Chapter 1

11 2 0
                                        

"Kuya! Gising na! Tanghali na!" Ramdam ko ang marahas na pagyugyog sa akin kaya naman naiinis na pikit matang napabangon ako at napakamot ng ulo.

Feeling ko naalog utak ko kaya naman nabingi ata ako at narinig kong 'kuya' tawag sa akin at maikli buhok ko habang kinakamot ko ito.

Pero...

Teka!

Napadilat ako nang mapagtanto ko na wala nga pala akong bunsong kapatid! May kapatid ako pero mas matanda sa akin! At bakit tinawag akong kuya? Bat maikli buhok ko? Parang gupit panlalaki? At bakit parang alambre sa sobrang tigas?

Nilibot ko ang paningin ko sa kwartong kinalalagyan ko. White, gray and black ang kulay ng buong kwarto. Nakasarado ang bintana pero may kurtina itong kulay abo. Napatingin naman ako sa kama. Pinaghalong white and black.

Nasan ba ako? Kaninong kwarto ito?

Bumukas ang pinto at may sumilip na batang babae na nasa edad 7 or 8.

"Ano hinihintay mo dyan? Pasko? Kumilos ka na at tanghali na. Malalate na naman ako!" Mataray nitong sabi. Sasarado na sana niya ang pinto nang pigilan ko siya.

"Teka! Sino ka ba? Nasan ako? At ba-" napahinto ako nang marinig sarili kong boses. Bat ang laki? Bat parang panlalaki?

"Kuya? May sinat ka ba? Anong sino ako? At anong nasan ka? Malamang nasa bahay ka. Tigilan na kasi ang pagkakatol! Nahihibang ka na naman." Sabay sarado ng pinto.

Napatakbo ako sa banyo dito at napatingin sa salamin. Napasigaw ako dahil mukha akong lalaki! Hindi! Lalaki talaga! At ang pagmumukha ni Calle Rex Villajuan ang nakikita ko!

Hawak ko ang dalawang pisngi ko-este pisngi ni Calle nang biglang bumukas ang pinto ng banyo kaya lalo akong napasigaw nang makita ko ang Mama ni Calle.

Kung ako sigaw lang ang kaya, siya naman ay isang matinis na tili kaya naman napahinto ako sa pagsigaw at tinakpan ang tenga. Tumigil siya sa pagtili ng makita na tinakpan ko ang tenga ko--tenga ni Calle!

"Teka lang! Bat din pa ako sumisigaw?" Tanong niya sa sarili. "Pero bakit ka kasi sumisigaw dyan!? Kala ko naman kung napano ka!" Nakatitig lang ako sa Mama ni Calle.

"Kala ko naman kung anong ginagawa mong milagro sa bany--"

"Mrs. Vil-- Mom!" Muntik na ah! I know that milagro thingy na yan noh!

"Nagbibiro lang ako, ano ka ba naman." Sabay hampas sa braso ko--braso ni Calle. Nanlalaki ang mata na napatingin at natulala nalang ako sa Mama ni Calle.

"Hoy! Ano ba nangyayari sayo? Tulala ka diyan? May sinat ka ba?" Kinapa nito ang noo at leeg ko-noo at leeg ni Calle. "Wala naman ah! Hay jusko! Wag ka na nga muna pumasok! Tama nga ata kapatid mo, nahihibang ka na naman. Oh sya! Mauna ko munang ihahatid si Chloe sa school at malalate na yun." Saka ito umalis sa harap ko.

Di ko akalain na ganito pala kaclose si Calle sa Mama niya. May pahampas hampas pang nalalaman eh! Pero ang sakit nun ah! Sarap gantihan eh!

Pero teka! So ano gagawin ko ngayon? Nanlulumong napaupo nalang ako sa tiles ng banyo. Agghhhh! What should I do now!?

Ano ba ginawa ko kagabi? Bat biglang ganito ang nangyari? Me and my friends are just get wasted last night. Huli kong natandaan dahil sa sobrang kalasingan ko ay noong nagbanggaan ang mga baso namin ni Calle.

Pumunta kasi kami sa isang party. Party ng boyfriend ng kaibigan kong si Mandy Gorton at boyfriend niyang si Rhys Cunanan at nag inuman na din para i-celebrate ang pagpasa namin sa Entrance Exam para sa papasukan namin sa Collage.

Ay Oo! Tama! Nandoon noon si Calle! Baka siya may pakana nito! Kailangan ko siyang puntahan! Kailangan ko nang mag ayos! Tutal nasa banyo naman na ako ay maliligo na ako.

EXchangeStories to obsess over. Discover now