko naman siya.

Ilang oras din ang lumipas para maubos ng mga estudyante ang class room namin.

"Ano bang sasabihin mo sa akin? Mahalaga ba yan?" Tanong ko sa kanya.

Kaya inangat niya ang kanyang ulo at ngayon ay nakahalumbaba siya.

"Sorry" Nagtaka ako sa sinabi niya.

"Bakit? Para saan?" Tanong ko sa kanya.

"Masyado akong naging suplado sayo at ako din ata ang may dahilan kung bakit ka umaabsent noong una dahil sa tinulak kita at pangalawa ay yung sinundan mo ako pero nawalan ka ng malay. Sorry kung ang rami ko nang nagawang kasalanan sayo" sabi niya sa akin pero hindi siya nakatingin saakin. Mukhang hindi niya kayang tumingin sa akin.

"Hindi mo kasalanan yun zero wala kang nagawang kasalanan. Alam mo ba na naging masaya ako at nakilala kita. Sorry din sa ginawa ko noon. Yung una nating pagkikita" Nakangiting sabi ko sa kanya kahit hindi siya nakatingin sa akin.

------

Dear diary:

             Naging masaya ako sa mga nangyari nitong mga nakalipas na araw. Sobrang saya lalot na noong kinausap ako ni zero para mag sorry siya kahit na hindi niya iyon kasalanan. Kung alam lang sana niya ang totoo. Yun lang diary♡♡♡♡♡

To be Continue......

ILY To Death (EDITING📌)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon