SAINT LAUREL ACADEMY

70 1 3
                                        

                                                      PROLOGUE

Hay!  nakakapagod naman ito !  sawakas nakarating din !

aba! maganda pala talagah ang Campus na ito, totoo nga ang mga pinagsasabi doon sa kanto kanina

malawak!......

maraming esudyante......

disiplinadong campus.....

mababait na mga mag-aaral.....

.

Pero totoo nga bang napaka ganda ng Campus na ito?!

maaari ! Pero may itinatago itong sikreto!

malagim at nakakikilabot na nakaraan!

ang tanong gusto mo bang malaman?

gusto mo bang matuklasan?

halika!......

Alam mo ba yung pakiramdam na parang matutunaw ka kapag pinagtitinginan ka ng mga kaklase mo kapag bagong lipat kalang?!

sya nga pala kakatransfer ko lang dito noong lunes kaso napakalayo kasi ng bahay namin kaya nalate ako!

Pagkatapos nito maylumapit saking 5 magagandang mga kaklase!, sabay tanong!

"Bess anong pangalan mo ?"

"Ahmmmm...Jeyze!"

"Nice to meet you !,Ako nga pala si Gian at sila naman si ,Alex ,Margrette,Monique,At Mariel!"

"Ahhh..Nice too meet you to!" Buti nalang may mga ganitong tao pa  sa mundo noh?

kung hindi kanina pa ako natunaw sa mga tingin ng mga kaklase ko!"

"Hmmm...Satingin ko mabait kang tao,atsaka maganda karin,matangos ang ilong ,makinis ang balat !,at sexy kapa!"sabi ni Gian

"Oo nga!"sagot naman ni Alex

"Tingin ko pagkakaguluhan ka ng mga kalalakihan!"singit ni Margrette

"Oo ,tama magiging famous ka dito!"sabi ni Monique

"Ok!,may bago na tayong myembro sa grupo!"sigaw ni Mariel!.

"Ahh! gutom nako!pwede nyo ba akong samahan sa kantina?di ko pa kasi kabisado ang mga parte ng Campus na'to!"

"AH Ok lang!,sasamahan ka namin!"

Sinamahan nga ako ng mga bago kong kaibigan ! At habang naglalakad kami papuntang kantina

Biglang may sumigaw!

"Hoy!,Sama nyo naman ako dyan !iniiwan nyo ako palagi eh!"

"Ah..huh,,,,huh...huh.. sya nga pala sya ba yung bagong transfer  nating kaklase?"

"Oo!," sabi nila

"Ano bang panalan nya ?"

"Sya si Jeyze!"sagot ni Gian

"Jeyze sya nga pala si Jemmar!,kaklase din natin!"

Sabay nakipag-shakehands sakin

"Nice too meet you Miss Beautiful!"

"Ahh,kapal din pala ng pagmumukha nito ah!"sabi ko sa isip ko

"Hmm...pero di bali na may-itsura naman sya!"

"Oh tama ng pakikipagkilala !nandito na tayo sa kantina!"sabat ni Monique

"Sawakas makakakain narin ako!"

Pagkatapos naming pumili ng mga kakainin

Aba!ang daming tao! Halos puno ang kantina! "

"Wala nang pwesto naunahan tayo!"sumbat ni Margrette

"Hindi!,ayun kung saan kaupo si mark doon nalang tayo total nagiisa lang naman sya sa mesa!"

sagot naman ni Gian

"Mark??"tanong ko sa sarili ko!

unang tingin ko palang sakanya parang may nararamdaman agad ako para sa kanya!

"Oh,Jeyze sa tabi ka nalang ni Mark wala na kasing upuan!"sabi nila 

Kinilig ako ng kaunti ng sabihin nila yun parang pinagtatagpo talaga kami ng tadhana!

Ay masyado nang OA to kumain na nga lang ako

Bigla nanamang sumulpot yung lalaki kanina si Jemmar

"Uy guys! wag naman kayong magsolo!share-share"sigaw niya

tawanan naman kaming lahat!

may pagka-palabiro rin pala tong taong to!

Dudugtungan ko sana yung sasabihin kong yun! nang sabihin ni Mariel na time na!

"Halikana!pumasok na tayo tapos na ang BREAK!"sigaw nila

Kahit na di ko pa ubos yung kinakain ko at maylaman pa yung bibig ko iniwan namin ang mga kalat sa mesa

Sabi ko sa isip ko"Aba!sosyal tong mga taong to!may taga- linis"

pero ok lang may janitres naman dun palagi naghihintay!

tumakbo na kami papuntang room no.1 

section 1 pala ako napunta!nako dudugo utak ko dito!

Buti nalang nasa loob na kami ng Classroom nung biglang dumating yung prof. namin

Nagulat ako ng biglang tumitig sakin at parang nanlilisik ang mga mata nung prof. namin

Ang sama ng pagkakatitig nya sakin!

Unti-unti na akong kinakabahan !

bigla syang nagsalita at pinag mumura kami ng guro namin

"putang-ina,bwiset,hayop wala kayong kwenta!" pasigaw nyang sinabi

parang ako lang ata yung sinabihan nya nun

Rinig ko ang tibok ng puso ko ng Unti-unti syang lumapit sakin at 

hinawakan ako sa braso ng napaka-higpit ! para bang tatanggalin nya na yung braso ko!

"Ma'am nasasaktan po ako!"paiyak kong sinabi .At inihampas nya sa dib-dib ko yung isang litrato!

Litrato na may mukha ng isang madre! At nagulat ako na bigla syang hinimatay !

tumingin lahat ng kaklase ko saming dalawa ng professor ko!

nagulat sila kung bakit ganoon!

nangangatog ang tuhod ko habang umiyak !

1st class ko palang dito ganito agad ang nagyari!

                                    

SAINT LAUREL ACADEMYWhere stories live. Discover now