Yung taong ayaw na ayaw mong makita.
Yung taong kahit marinig mo lang ang pangalan ay manggagalaiti ka na sa galit.
Yung taong pag nakikita mo ay sirang sira na yung araw mo.
Siya lang naman ang nag-iisang napakapangit sa lahat ng pinakapangit sa mundo ng mga pinakapangit,
si Timothy Landon Marquez.
Ewan ko basta tuwing nakikita o kahit marinig ko lang ang pangalan niya ay kumukulo na dugo ko.
'Kyaaaa sila Timothy andito na!'
'Grabe napakagwapo niya talaga'
'Akin ka nalang Timothy!'
Speaking of the devil, napaikot nalang yung mata ko dahil sa mga sari't saring papuri sa demonyong yan. Bakit ba sila nagkagusto sa isang lalaki i mean baklang saksakan ng pangit.
"Uy, si Timmy umuusok nanaman yung ilong pre." Rinig kong bulong ng napakabait kong kuya, note the sarcasm.
Sinamaan ko lang siya ng tingin and mouthed fuck you, kaya ayun parang tanga tawa ng tawa.
"Babe naman, namimiss mo na agad ako? Eh magkasama lang tayo kagabi ah" at dahil sa sinabi niya ay napatingin ang mga kababaihan sakin na nanlalaki ang mata.
'Magkasama daw sila kagabi'
'Omg ang swerte ni Timmy'
'Slut, mas maganda naman ako sakanya'
At marami pang iba. Dahil sa pagkainis ko ay lumapit ako sakanya at ngumiti, yung ngiting nakakamatay. Napangisi naman siya dahil dun, at dahil mas matangkad siya sakin ay tumingkayad ako at bumulong sakanya.
"Tigil-tigilan mo ko Marquez, hindi ako natutuwa sayo." Inis kong bulong sakanya, nagulat ako dahil may naramdaman akong mainit na dumampi sa tenga ko. "Fuck off Marquez" pagkatapos nun ay sinikmuraan ko siya at halatang nagulat namang ang lahat.
'Owwww'
'Saklap naman niyan'
'Paniguradong detention nanaman siya mamaya'
'Ang cool talaga ni Timmy'
Napangisi naman ako dahil sa narinig ko, well suki na ako sa detention buti nalang at hindi ako natatangga, sa Dean's List dahil nadin sa pagmamay-ari ng pamilya ko ang school na toh.
Tinignan ko yung baklang namimilipit sa sakit "I told you, fuck off" pagkatapos nung scene na yun ay umalis na ako at dumiretso sa garden.
I'm Timmy Eouri Lacerda, and I fuckin' hate that bastard.
