Prologue

14 0 0
                                        


AUTHOR'S NOTE:
Ang istoryang inyong mababasa ay hango lamang sa imahinasyon ng may-akda. Ang alin mang pagkakapareho sa aktuwal na tao, bagay, lugar o pangyayari ay hindi sinasadya at nagkataon lamang.

RESERBADO ANG LAHAT NG KARAPATAN.
Ang istoryang ito ay hindi maaaring ilathala o ilabas sa anumang anyo, nang walang pahintulot ang may-akda.

Karapatang-ari 2019
Ni ELAEVAA

Thanks in advance for reading our story.

PROLOGUE

Buong buhay ko ay palagi nalang akong nagiging pangalawa. Pagdating sa academics, sa pagkanta, pagarte, at pagsayaw. Pati na rin sa lahat ng sports kahit kailan ay hindi ako nanguna.

Marami ang humahanga sa taglay kong talino at talento.
Kung titignan ay napaka-perpekto na ng buhay ko, pero hindi ko magawa ang maging masaya para sa aking sarili.
Dahil kapalit ng lahat ng karangyaan at talino ay ang pagmamahal ng aking mga magulang.

Ako si Cassandra Stellan, 4th year high school at meron akong isang goal, ang maging Valedictorian. Pero mukhang hindi mangyayari iyon hanggat nabubuhay iyang Raizen Gregoire na iyan. Ang numero uno'ng ka-kompetensya ko.

"Top 2? Hindi ako pwedeng maging top 2 nalang palagi. Kailangan ko'ng maging valedictorian!" Nanlulumong sabi ko sa sarili. Nandito ako ngayon sa harap ng bulletin board kung saan nakapaskil ang mga pangalan ng Top 10.

"Tanggapin mo na kasi Cassandra, hindi mo ako kayang pantayan at mas lalo namang hindi mo ako kayang higitan." Puno ng pagmamayabang na sabi ng isang pamilyar na boses galing sa likuran ko.

Naramdaman ko ang pag-arko ng kilay ko at naniningkit ang matang lumingon sa kanya. Bumungad sa akin ang nakangising mukha ni Raizen sandali niyang inalis sa akin ang kanyang paningin at bumaling sa bulletin board.

"Masyado ka naman yatang mayabang Mr. Gregoire. Baka nakakalimutan mong 1st quarter palang-" Naputol ang dapat sana'y sasabihin ko at bahagyang napaatras nang dahan-dahan siyang humakbang papalapit sa akin. Naramdaman ko ang matigas na bulliten sa likuran ko nang isang beses pa akong umatras dahil sa kanyang pag-abante. Mas lalong lumawak ang pagkakangisi nya at halatang nagugustuhan ang kanyang nakikita.

"Asa ka pang maabutan mo ako. Itigil mo na iyang ilusyon mo dahil hindi mangyayari iyan.." Nangaasar na sabi nya at itinoon sa akin ang paningin. Naging seryoso ang kanyang mukha na wari'y pinagmamasdan ako.

Sandaling kumibot ang aking mga labi na parang may gustong sabihin. Ngunit sa huli ay itinikomko nalang ang mga ito at nakipagsukatan ng tingin sa kaniya. Maya-maya ngumisi ulit ito at nagmartsa paalis.

Nanggigigil akong sumigaw. Gusto ko'ng batukan ang sarili ko.
Bakit ganoon nalang ang epekto sa akin ng mga tingin niyang iyon. Pakiramdamko ay naging mahina at napahiya ako sa kanyang harapan at hindi ko ito nagustuhan.

UndestinedStories to obsess over. Discover now