"Nasaan ka na ba, Rowan?" mahinang tanong ko sa aking sarili.

Palinga-linga ako sa bintana para makita ang kaganapan na sa labas. May mga taong nagtataas na ng kamay sabay walk out, mukhang tinamaan sila ng magpipinsan. Lihim ako ngumiti. Sana manalo sila.

May rinig pa akong putukan sa labas ng mismong kubong ito. Naalarma ang mga nagbabantay sa akin. Itinutok na nila ang kanilang mga baril sa pinto, naghahanda sa maaaring paglusob ng mga ito.

Natigilan ako bakit walang pumasok?

"SURPRISE!" boses iyon ni Chance na nasa bintana nakatutok na ang hawak nitong airsoft gun sa mga nagbabantay sa akin. Bago man mapalingon ang mga kalaban sa kanila, ay agad na niyang tinamaan ang mga ito. Walang magawa ang dalawang kalaban kungdi magtaas ng kamay at sumigaw na hit.

Sa huli ay nanalo ang Hochengco sa laro. Lahat ng mga kalaban nila ay natalo na pala nila bago man nila ako tuluyang makuha mula sa mga kalaban.

"Talagang inubos ninyo muna sila?" hindi makapaniwalang tanong ko sa kanila habang umiinom kami ng tubig dito sa parking lot.

"Iyon talaga ang strategy ni Rowan ahia." sagot ni Vander, na naghuhubad ng mga guwantes saka pinaypay nito sa sarili.

Parang mas lalo ako nacurious ang combat movements ng magpipinsan na ito. Akala mo kasi wala silang alam sa mga ganito. Parang katulad din sa mga actions movies na napapanood ko?

"Si Rowan ahia kasi, nakapaglaro na siya sa ibang bansa kaya alam na niya ang mga strategies." wika ni Laisa na kakatapos lang uminom mula sa water jug. "Wala kasi siya kalaro dati sa aming magpipinsan noon pero heto, lahat kami, nagustuhan na namin ang larong ito."

Napangiti ako saka bumaling sa direksyon ni Rowan na kasalukuyan na niyang kausap ang mga pinsan niyang lalaki. Tawanan at kantyawan na bumabalot sa grupong iyon. Napapansin ko din na madalas na akong kinakausap ng mga pinsan niya. May mga pinapatikim sila sa aking pagkain na dala pa daw nila bilang baon sa bonding na ito. Tinatanong na nga nila ako kung kailan daw nila ulit ako makakasama. Sinabi ko nalang na titingnan ko pa dahil sa trabaho ko.

**

Kinabukasan din iyon ay sinundo na ako ni Rowan dito sa apartment. Ngayon na ang uwi ko sa lalawigan namin. Ngayong araw ko din isasama si Rowan papunta doon at haharapin si mama.

Binuksan ko ang pinto at tumambad sa akin si Rowan na naka v-neck shirt at faded jeans. Wala siyang accessories na suot, maliban lang sa nakasabit na aviator sa kaniyang damit saka relo na nasa kaniyang palapulsuhan. Ginawaran niya ako ng malapad na ngiti. "Hey," masuyo niyang bati sa akin.

"Hi," balik-bati ko. Kahit na matinding problema na ang ikakaharap namin ngayon, ngiti palang ng isang ito, kusa nalang naglalaho.

Kinuha niya ang bag ko mula sa loob ng apartment. Siya na ang nagsuot ng back pack ko bago man kami tuluyang nakalabas ng apartment. Ako na ang naglock nito at saka dumiretso na kami sa sasakyan. Pinagbuksan niya ako ng pinto nito at inaalalayang pumasok. Nilagay naman niya ang back pack ko sa back seat. Umikot pa siya sa likod hanggang sa nakapasok na din siya sa driver's seat.

Binuhay niya ang makina at humarurot siya ng takbo hanggang sa tuluyan na kaming nakaalis.

Parang anumang oras ay pupwede nang sumabog ang aking dibdib dahil sa takot. Nasa tapat na kami ng mismong bahay namin. Kulang nalang ay bumaba na kami. Humigpit ang pakahawak ko sa seatbealts na nakayapos sa aking katawan. Pilit kong alalahanin ang mga linyahan ko pagnasa mismong harap ko na si mama. Kung ano ang isesegway ko sa kaniya. Kung papaano ko ipapakilala si Rowan sa kaniya sa oras na magtatanong siya.

Naputol ang lahat ng iniisip ko nang maramdaman ko ang mainit na palad ni Rowan. Bumaling ako sa kaniya na may pag-aalala sa aking mukha.

"I'm here, hindi kita pababayaan kapag nakaharap na natin siya." masuyo niyang sabi.

CHOSEN FOR PLEASURE | R18+ | COMPLETEDWhere stories live. Discover now